You are on page 1of 21

Pananaliksik

Ano ang Pananaliksik?


“ANG PANANALIKSIK AY MAHALAGANG
KASANAYAN MAKAPAGDADALA NG
MARAMING KAALAMAN SA PAMAMAGITAN
NG MAKAAGHAM NA PAMAMARAAN MGA
TANONG O SULIRANI’Y MAIHAHANAP NG
KASAGUTAN”
Ano ang pinagkaiba ng Sulating
Pananaliksik sa Ordinaryong
Ulat?
SULATING PANANALIKSIK ORDINARYONG ULAT
- Limitado ang pokus - Malawak ang pokus ng
impormasyon impormasyon
- Batay sa makatotohanang - Batay sa sariling
impormasyon (obhetibo) opinion (subhetibo)
- Hindi sapat ang internet - Kahit aklat at internet
at aklat. lang pwede na.
Uri ng Pananaliksik
Panimulang Pananaliksik (Basic
Research)
- Ang layunin ng pananaliksik na
ito ay umunawa at magpaliwanag.
Uri ng Pananaliksik
Pagkilos na Pananaliksik (Action
Research)
- Ito ay naglalayong lumutas ng isang
tiyak na suliranin sa isang programa,
organisasyon, o komunidad.
Uri ng Pananaliksik
Pagtugong Pananaliksik (Applied Research)
- Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang
matulungan ang mga tao na maunawaan ang
kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay
magkaroon siya ng ideya kung paano ito
makontrol.
Uri ng Pananaliksik
Pananaliksik na Nagtataya (Evaluation
Research)
- Tumutukoy ito sa pag-aaral ng
proseso at kinalabasan ng isang
solusyon.
Bilang isang mananaliksik, kailangan
mong taglayin ang sumusunod na mga
katangian:
Malakas ang loob Mapanuklas Matiyaga Masinop

Masistema Mapamaraan Mahusay magsiyasat

Disiplinado Magaling makipag-usap Obhetibo, walang kinikilingan


Bukas ang kaisipan sa mga puna May paggalang sa bawat isa

Maging maingat Maging matapat


Disenyo ng Pananaliksik
Quantitative Research
- naipaliliwanag ang mga datos sa
pamamagitan ng mga numero at graphs.
- Ginagamit ang mga experiments,
observations recorded as numbers, surveys,
at marami pang iba.
Disenyo ng Pananaliksik
Qualitative Research
- naipaliliwanag ang mga datos sa pamamagitan ng
mga salita, upang maipaliwanag ang bawat konsepto,
paniniwala o kaya naman ay ang mga sariling
karanasan ng mga respondente.
- Ginagamit ang mga interviews, observations
described in words, at marami pang iba
Mga Hakbang sa Pananaliksik
1. Pumili at maglimita ng paksa
2. Magsagawa ng Pansamantalang Balangkas
3. Magtala ng mga Sanggunian o Bibliyograpiya
4. Mangalap ng mga datos
5. Bumuo ng borador ng panimulang papel
6. Gumamit ng dokumentasyon
1. Pumili at maglimita ng paksa
- Pumili na isang paksang kawili-wili at kapaki-
pakinabang upang magkaroon ng saysay ang
kalalabasan nito.
- Maghanda ng sapat na sangguniang babasahin sa
napiling paksa sapagkat kailangang mapalawak ang
mga kaalaman ng paksang tatalakayin.
- Pumili ng paksang hindi magiging malawak ang
saklaw.
2. Magsagawa ng Pansamantalang Balangkas

Matapos matiyak ang paksang tatalakayin…


- Ilahad sa isang pahayag o pangungusap ang nais
pag-aralan hinggil sa paksa.
- Ilahad ang layunin ng pananaliksik
- Itala o ilista ang mga tanong ukol sa paksa
- Pangatwiranan ang importansiya ng paksa
3. Magtala ng mga Sanggunian o Bibliyograpiya

- Ang silid-aklatan ay ang pinakamabuting lugar upang


pagsaliksikan.
- Mabuting itala mo ang lahat ng mga sanggunian na may
kaugnayan sa paksa.
- Huwag takdaan ang bilang ng magiging sanggunian
sapagkat higit na mabuti kung marami ang sangguniang
tiyak na magbibigay ng sapat na impormasyon.
4. Mangalap ng Datos
- Hindi kailangang kuhanin o kopyahin ang
kumpletong laman ng binasang teksto kundi ang
mahahalagang ideya lamang na nabanggit sa binasa.
- Makatutulong din ang paggamit ng index card
upang maging maayos ang gagawing pagtatala.
- Huwag ding kalimutang ilagay kung saan hinango
ang mga nasabing impormasyon.
TANDAAN!
- Ang mga hinangong datos ay dapat ipahayag sa
sariling paraan o pang-unawa ng mananaliksik.
- Hindi ito dapat i-copy paste lamang at ariing sa
kanya nagmula ang mga pahayag
- Kung nais naman ng mananaliksik na gamitin ang
mismong mga salita ng may-akda, kailangang itala
niya nang mabuti ang pangalan ng may-akda.
2 Uri ng mapaghahanguan ng mga datos
Pangunahing Datos
- mga datos na matatagpuan sa tuwirang pinanggalingan ng
impormasyon na maaaring indibidwal na tao, iba’t ibang
organisasyon, pribado man o pampubliko.

- Magagamit dito ang sulat, talaarawan, talumpati, akdang


pampanitikan, talambuhay, dokumento, batas, at sa lahat ng
uri ng orihinal na talaan.
2 Uri ng mapaghahanguan ng mga datos
Sekundaryang Datos
- tumutukoy ito sa mga datos na kinalap mula sa
mga aklat, diksiyonaryo, encyclopedia, almanac,
tesis, disertasyon, at mga artikulong mababasa
sa mga pahayagan at magasin.
5. Bumuo ng borador ng Panimulang Papel

May mga elementong bumubuo ng panimulang papel:


- Saligang Katwiran- nasasagot ang mga tanong na ano
at bakit ito ang napiling paksa. (Panimula)
- Layunin- inilalahad dito ang kaukulang mga tanong na
nagsisilbing suliranin ng pag-aaral (SOP).
- Metodolohiya- ipinapaalam ang paraang gagamitin sa
pananaliksik at mababatid ang mga taong tutugon sa
mga tanong.
6. Gumamit ng Dokumentasyon
- Anumang kinuha mula sa isang may-akda,
kinakailangan na dokumentado. Dahil kung
hindi ito ay matatawag na “pagnanakaw” at
ito ay itinuturing na seryosong krimen sa
larangan ng pagsusulat.

You might also like