You are on page 1of 3

Modyul 3 - Takdang Aralin 3

Magsanay ka:

1. Ano-ano ang mga katangian ng maka-Pilipinong pananaliksik na dapat


isaalang-alang sa pagpili ng paksa? Ipaliwanag ang bawat isa.

- Sistematiko - Ang pananaliksik ay isang prosesong may sinusunod na hakbang


na sasagot sa kahingian ng pag-aaral.
- Kontrolado - Ang pananaliksik ay kailangang kontrolado ang mga baryabol na
nakapaloob rito upang ang baryabol sa pananaliksik ay hindi pabagu-bago.
- Empirikal - Ang pananaliksik ay kinakailangang napapatunayan sa
pamamagitan ng pagmamasid o karanasan kaysa sa teorya, at nakabase sa
mga inilahad na pinagkunan ng mga datos.
- Mapanuri - Ang kabuuan ng isang pananaliksik ay nakabase sa interpretasiyon
ng mananaliksik kaya naman mahalagang katangian nito na ang pananaliksik ay
dapat mapanuri.
- Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling - Ang mga datos at interpretasyon ng
mananaliksik ay dapat obhetibo at lohikal at walang pagbabagong ginawa dahil
ang pananaliksik ay dapat walang kinikilingan.
- Gumagamit ng mga Kwantetibo at Estadistikal na Datos - Mga datos na
kwantetibo at estadikal ay mahalaga upang masukat ang kahalagahan ng iyong
pananaliksik.
- Orihinal na Akda - Ang iyong pananaliksik ay dapat sarili mong tuklas at hindi
paglalahad lamang ng tuklas ng ibang mananaliksik.
- Isang Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon - Akyureyt
na pangangalap ng datos at interpretasyong ng mga ito ay mahalaga sa isang
pananaliksik.
- Matiyaga at Hindi Minamadali - Upang maging akyureyt ang iyong tuklas ito ay
hindi mo dapat minamadali at dapat nakapaglaaan ka ng sapat na oras upang
intindihin ang mga datos.
- Pinagsisikapan - Ang pananaliksik ay dapat paglaanan ng oras, talino, panahon
at maraming mapagkukunan ng datos sapagkat ang paggawa ng pananaliksik ay
hindi madali at dapat pagsikapan.
- Nangangailangan ng Tapang - Sa mga pagkakataon na ang mananaliksik ay
nahaharap sa mga mahihirap na desisyon ukol sa kanyang pananaliksik, ito ay
dapat matapang na kanyang haharapin.
- Maingat na Pagtatala at Pag-uulat - Ang mga datos na nakalap ng
mananaliksik ay dapat naka-tala ng wasto at tama sapagkat maliit na
pagkakamali ay maglalagay sa panganib ng kanyang pananaliksik.

2. Isa-isahin ang mga batayang kaalaman na dapat isaalang-alang sa pagpili at


paglilimita ng paksa.

- May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napili mong paksa?- Ang
paksa na iyong gagamitin ay mahalagang may mga sanggunian ka na
mapagkukunan at pwedeng maging batayan sa paggawa mo ng iyong
pananaliksik.
- Paano mo lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw? -
Mahalaga na bilang isang mananaliksik ikaw ay may kaalaman sa paksang iyong
napili, sa ganitong paraan ang pagpapaliit sa saklaw ng iyong paksa ay hindi na
mahirap ang pagdadalisay na iyong isasagawa.
- Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing
paksa? - Bilang mananaliksik ikaw ay makapag-aambag sa iyong pananaliksik
sa paraang iyong pagaaralan ang iyong paksa at ikaw ay makapag bibigay na
nang sarili mong tuklas ukol sa iyong binasa.
- Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang
tanong? - Upang matiyak na wasto at tama ang pag-aaral na ating ginawa tayo
ay dapat gumamit ng sistematiko at siyentapikong paraan, ito rin ay nakatutulong
upang maging makatotohanan ang mga impormasyon na nakalap.

3. Ano-ano ang mga gabay sa kung paano ka mamimili ng sanggunian bilang


mananaliksik?

- Tiyaking mo kung ito ay akademikong sanggunian. - Ang akademikong


sangguninan ay isang sanggunian na maaasahan at ikaw ay makakasigurong
ang datos na iyong makukuha ay tama at nasuri kaya mahalaga na iyong tiyakin
na akademikong sanggunian ang iyong napili.
- Tukuyin mo ang uri ng sanggunian - Ang masusing pagtukoy sa uri ng
sanggunian na iyong pagkukunan ay isang mahalagang gabay upang
makasiguro na tama ang mga datos na iyong nakukuha, sapagkat ang mga
artikulo, journal o aklat ay kadalasang makikita o iyo ring makikita online at
mahalagang makasiguro ka na iyon ang tamang sayt o websayt.
- Alamin mo kung ito ay primarya o sekondaryang sanggunian - Ang naayon
o mas katanggap tanggap na sanggunian ay primarya sapagkat ito ay nakabase
sa orihinal o direkta na ebidensya sa mga paksa habang ang sekondaryang
sanggunian ay nakadadagdag ng impormasyon para sa iyong paksa.

You might also like