You are on page 1of 2

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik
REVIEWER

Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Pananaliksik
Isang proseso ng paghahanap ng mga totoong impormasyon na humahantong
sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang
nalalaman o napag-alaman na.

Katangian ng pananaliksik

▪ Ang pananaliksik ay sistematiko


-sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso
▪ Ang pananaliksik ay kontrolado
-Tumutukoy sa isang uri ng pananaliksik kung saan sinasadyang
manipulahin o kontrolin ng mananaliksik ang isa o higit pang mga
variable.
▪ Ang pananaliksik ay emperikal
-Ang proseso ng pananaliksik ay batay sa mga obserbasyon at
eksperimento na maaaring mapatunayan o masukat sa pamamagitan
ng karanasan o pagmamasid sa mga pisikal na katotohanan.
▪ Ang pananaliksik ay pagsusuri
- ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
▪ Ang pananaliksik ay lohikal, obhetibo at walang kinikilingan
-ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi
salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.

Etikal na Pananaliksik at Responsibilidad ng mga Mananaliksik

1. Pagkilala sa pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik


-mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at
iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
-Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente
3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok
-kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon
na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng
pananaliksik.
4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
-mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri
ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral.

Plagiarismo
▪ Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba.
▪ Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag.
▪ Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag.
▪ Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto
ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala.
▪ Ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan
na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang
pinagmulan nito.
Proseso ng Pananaliksik
1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
▪ Pamimili at paglilimita ng paksa
▪ Pagbuo ng tanong ng pananaliksik
▪ Pagbuo ng haypotesis
▪ Pagbabasa ng mga kaugnay na literatura
2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
▪ Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
▪ Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik
▪ Pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales napagmumulan
ng datos
3. Pangangalap ng Datos
▪ Pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at
aktuwal na paggamit dito
▪ Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik
▪ Pagsasagawa ng sarbey o panayam.
4. Pagbabahagi ng Pananaliksik
▪ Presentasyon ng Datos
▪ Pagsusuri at interpretasyon ng datos
▪ Pagbuo ng lagom, konklusyon at mga rekomendasyon
▪ Pamimili ng journal kung saan ilalathala angpananaliksik
▪ Rebisyon ng format at nilalaman batay sa rebyu ng journal
▪ Presentasyon sa mga kumperensya o iba pang paraanng pagbabahagi.

Mga Bahagi Ng Pananaliksik

Kabanata 1
▪ Panimula
▪ Teoretikal na Balangkas
▪ Konseptwal na Balangkas
▪ Paglalahad ng Suliranin
▪ Haypotesis
▪ Kahalagahan ng Pag-aaral
▪ Saklaw at Limitasyon
▪ Katuturan ng mga Salita
▪ Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kabanta 2
▪ Metodo ng Pananaliksik
▪ Pamamaraang Gagamitin
▪ Populasyon
▪ Paraan ng Pagpili ng Kalahok
▪ Deskripsyon ng mga Respondente
▪ Instrumento ng Pananaliksik
▪ Paraan ng Pangangalap ng Datos
▪ Uri ng Gagamiting Estadistika
Kabanata 3
▪ Paglalahad ng Resulta

Kabanata 4
▪ Lagom ng Natuklasan
▪ Kongklusyon
▪ Rekomendasyon

You might also like