You are on page 1of 30

Republika ng Pilipinas

Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan


Kolehiyo ng Panggurong Edukasyon
Unang Semestre A.T. 2023-2024

Ang Impluwensya ng Modernisasyon


sa Wikang Filipino at Pagpapahalaga
ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino

Isang Pamanahong papel na Iniharap kay:


Bb. Mary Grace E. Ubando
Guro sa Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Pangasinan State University-College of Teacher Education
Lingayen, Pangasinan

Bilang Bahagi ng Pagtupad


sa Panagangailangan ng Asignaturang:
“Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika”
FIL 101

Ipinasa ni:
Kimberly C. Garcia
I – BSE FILIPINO

Disyembre 2023
Panimula

Sa bawat pag-usbong ng panahon, nagbabago ang mukha ng pandaigdigang lipunan. Sa gitna

ng modernisasyon at globalisasyon, hindi maiiwasan ang mga tanong ukol sa pagpapahalaga sa wika

at kultura ng mga bansa. Isang mahalagang aspeto ng ating identidad bilang Pilipino ay ang wikang

Filipino, na hindi lamang ginagamit bilang komunikasyon kundi puno rin ng kahulugan at kasaysayan.

Ngunit sa patuloy na paglaganap ng Ingles bilang internasyonal na wika, naririnig natin ang

mga boses na nagtatanong: "Dapat ba nating ipaglaban ang Filipino bilang pangturo?" Marapat nga

bang isantabi ang ating wika sa harap ng globalisasyon?

Sa panahon ng modernisasyon marami ng mga kabataan o estudyante ngayon na ginugugol

ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga networking sites at dahil dito ay tila ba

maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaaring nagbubunsod ng modernisasyon ng

wikang Filipino. At dahil sa modernisasyon at paglunsad sa makabagong teknolohiya, ay patuloy din

ang pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino. Ilan sa mga pagbabagong naganap ay ang paggamit

ng ibat-ibang paraan upang mapaikli ang pagbigkas at baybay ng wikang filipino tulad ng paggamit

ng akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag sa isang salita upang mas madaling

maintindihan, pagpapalit ng mga salita, at ang pinakauso ngayon ay ang paggamit ng balbal na

salita, ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Ngunit, sa

pagbabagong ito tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita.

Isa rin itong hamon para sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino na maikintal sa

isipan ng mga estudyante ang mga konseptong nakapaloob sa Filipino lalong-lalo na sa

pagpapahalaga nito. Ang pagpaunawa sa kahalagahan at gamit ng wika ay nakasandig sa balikat

ng mga guro mula sa elementarya hanggang tersarya.


Subalit, nakalulungkot isipin na sa kasalukuyan ay iilan lamang ang mga estudyante na

may marubdob na pagpapahalaga sa wikang Filipino. Nagkaroon rin ng negatibong impresyon

ang wikang pambansa sa mga kabataan maging ang iilang mga propesyunal at kung patuloy na

ganito ang sitwasyong mahihinuha maaaring maapektuhan ang mga estudyante sa kanilang

pagpapahalaga sa asignatura pati na ang kanilang performans. . Batay sa pagaaral na ginawa ni

Calisang sa kanyang tesis kaugnay sa “Lawak ng Paggamit ng mga Estudyante sa Wikang

Filipino”, napatunayan niya na kalimitang ginamit lamang ang wikang Filipino sa silid-aralan kung

saan Filipino ang itinuturo at kung nakapagsalita man nahihirapan pa rin sa paglalahad ng mga

kahulugan sa mga mahihirap na termino. Sa sitwasyon naman sa paggamit ng wika sa loob ng

paaralan, hindi pinapansin ng kapwa guro at estudyante ang bawat isa kapag wikang Filipino ang

ginamit sa pakikipagtalastasan at may halo pa itong pangungutya (Calisang 59).

Batay sa napatunayan ni Calisang isang mahalagang aral ang napulot na patatagin at

palawakin pang lalo ang paggamit ng wikang Filipino bilang daan sa totoong pagpapahalaga sa

pagkakataong ituturo ito.

Sa madaling salita, ang wikang Filipino ay patuloy na nagbabago sa gitna ng modernisasyon,

at ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang kalagayan nito kasama ang pagpapahalaga ng

mga mag-aaral sa asignaturang Filipino at masuri kung nakakaapekto ba ito sa kanilang

pakikipagtalastasan,performans at pagkatuto sa klase.


Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang maipatid ang kalagayan ng wikang Filipino sa harap

ng modernisasyon, partikular na ang epekto nito sa mga mag-aaral sa kanilang pakikipagtalastasan,

pagganap sa klase, at proseso ng pagkatuto sa silid-aralan. Makikita rito ang ilang pagbabagong

nangyari sa wikang Filipino dulot ng modernisasyon at teknolohiya, kabilang na ang paggamit ng mga

bagong salita at estilo ng komunikasyon. Layunin ng pag-aaral na ito na mas bigyang-diin

kahalagahan ng pagpapalaganap at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa gitna ng mga hamon ng

modernisasyon upang mapanatili ang pagkakakilanlan at kahalagahan ng sariling wika at kultura.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at mapakinabangan sa sumusunod na indibidwal o grupo:

Sa mga estudyante. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mabatid ng bawat estudyante ang

kabutihang naidudulot ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino bilang daan sa katatasan at

kabuuang pagkahubog ng sarili hinggil sa konteksto ng asignaturang Filipino at maunawaan ng mga

kabataan at estudyante ang malaking epekto ng social media sa pagbabago ng mga salita.

Sa mga guro. Sila ang matitiyagang tagapagbahagi ng mga kaalaman sa mga mag-aaral at

makatutulong ang pag-aaral na ito upang malaman ng bawat guro ang kadahilanan ng mga mag

aaral hinggil sa kanilang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino at mag-udyok sa kanila upang

makabuo at makagamit ng mga estratehiyang magpapataas sa pagpapahalaga ng mga

estudyante sa asignaturang Filipino.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang mga susunod na mananaliksik ay mahihikayat na

bumuo ng isang pananaliksik na maaaring may kaugnayan sa pananaliksik na ito.


Kahulugan ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyang pakahulugan ayon sa paggamit ng

pag-aaral na ito.

Conyo- isa ring uri ng salitang balbal na kung saan pinaghahalo ang wikang Filipino at Ingles upang

maging sosyal kung papakinggan.

Modernisasyon- pagbabago kasabay ng panahon o pag-unlad ng wika kasabay ng panahon.

Performans- ito ang kabuuang marka/grado ng mga mag-aral sa asignaturang Filipino.

Teknolohiya- mga gadgets na naimbento upang mapabilis ang komunikasyon ng mga tao.

Presentasyon at Interpretasyon

A. Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino


Talaan 1

Porsyento (%)
Departamento Frekwensi

31.53
CE 64

33.50
CBA 68

10.84
SIE/Criminology/CA/DAFA 22

6.40
CAS/CN 13

6.90
CCS/IT 14

10.84
HOSM 22

100.00
Kabuuan 203

Profayl ng mga Respondente Batay sa Departamentong Kinabibilangan

Ipinapakita sa Talaan 1 ang mga departamento at kolehiyong kinabibilangan ng mga

respondente.Makikitang ang may pinakamaraming bilang ng mga respondent ay nagmula sa


Kolehiyo ng Negosyo at Pamamhala (CBA) na may 33.50 na porsyento, ang sumunod naman ay ang

Kolehiyo ng Edukasyon (CE) na may 31.53 na porsyento.

Ang resultang ipinakita sa Talaan 1 ay nagpatunay na marami sa mga respondente ang

nagmula sa Kolehiyo ng Negosyo at Pamamahala (CBA) at Kolehiyo ng Edukasyon (CE).

Talaan 2

Profayl ng mga Respondente Batay sa Kanilang Paboritong Asignatura

Porsyento (%)
Asignatura Frekwensi

33.99
English 69

28.08
Filipino 57

5.42
History 11

17.24
Math 35

Science 18 8.87
6.40
Iba pang Asignatura 13

100.00
Kabuuan 203

Makikita sa Talaan 2 na sa lahat ng mga paboritong asignatura na nabanggit ang Ingles ang

nangunguna na may 33.99 na porsyento, ikalawa ang Filipino na may 28.08 na porsyento at 17.24

na porsyento naman ang Math bilang ikatlo sa pinakamataas. Ito ay nangangahulugan na

karamihan sa mga respondente ay pumili ng Ingles bilang pangunahing paborito nilang

asignatura.

Talaan 3

Porsyento (%)
Mga Babasahin Frekwensi

25.12
Pocketbooks naFilipino 51

English Magazines 35 17.24


12.32
English Novels 25

18.72
Komiks 38

3.45
Diyaryo sa English 7

10.84
Diyaryo sa Filipino 22

12.32
Iba pa 25

100.00
Kabuuan 203

Profayl ng mga Respondente Batay sa Kanilang Paboritong Babasahin


Makikita sa Talaan 3 na sa lahat ng mga babasahing inilahad, nangunguna ang Pocket

Booksna Filipino na may 25.12 na porsyento.Sinundan ito ng komiks na may 18.72

porsyento.Subalit napakababa ang bilang ng mga respondenteng nagbabasa ng mga diyaryong

Ingles, ito ay may 3.45 porsyento lamang. Patunay lamang ito naPocket Bookna Filipinoay higit na

kinagigiliwang babasahin ng mga estudyante.

Ang resultang ito ay pinatutunayan sa sarbey noong 2014 na may kaugnayan sa

paboritong babasahin, lumabas sa pag-aaral na 84% sa kababaihan ay bumibili ng mga

babasahing may kaugnayan sa romansa at pagibig na halos makikita ang mga ito sa mga “pocket

books”. Samantala, 16% lamang sa mga lalaki na ang kinahihiligan ay “pocket books”.Napapansin

sa pagaaral na ito

na mas marami rin ang mga respondenteng babae na ang kinahihiligang babasahin

ay“pocket books” (Romance Writers of America).

Talaan 4

Lawak ng Interes ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino

Berbal na
Interes/Kawilihan sa Asignatura Lawak ng Interes
wx Deskripsyon

1. Salahatng pagkakataon/panahon,magiliw

akong gumagamit ng wikang Filipino sa

aking pakikipagtalastasan sa mga 3.89 Sumasang-ayon Mataas

talakayan sa loob ng klase

(asignaturangFilipino).
2. Maunawain ang aming guro pagdating
Lubhang
sa paggamit ng tamang gramatika
4.47 Napakataas
kaya kinagigiliwan kong sumagot at Sumasang-ayon
makibahagi sa mga talakayan.

3. Paboritoko ang asignaturang Filipino kaya

nagaganyak akong gawin ang mga gawain


3.72 Sumasang-ayon Mataas
sa loob ng klase.

4. Nauunawaan ko ang koneksyon ng mga


Lubhang
leksyon na magagamit sa pagpapalawak ng 4.31 Napakataas
Sumasang-ayon
aking buhay.

5. Palaging may magandang interaksyon ang


Lubhang
aming pagkaklase at may mga pangkatang 4.51 Napakataas
Sumasang-ayon
gawain.

Sumasang-
Composite 4.18 Mataas
ayon

Ipinapakita sa Talaang ito ang lawak ng interes ng mga estudyante sa asignaturang

Filipino. Sa limang pahayag, makikitang ang pahayag na “Palaging may magandang interaksyon

ang aming pagkaklase at may mga pangkatang gawain" ay ang may pinakamataas na weighted
mean samantalang mas mababa naman ang pahayag na “Paborito ko ang asignaturang Filipino

kaya nagaganyak akong gawin ang mga gawain sa loob ng klase.”

Ang resulta ay nagpakita na mataas ang antas ng ipinakitanginteres ng mga respondente

sa asignaturang Filipino dahil sa loob ng kanilang klase ay may magandang interaksyon at mga

pangkatang-gawain. Naunawaan din ng guro ang kanilang limitasyon sa paggamit ng wika kaya

hindi balakid sa kanila ang pakikilahok sa talakayan. Naunawaan din nila ang koneksyon ng

kanilang mga leksyon sa pagpapalawak ng kanilang buhay. Ngunit hindi nila masyadong

itinuturing na paborito ang asignaturang Filipino.

Talaan 5

Lawak ng Motibasyon sa Pag-aaral ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino

Berbal na Lawak ng
Motibasyon sa Pag- aaral
wx Deskripsyon Motibasyon

1. Bago simulan ng aming guro ang mga

talakayan sa araw-araw ay may mga


Sumasang-
bagong hamon siyang iniharap sa amin 4.0 7 Mataas
ayon
kaya ako nagaganyak na nakikinig at

nakikibahagi.

2. Maayos at kawiliwili ang

atmospers/kaligiran ng aming klasrum Sumasang-


4.1 7 Mataas
kaya na iiwasan ko ang pagkaantok sa ayon

loob ng klase.

3. May maayos at kaaya-ayang katauhan


4.5 8 Napaka taas
Lubhang
ang aming guro at higit sa lahat siya‟y
punong buhay sa pagkaklase kaya Sumasang-

nadadala ako sa kanyang kasikhayan. ayon

4. Gumagamit ng mga makabagong

pamamaraan at teknolohiya ang aming


Sumasang-
guro sa pagtuturo ng mga leksyon kaya 3.6 1 Mataas
ayon
lubos na napupukaw ang aking interes na

makinig.

5. Nais kong makakukuha ng malaking


Lubhang
marka kaya ako nagpupursiging mag-
4.5 6 Sumasang- Napakataas
aral nang mabuti sa asignaturang
ayon
Filipino.

Sumasang-
Composite 4.2 0 Mataas
ayon

Ipinapakita sa Talaan 6 ang antas ng motibasyon sa pag-aaral ng mga respondente sa

asignaturang Filipino.

Makikita na ang pinakamataas na weighted mean sa mga sitwasyong makikita sa talaan

na pinaniwalaan ng mga estudyanteng nakaapekto sa kanilang motibasyon sa pag-aaral sa

asignaturang Filipino ay ang pagiging maayos at kaaya-ayang katauhan ng isang guro at ang

pagkakaroon niya ng buhay sa pagkakalase. Samantala, ang pahayag hinggil sa paggamit ng

mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa pagtuturo ng mga leksyon na lubos na

pumupukaw sa interes ng mga estudyanteng makinig ay ang may pinakamababang weighted

mean.
Nangangahulugan lamang ang resultang ito na mas nagkakaroon ng mas mataas na

motibasyon ang pag-aaral ng mga estudyante kung gumagamitng mga mga makabagong

kagamitan at teknolohiya ang isang gurosa kanyang pagtuturo. Pinatunayan ito sa nailathalang

pananaliksik sa online ni John Schacter hinggil sa “The Impact of Education Technology on

Student Achievement,”na ang saloobin ng mga estudyante tungo sa pagkatuto at ng kanyang

sariling-konsepto ay mas mapahuhusay sa tulong ng kompyuter at iba pang elektronikong

kagamitang pampagtuturo (5).

Talaan 6

Lawak ng Pagpapahalaga sa Paggamit ng Wikang Filipino ng mga Respondente

Lawak ng
Berbal na
Paggamit ng Wikang
Paggamit ng Wikang Filipino wx deskripsyon
Filipino

1. Naunawaan ko ang kahalagahan


Lubhang
ng paggamit ng wikang Filipino 4.55 Napakataas
Sumasang-ayon
sa pakikipagtalastasan.

2. Nauunawaan ko na ang wikang

Filipino ay nakatutulong sa Lubhang


4.67 Napakataas
pagpreserba ng ating kultura at Sumasang-ayon

pagkakilanlan.

3. Ikinatutuwa ko ang paggamit ng


Lubhang
wikang Filipino sa harap ng 4.23 Napakataas
Sumasang-ayon
aking mga kaklase at kaibigan.

4. Taas noo ako bilang Pilipino kaya


4.58 Lubhang Napakataas
nagugustuhan ko ring gamitin
Sumasang-ayon
ang wikang Filipino.

5. Nauunawaan ko ang mga

paghihirap na dinanas ng ating

mga bayaning Pilipino upang

maangkin ang kasarinlan kaya Lubhang


4.65 Napakataas
pinahahalagahan ko rin ang Sumasang-ayon

wikang Filipino sa pamamagitan

ng paggamit nito kung

kinakailangan.

Lubhang
Composite 4.53 Napakataas
Sumasang-ayon

Inilalarawan ng Talaan 8 ang antas ng pagpapahalaga sa paggamit ng wikang Filipino ng

mga respondente. Makikita na ang limang pahayag kaugnay sa kanilang antas ng pagpapahalaga

sa paggamit ng wikang Filipino, nauunawaan ng mga respondente ang mga paghihirap na

dinanas nga mga bayaning Pilipino makamit lamang ang pagkakilanlan ng mga lahing Pilipino,

taas noo rin sila sa kanilang pagiging Pilipino at totoong naunawaan nila ang kahalagahan sa

paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan.

Sa kabuuan, napakataas ang antas ng pagpapahalaga ng mga respondente sa

paggamit ng wikang Filipino.


Ang resultang ito ay may kaugnayan sa pananaliksik nina Gerner at Lambert, ayon sa

kanila ang mga mag-aaral na may positibong pananaw o saloobin sa pag-aaral at paggamit ng

pangalawang wika ay higit na makikinabang sa pagkatuto. Samantalang ang mga mag-aaral na may

negatibong saloobin ay nagbubunsod sa pagpapababa ng motibasyon at sila‟y hindi nagtatamo ng

kahusayan sa wika at kailangan pang ipaliwanag at ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng

pagkatuto bago sila magkaroon ng interes sa pag-aaral at paggamit ng pangalawang wika (Villafuerte

75).

B. Epekto ng Modernisasyon sa Wikang Fiipino

Talahanayan 1

PERCENTAGE

OO HINDI

1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng modernisasyon


72.6% 27.4%
upang mapaunlad at maipalaganap ang wikang Filipino?

2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino

ang mga iba’t ibang social networking sites tulad nga 66.8% 33.2%

Facebook, Twitter, at Instagram?

3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social 69.6% 30.4%

networking sites, text messaging, blog at iba pa ay isa rin

sa mga salik na nakakaapekto sa pagkabaon sa limot ng


mga makalumang salita?

4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na

siyang nagbubunsod ng bandwagon effect sa pag-unlad at 66.2% 33.8%

pagbabago ng wikang Filipino?

5. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad

ng iyong saloobin at opinion sa social media sites upang 59.3% 40.7%

mapaigting ang iyong punto?

6. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang

gamitin ang wikang Filipino sa pagpapahayag ng saloobin 52.7% 47.3%

mo sa social media?

7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng


43.2% 56.8%
iyong mensahe?

8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y

gumagamit ng pormat na jejemon sa paglalahad ng iyong 45.5% 54.5%

mensahe?

9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa


46.5% 53.5%
pag-unlad ng wikang Filipino?
10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, 67.5%

responsable at maayos mo bang ginagamit ang wikang


32.5%
Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha, at paglalabas ng

saloobin o opinyon sa social media at maging sa realidad?

Bilang 1-3; Tumatalakay ito sa epekto ng modernisasyon sa Wikang Filipino

Bilang 4-5; Tumalatakay ito sa impluwensya ng kultura ng ibang bansa sa Wikang Filipino

Bilang 6-10; Tumatalakay sa asal ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino

Ipinanapakita sa talahanayan 1 ang naging resulta ng isinagawang sarbey sa mga mag-

aaral. Sa bilang 1 at 2 , malaki ang bahagdan ng mga sumasang-ayon na ang modernisasyon ay

may malaking papel sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ang 72.6% ng mga

sumasang-ayon ay nagpapahiwatig na marami ang naniniwala na ang modernisasyon ay may

positibong epekto sa wikang Filipino, marahil sa paggamit ng modernong teknolohiya at

kagamitan para mapalaganap ang wikang ito at mayroon 66.8% ang sumasang-ayon na mag-

aaral na nakatutulong ang mga ibat-ibang social networking sites pangunahin na dito ang

Facebook, Twitter, at Instagram na halos ginagamit ng mga mag-aaral at malaki sa kanilang oras

ay inilalaan nila sa paggamit ng mga ito na naging epekto ng pag-usbong at ma-expose sa mga

salita na nauuso sa panahon na ito.


Ang bilang 4-5 ay tumatalakay sa impluwensya ng kultura ng ibang bansa sa wikang Filiino.

Batay sa datos, 66.2% ang sumasang-ayon na ang pagpasok ng mga banyagang salita ay

nagdudulot ng bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino. Ito ay maaaring

magpapakita ng tendensya ng mga tao na sumunod sa uso o trend, kung saan ang paggamit ng

mga banyagang salita ay maaaring maging daan sa pagbabago ng wikang Filipino patungo sa

pag-angkop o pagtatangkilik sa mga salitang banyaga at may 59.3% ang sumasang-ayon na mas

mainam gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng kanilang saloobin at opinyon sa social media

sites upang mapaigting ang kanilang punto.

Ang pagsasalin sa Ingles ay maaaring magbigay ng mas malawak na saklaw sa kanilang

mensahe, lalo na't maaaring mas maraming tao ang maabot ng kanilang pahayag.

Ayon sa tanong na pang-anim, halos pantay ang bilang ng mga kabataang gumagamit

(52.7%) at hindi gaanong gumagamit (47.3%) ng wikang Filipino sa pagpapahayag ng kanilang

saloobin sa social media. May kalahati ng kabataan ang pumipili ng wikang Filipino para sa kanilang

mga post at komunikasyon sa online na espasyo. Ang bahagdan naman na nakuha sa mga bilang na

pito (56.8%), walo (25.5%), at siyam (53.5%) ay nagpapakahulugan na karamihan ng mga

respondente ay hindi tinatangkilik at ginagamit ang istilo ng jejemon at conyo na pananalita o

paglalahad ng saloobin at opinion. Ayon din sa nakalap na datos hindi umano nagkaka-unawaan ang

bawat isa kung jejemon at conyo ang istilong ginagamit.

C. Ang Wikang Filipino sa Makabagong Panahon

Talahanayan 1

Mga Tanong Oo Hindi


Lalaki Babae Lalaki Babae

1. Sang-ayon ka ba na

umuunlad/nagbabago ang 22 19 2 6

wikang Filipino?

2. Ang makabagong

teknolohiya ba ay isa sa mga

salik na nakakaapekto sa pag- 19 18 5 7

unlad/pagbago ng wikang

Filipino?

3. Mahalaga ba ang pag-

unlad/pagbago ng wikang 23 25 1 0

Filipino?

4. Mahalaga pa ba ang
22 25 2 0
wikang Filipino sa kasalukuyan?

5. Ang paglipas ba ng
17 21 7 4
panahon ay isa din sa mga

naging dahilan sa
pag-unlad/pagbago ng wika?

6. Nakakaapekto ba ang pag-

unlad/pagbago ng wikang 14 13 10 12

Filipino sa kasalukuyan?

7. Dapat na bang kalimutan

ang mga lumang salita na ating 18 25 6 0

minana mula ating mga ninuno?

8. Nakaimpluwensiya ba ang

panankop ng ibang bansa sa


7 22 17 3
pag-unlad/pagbago ng ating

wika?

9. Bilang mag-aaral, may

maitutulong ka ba sa pag- 20 25 4 0

unlad/pagbago ng wika?

10. Naging epektibo ba ang

pag-unlad/pagbago ng wika sa 19 21 5 4

ating pamumuhay/lipunan?
Total 214 181 36 59

Mula sa mga datos na makikita sa talahanayan 1, mapapansin na mas maraming kalahok ang

pumili ng "Oo" sa kanilang mga sagot. Sa kabuuan ng mga kalahok sa pag-aaral, nakita na

karamihan sa kanila ay sumasang-ayon sa teorya na ang Wikang Filipino ay patuloy na umuunlad o

nagbabago sa kasalukuyan.

Sa pangalawang tanong kung saan binanggit ang teknolohiya bilang isang salik sa pagbabago

ng Wikang Filipino sa kasalukuyan, ang 80.43% ng mga kalahok sa survey ay sumang-ayon sa ideya

na ito. Sa ikalimang tanong naman, naka 82.61% ng mga kalahok ang sumang-ayon na ang Wikang

Filipino ay nagbago o umunlad, base sa mga nakalap na datos.

Sa kabuuan ng resulta, malinaw na halos lahat ng mga kalahok ay sumasang-ayon sa ideya

ng pagbabago o pag-unlad ng Wikang Filipino sa kasalukuyan at ang kahalagahan nito. Batay rin sa

datos na naitala, maituturing na epektibo ang pagbabago o pag-unlad ng Wikang Filipino sa

kasalukuyan dahil nakatulong ito sa pamumuhay at lipunan ng mga tao.

Lagom, Kongklusyon, Rekomendasyon

Sa bahaging ito inilahad ang mga natuklasan ng mananaliksik at ang mga nararapat na

rekomendasyon.
Lagom

A. Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob ng Unibersidad ng Foundation. Ang

Unibersidad ng Foundation ay may kompletong premarya, elementarya, hayskul at tersarya.

Partikular na isinagawa ang pag-aaral na ito sa antas tersarya. Ang asignaturang Filipino ay

kasalukuyang nasa pamamahala ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ang napiling mga respondente

sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyanteng nagmula sa iba‟t ibang departamento at kolehiyo

at opisyal na nakatala sa asignaturang Fillipino11//21 sa Unang Termino ng Unang semestre

ng Akademikong Taon 2014-2015. Sila ay nagmula sa Kolehiyo ng Negosyo at Pamamahla,

Kolehiyo ng Edukasyon, Kolehiyo ng Agham at Sining, Kolehiyo ng Narsing, Kolehiyo ng

Kompyuter Stadeys at Kolehiyo ng Hospitality Management. Sarbey-kwestyoneyr ang

pangunahing instrumentong ginamit sa pagaaral na ito. Ito ay naglalaman ng mga tanong

hinggil sa lawak ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino. Ang pag-aaral

na ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mananaliksik ay naghanda ng isang

kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri at masukat ang

pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino. Mula sa mga nakalap na mga

datos sa pag-aaral na ito ay napatunayan ang sumusunod:

1. Profayl ng mga estudyante

1.1 Departamentong Kinabibilangan

Marami sa mga respondente ang nagmula sa Kolehiyo ng Negosyo at Pamamahala

(CBA) at Kolehiyo ng Edukasyon (CE).

1.2 Paboritong Asignatura


Karamihan sa mga respondente ay pumili ng Ingles bilang pangunahing paboritong

asignatura.

1.3 Paboritong Uri ng Babasahin

Ang Pocket Bookna Filipinoay higit na kinagigiliwang babasahin ng respondente.

2. Antas ng Pagpapahalaga ng mga Respondante sa Asignaturang Filipino

2.1 Interes/kawilihan sa Asignatura

Mataas ang antas ng kawilihan ng mga respondente sa asignaturang Filipino.

Nagpapakita lamang na nagkaroon ng interes ang mga estudyante sa asignatura dahil sa

pagkakaroon ng isang magandang interaksyon gamit ang iba‟t ibang mga gawaing inihanda

ng guro ngunit hindi nila masyadong itinuturing na paborito ang asignaturang Filipino.

2.2 Motibasyon sa Pag-aaral

Natuklasan na mataas ang lawak ng motibasyon ng mga respondente sa pag-aaral ng

Filipino dahil naingganyo silang makinig sa kanilang klase dahil ang kanilang guro ay may

kaaya-ayang katauhan at puno ng buhay sa kanyang pagtuturo. At higit sa lahat sila‟y

naganyak sa pag-aaral ng asignatura dahil gusto nilang makakuha ng malaking marka. Ito‟y

nangangahulugan na ang katauhan ng guro sa loob ng klasrum ay may malaking epekto sa

kawilihan ng mga estudyante na matuto.

Samantala, ang pahayag hinggil sa paggamit ng mga makabagong pamamaraan at

teknolohiya sa pagtuturo ng mga leksyon na lubos na nagpukaw sa interes ng mga

estudyanteng makinig ay ang may pinakamababang weighted mean.


Nangangahulugan lamang ang resultang ito na mas nagkakaroon ng mas mataas na

motibasyon ang pag-aaral ng mga estudyante kung gumagamit ng mga mga makabagong

kagamitan at teknolohiya ang isang guro sa kanyang pagtuturo.

2.3 Paggamit ng Wikang Filipino

Nauunawaan ng mga respondente ang mga paghihirap na dinanas ng mga bayaning

Pilipino, makamit lamang ang pagkakilanlan ng mga lahing Pilipino. Taas noo din sila sa

kanilang pagiging Pilipino. Totoong naunawaan nila ang kahalagahan sa paggamit ng wikang

Filipino sa pakikipagtalastasan.

Sa kabuuan, napakataas ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa paggamit

ng wikang Filipino

B. Epekto ng Modernisasyon sa Wikang Filipino

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa PHINMA-University of Pangasinan, Arellano Street,

Dagupan City, Pangasinan na may kabuoang bilang na 391 respondente ng Departamento ng Senior

High School. Descriptive-Analytic Method ang pamamaraan na ginamit sa pananaliksik na ito. Ang

ginamit na talatanungan sa pananaliksik na ito ay sumasagot lamang ng oo at hindi. Ang

pananaliksik na ito ay patungkol sa Epekto Ng Modernisasyon Ng Wikang Filipino Sa Pag-Aaral Ng

Mga Senior High School Sa Unibersidad Ng Pangasinan.. At ang resulta ay ang mga sumusunod:

1. Malaki ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at maipalaganap

ang wikang Filipino.

2. Nakakatulong ang mga iba’t ibang social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, at

Instagram sa pagyabong ng wikang Filipino.


3. Bagamat ang ilang mga bunga ng modernisasyon din tulad ng social networking sites, text

messaging, blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto ng pagkabaon sa limot ng

mga kinagisnang salita.

4. Ang bandwagon effect na dulot ng mga banyagang salita at kultura ay napag-alaman na

nakakaimpluwensya rin sa pag-unlad at pag-babago ng wikang Filipino.

5. Marami ang nagsabi at naniniwalang mas mainam gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng

kanilang opinion sa social networking sites upang mapaigting ang kanilang punto.

6. Ngunit bilang isang kabataan madalas parin nilang ginagamit ang wikang Filipino sa

pagpapahayag ng saloobin sa social media.

7. Ayon sa datos na nakalap, mas marami ang hindi gumagamit ng istilong jejemon sa

pagpapahayag ng kanilang mensahe.

8. Marami ang naniniwalang hindi nagkakaunawaan ang dalawang tao sa tuwing sila’y

gumagamit ng pormat na jejemon sa paglalahad ng kanilang mensahe.

9. Hindi rin nakakatulong ang pagiging conyo o paghahalo ng wikang Ingles at Filipino upang

maging sosyal kung pakikinggan, sap ag-unald ng wikang Filipino.

10. Malaking bahagdan din ng mga respondente na bilang isang Senior High School ay

responsible at maayos nilang ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha, at

paglalabas ng saloobin o opinion sa social media at maging sa realidad.

C. Ang Wikang Filipino sa Makabagong Panahon

Isinagawa ang pag-aaral sa St. Louise de Marillac College of Bogo sa seksyon ng Blessed

Giuseppina Nicoli na isang pribadong paaralan sa lungsod ng Bogo. Ang mga kalahok sa pag-aaral

ay apatnapu’t-anim (46) na mag-aaral na may edad 14-17 sa ikawalong baitang (Grade 8) at tatlo (3)

mula sa ikasampung baiting (Grade 10). Ito ay binubuo ng dalawampu’t-apat (24) na lalaki at
dalawampu’t-limang (25) babae. Random sampling ang nangyaring pamamaraan ng pagpili ng mga

kalahok sapagkat ninais ng mga mananaliksik na makakuha ng datos ukol sa persepsyon ng mga

kabataan patungkol sa nasabing paksa at gumamit ang mga mananaliksik ng isang set

talatanungan/questionnaire para sa mga kalahok sa pag-aaral. At ang resulta ay ang mga

sumusunod:

1. Batay sa naging resulta ng pag-aaral ,ang wikang Filipino ay umuunlad at nagbabago sa

paglipas ng panahon.

2. Ang teknolohiya ay isa sa mga salik kung bakit nagbago at nakaligtaan ng karamihan sa

kabataan ang Wikang Filipino sa kasalukuyan.

3. Nakakaimpluwensiya ang kultura ng mga ibang bansa sa pag-unlad/pagbago ng ating wika.

Kongklusyon

Mula sa mga resultang napatunayan, nabuo ang sumusunod na kongklusyon:

1.Natuklasan na mas marami ang respondenteng babae kumpara sa lalaki. Mas marami rin ang mga

respondenteng nagmula sa dalawang malalaking kolehiyo ng unibersidad, ang Kolehiyo ng

Pamamahala at Negosyo (CBA) at ang Kolehiyo ng Edukasyon (CE).Ang nangungunang paboritong

asaignatura ng mga respondente ay Ingles at pumapangalawa ang Filipino. Iilan lamang ang

nagkagusto sa Kasaysayan (History). “Filipino Pocketbooks”ang pangunahing paboritong babasahin

ng mga respondente at iilan lamang sa kanila ang nagbabasa ng diyaryong Ingles.

2. Natuklasan na napakataas ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang

Filipino

3. Natuklasan na mababa lamang ang kaugnayan ng kanilang lawak ng pagpapahalaga sa

sumusunod: kasarian, paboritong asignatura, at paboritong uri ng mga babasahin. Sa kabuuan, may
katamtamang kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa

asignaturang Filipino at ang kanilang akademik performans.

4. Masasabing hindi lingid sa kaalaman ng mga kabataan ang imporatansya at kahalagahan ng

Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na meron sila ay dapat pang lingangin upang

mas maunawaan pa nila at mahalin ang Wikang Filipino.

5. Ang teknolohiya ay isa sa mga salik kung bakit nagbago at nakaligtaan ng karamihan sa kabataan

ang Wikang Filipino sa kasalukuyan.

6. Lumabas sa pag-aaral na ang wika ay nagbabago sa paglipas ng panahon at ang mga kabataan

ay tila nalilimutan na ang ibang mga salitang wikang Filipino at nahahaluan na ito ng kultura ng ibang

bansa dahil sa modernisasyon.

Rekomendasyon

Mula sa mga napatunayan sa pag-aaral na ito, malugod na iminungkahi ng mananaliksik ang

mga sumusunod:

1.Nararapat na magkarooon ng mabisang pagsasanay ang mga guro sa paggamit ng mga

makabagong teknolohiya nang sa gayon magagamit nila ito sa kanilang epektibong pagtuturo.

2. Nararapat na panatilihin ng mga guro ang pagkakaroon nang maayos na katauhan sa loob ng

klase dahil nakatutulong ito sa lawak ng kawilihan at pagpapahalaga ng mga estudyante sa

asignatura.

3.Mainam din na bihasa ang mga guro sa paggamit ng iba‟t ibang estratehiya sa pagtuturo upang

mas kawili-wili ang mga talakayan.


4. Mainam na mas gamitin ng mga guro ang mga ibat-ibang social networking sites sa pagtuturo lalo

na sa wikang Filipino gayong malaking bahagdan ng oras ng mga kabataan ay nakababad sa mga

social networking sites na ito.

5. Patuloy pang paunlarin ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy na pagbahagi ng

importansya at kahalagahan ng ating wika lalo na sa mga kaabataan sa kasalukuyan.

6. Magkaroon ng mga programa o mga aktibidad na maghihikayat sa mga kabataan na pag-aralan

ang wikang Filipino at asignaturang Filipino.

Sanggunian

https://www.academia.edu/33470031/

Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa_pag_aaral_ng_mga_Senior_High_School_

sa_Unibersidad_Ng_Pangasinan

https://www.academia.edu/32106593/WIKANG_FILIPINO_SA_MAKABAGONG_PANAHON

https://www.studocu.com/ph/document/central-luzon-state-university/elementary-eduction/

thesis-sharing-is-caring/25341531

https://www.academia.edu/36247768/Kahalagahan_ng_Wikang_Filipino_sa_Edukasyon

https://angelicasambuena.wordpress.com/

https://www.academia.edu/37861386/NWU_WIKANG_FILIPINO_PANANALIKSI

https://www.google.com.ph/books/edition/

Sining_Ng_Pagsasaling_wika_Sa_Filipino_M/UI3vGukQsUEC?

hl=en&gbpv=1&dq=kalagayan+ng+Wikang+Filipino+at+Asignaturang+Filipino+sa+kasal

ukuyang+panahon.&pg=PA94&printsec=frontcover

You might also like