You are on page 1of 1

KABANATA III

MGA PAMAMARAAN

Inilalahad ng kabanatang ito ang pamamaraan sa pananaliksik, paraan ng

pagpili sa mga tagatugon, lugar na sinisiyasat ng mananaliksik, paglalarawan sa

mga tagatugon, mga instrumentong ginamit, pangangalap ng datos at pagsusuring

istatistikal.

Pamamaraan sa Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito ay ginamit ang palarawang pamamaraan o ‘’descriptive

method’’. Ayon kay Rivera (1999), ito ay sa pananaliksik para lumikom ng mga

datos at impormasyong kailangan sa pag-aaral.

Paraan sa Pagpili ng mga Tagatugon

Ang ginamit na paraan ng mananaliksik sa pagpili ng tagatugon ay ang

‘’purposive sampling’’. Ayon kay Rivera (1999), ang paraan na ito ay batay sa

desisyon o pananaw ng mananaliksik kung sino ang nararapat na sumagot sa

layunin ng pag-aaral. Inilalarawan ng mananaliksik ang mga sangkot sa pag-aaral

na ito.

Lugar na Siniyasat ng Mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginanap sa Palawan National School, H. Mendoza

Street, Barangay Model, Lungsod ng Mandaluyong, taong panuruan 2018-2019,

unang semestre.

You might also like