You are on page 1of 42

HALINA'T PAG USAPAN ANG

KURIKULUM
INIHANDA NINA: AIRA M. CABRERA
AT DYNABE V. CERVANTES
ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA,
PAGBASA, AT PANITIKAN SA BATAYANG EDUKASYON
MGA BALANGKAS NG PAKSA

1. Ang Pagbasa ng Panitikan: Kasanayang Metakognitiv


2. Ang Pagtuturo ng Panitikan sa Batayang Edukasyon
3. Kooperativ-Kolaborativ Pagtuturo ng Filipino na
4. Ang Interaktiv na Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino
5. Ang mga Estratehiya sa Kolaborativ na Pagtuturo ng
Wika at Panitikan
INTRODUKSYON
Ang talakayang ito ay naglalaman ng
iba’t ibang pamamaraan at estratehiya sa
pagtuturo, at pagbasa ng panitikan.
Layunin nitong gawing maging madali
para sa guro ang pagtuturo, at gawing
mas makahulugan naman para sa mga
mag-aaral ang bawat leksyon.
LAYUNIN SA PAGKATUTO
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Mailahad ang kahalagahan ng estratehiya
sa pagkatuto.
2. Mapalawak ang kaalaman at kasanayan
tungkol sa mga estratehiya sa pagtuturo ng
wika, pagbasa, at panitikan.
3. Magamit ang mga estratehiya sa pagtataya
ng pagkatuto
ANG PAGBASA NG PANITIKAN:
KASANAYANG METAKOGNITIV
METAKOGNITIV

Ayon kay Ciardello 1998, pinatnubayang


pamamaraan ng pagkatuto para maisaloob
ang bagong impormasyon at magampanan
ang pamamahala sa pinakamataas na antas
ng kaisipian.
ANG PAGBASA NG PANITIKAN:
KASANAYANG METAKOGNITIV
JACOBS AT PARIS
Mayroong dalawang (2) kategorya ang
(1987) metakognisyon:
1. Sariling pagtataya
2. Sariling pamamahala
SARILING PAGTATAYA
Kaalaman sa pamamaraan, at kung
paano ginagawa ang bagay
Kailan mahalaga ang partikular na
estratehiya
ANG PAGBASA NG PANITIKAN:
KASANAYANG METAKOGNITIV
SARILING PAMAMAHALA Ito ay tumutukoy sa pagpapaplano,
pagtatasa, at pag-aayos ng estratehiya

METAKOGNITIV NA ESTRATEHIYA

Kung habang nagbabasa ang isang bata ay


natanto niya na kailangan niyang matandaan
ang kaniyang binabasa, ipinamamalas niya
ang kaniyang kakayahang metakognitiv.
ANG PAGBASA NG PANITIKAN:
KASANAYANG METAKOGNITIV
BATAYAN SA METAKOGNITIV NA
ESTRATEHIYA

1. Pag-uugnay ng bagong impormasyon


sa dating kaalaman
2. Sadyang pagpili ng estratehiyang
pangkaisipan
3. Pagpaplano, pagmomonitor, at
pagtataya sa prosesong kaisipan
KAHALAGAHAN NG KASANAYANG METAKOGNITIB SA
PAGBASA NG PANITIKAN
1. Pag-unawa sa mga Akda - nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na
maunawaan ang mga konsepto at tema na ipinapakita ng mga akda.
Ito ay nagpapahintulot sa kanila na mag-analisa ng mga karakter,
plot, at mensahe ng mga akda.
2. Pagpapahalaga sa Panitikan - nagpapalawak sa pagpapahalaga ng
mga mag-aaral sa panitikan. Sa pamamagitan ng pag-iisip nang
malalim tungkol sa mga akda, natutuklasan nila ang kahalagahan ng
panitikan sa lipunan at kultura.
3. Pagpapaunlad ng Kritisismo - nagpapalawak sa kakayahan ng mga
mag-aaral na magbigay ng kritisismo sa mga akda. Ito ay
nagbibigay-daan sa kanila na suriin ang pagkakasulat, estilo, at
mensahe ng mga manunulat.
ANG PAGTUTURO NG PANITIKAN SA BATAYANG
EDUKASYON
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA
A. DESKRIPSYON
1. Mga lawak o kasanayan luminang sa kasanayang:
Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat, at Pag-iisip
2. Saklaw sa mga lawak o kasanayan: (a) ang mga tiyak na
kasanayan ay nalinang sa pamamagitan ng mga
sitwasyong ng iba’t ibang kagamitan sa lubusang
pagkatuto. (b) Sibika at Kultura – una hanggang ikatlong
baiting: (1) Maaaring gamitin ng Filipino ang nilalaman
ng SK/HKS. (2) Ang batayang kasanayan sa pagbasa ay
matutunan nang lubusan sa tatlong baitang.
B. PAGBABAGO SA KASANAYAN O KOMPETENSIA SA
PAGKATUTO
1. Pagsasaayos, pagbabawas, at pagpapapangkat sa
kasanayang magkakatulad
2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan
3. Pagbibigay diin sa pagbasa at pakikipagtalastasan
para sa pag-uunawa sa mga batayang kaisipan o
konsepto sa matematika at agham
C. MGA INAASAHANG BUNGA/MITHIIN

1. Mabisang pakikipagalastasan (pasalita o pasulat) –


patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis
na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
D. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO

a. Pagbabago: Baitang NESC/RBEC Pagbabago 1-3 60-


80 dagdag na 20 minuto, 4-6 60-60 walang dagdag.
E. MGA DAPAT ISINASAALANG-ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1. Pamaraang pagsasanib (Integrative Method),


Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan lawak sa
Filipino (Skills Based Integration)
a. HULWARAN (1) – maaaring maituro o mapag-ugnayan
ang limang kasanayan sa isang aralin kung saan sama-
sama o sabayang nalinang ang limang kasanayan sa mga
mag-aaral.
E. MGA DAPAT ISINASAALANG-ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

2. Ang paglinang ng gawain ay pakikinig tungo


sa pagsulat sa paglinang ng mga kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita, pagsusulat, o pag-iisip.
Isaalang-alang sa paglinang ng mga kasanayan
ang antas ng masteri o lubusang pagkatuto.
b. BULWARAN (2) – sa pagsasanib ng mga
kasanayan o lawak, hindi dapat malinang lahat
ng lawak o kasanayan nang sabay-sabay.
E. MGA DAPAT ISINASAALANG-ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

3. Pagsasanib ng tiyak na kasanayan sa Filipino sa


nilalaman o konsepto ng ibang asignatura (content-
based Integration).
TANDAAN: (a) Sa baitang 1-3 Sibika at Kultura (SK)
ang nilalaman ng Filipino paglinang sa kasanayan sa
pakikipagtalastasan ang pokus.
(b) Teksto/Babasahin/Paksang-aralin ng SK at
pagpapahalaga/EKAWP ginagamit ng mga kagamitang
panliteratura. Ito’y nagiging lunsaran sa paglinang ng
mga kasanayan sa Filipino.
E. MGA DAPAT ISINASAALANG-ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

4. Ang paksa o nilalaman ng kwento ay nauukol


sa SK at EKAWP, sa ganitong sitwasyon
nalilinang hindi lamang ang kaalaman sa SK
ngunit lalo’t higit ang mga kasanayan sa Filipino.
(c) Bigyang-diin ang ganitong pagsasanib sa
oras ng talakayan sa nilalaman ng mga teksto o
kagamitang panliteratura na ginagamit na
lunsaran sa paglinang ng kasanayan.
E. MGA DAPAT ISINASAALANG-ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

5. Interaktibong Pagdulog (Interactive Approach) (a)


mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang
interaksyon (meaningful interaction)
(b) isang gawaing sama-sama (collaborative activity)
(c) pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
(1) pagpapahayag ng sariling ideya
(2) pag-unawa sa ideya ng iba
(3) nakikinig sa iba
(4) bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto
(shared content).
PAGTUTURO NG FILIPINO SA SEKONDARYA

A. PANGUNAHING MITHIIN NG FILPINO

1. Makadebelop ng isang gradweyt na mabisang


komyunkeytor sa Filipino. Kailangang taglay ang
kasanayang makro: Pagbasa, Pagsulat, Pagsasalita,
at Pakikinig.
2. Ang makadebelop ng isang sanay na komunikatibong
pakikipagtalastasan, nararapat na may kabatiran at
kasanayan siya sa apat na komponent ng
kasanayang komunikatibo tulad ng diskorsal,
gramatika, sosyo-linggwistik, at istratedyik.
B. SA UNANG DALAWANG TAON

Binigyang pokus ang masusing pag-aanalisa at


pag-aaral ng mga tiyak na istrakturang gramatika
ng Filipino bilang isang kasabay sa pagtatamo
ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa.
Upang matamo ito, pinagsanib ang mga tekstong
prosidyural, reperensiya, journalistic, leterasi, at
politico-ekonomiko, at pagkatuto ng iba’t ibang
istrakturang gramatikal.
C. HULING DALAWANG TAON

Ang pokus ay pagtatamo ng mapanuring pag-


iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbasa at
pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikang
nakasali sa Filipino.
Sa bawat taon ay binibigyan ng tiyak na
atensyon sa paglinang sa pasulat na
komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa
iba’t ibang uri ng komposisyon at malikhaing
pagsulat. Ito’y pinagtutuunan ng isang lingo ng
leksyon bawat markahan.
UNANG IKALAWANG IKATLONG IKAAPAT
TAON TAON TAON NA TAON

Ibong Florante Noli Me El


Adarna at Laura Tangere Filibusterismo
Ang binibigyang pansin sa apat na
taon ng pag-aaral sa Filipino ay
ang pagtatamo ng kasanayan sa
akademikong wika.
Hindi nagkakaroon ng radikal na
pagbabago sa kontent ng Filipino
bilang sabdyek sa lebel
sekondarya.
Binibigyan lamang ng pokus ang
maunawaang pagbabasa sa tulong ng
iba’t ibang uri ng text upang malinang
ang kasanayang linggwistika ng mga
mag-aaral.
Sa panitikan, tinitiyak lamang ang
batayan at sukatan ng pagkatuto tulad
ng mga tiyak sa tema, pamantayan, at
simulain.
Sa kabuuan, mahusay ang pagkakabuo
at pagkakabalangkas ng RBEC sa
asignaturang Filipino sapagkat hindi lang
ang kapakanan ng mga mag-aaral ang
isinasaalang-alang ditto kundi pati rin
ang kapakanan ng mga guro.
Maayos ang paglalahad ng bawat
gawain sa tulong ng banghay aralin.
Magaganda at napapanahon
ang mga teksto at naangkop
ang lebel ng pag-unawang mga
mag-aaral, lalong-lalo na sa
ikaapat na taon.
Magsisilbing hamon para
sakanila upang sila ay mag-isip.
May sapat na oras ang inilaan
sa bawat aralin upang
mabigyan ng pagkakataon ang
mga mag-aaral na makagawa
ng kanilang mga output.
Nabibigyang linaw din ng
ibang araling tinatalakay bago
SA BAHAGI NG GURO
Hindi na mauubos ang oras na guro sa
paghahanda ng banghay-aralin.
Maganda ang pagkakaroon ng cooperative
learning dahil sa less talk na ang guro sa
loob ng klase
Nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral
na magpahayag ng kanilang
saloobin/pananaw na may kaugnay sa aralin.
KOOPERATIV-KOLABORATIV NA
PAGTUTURO NG FILIPINO
Ang kooperatibong pagtuturo ay nagtitiyak na ang
bawat mag-aaral ay may papel na ginagampanan sa
proseso ng pagkatuto, habang ang kolaboratibong
pagtuturo ay hinihikayat ang mga mag-aaral na
magbigay ng kanilang mga ideya at magbahagi ng
kanilang mga karanasan upang makatulong sa pag-
unlad ng kanilang mga kakayahan sa wikang Filipino.
BAHAGI NG KOOPERATIBO AT
KOLABORATIBONG PAGTUTURO
1. Interaksyon - ang mga mag-aaral ay nagtatrabaho sa
parehas o iba't ibang mga gawain na nagreresulta sa
interaksyon at pagpapalitan ng mga ideya.
2. Pangkatang Gawa - ang mga mag-aaral ay binubuo ng
mga pangkat na may iba't ibang mga kakayahan at
karanasan. Ang bawat kasapi ng pangkat ay may
responsibilidad na panghawakan.
3. Pangkatang Pagtatasa – ang pagtatasa ay ginagawa sa
pamamagitan ng pangkat at hindi lamang ng guro.
HALIMBAWA NG PAGGAMIT

Isa sa mga halimbawa ng paggamit ng kooperatibo at


kolaboratibong pagtuturo sa Filipino ay ang
pagtatalakay ng isang teksto o kwento. Ang mga mag-
aaral ay hinahati sa mga pangkat at binibigyan ng
iba't ibang mga papel tulad ng tagapagsalaysay,
tagapag-analisa ng mga tauhan, at tagapag-interpreta
ng mga pangyayari. Ang bawat pangkat ay
nagtatrabaho upang maunawaan at maanalisa ang
teksto, at ibinabahagi ang kanilang mga natuklasan sa
klase.
KAHALAGAHAN
1. Aktibong Partisipasyon - ang mga mag-aaral ay nagiging
mas aktibo sa kanilang pagkatuto dahil sila ay hinihikayat
na makiisa at makipagtulungan sa kanilang mga
kasamahan.
2. Mas Mataas na Pagkaunawa - sa pamamagitan ng
pakikipag-usap at pakikipagtulungan sa iba, ang mga
mag-aaral ay nakakamit ng mas mataas na pagkaunawa
at kahusayan sa wikang Filipino.
3. Pagbuo ng mga Kaalaman - ang mga mag-aaral ay
natututunan kung paano buuin ang kanilang mga
saloobin at ideya.
ANG NTERAKTIV NA PAGDULOG SA
PAGTUTURO NG FILIPINO
Ang interaktibong pagdulog sa pagtuturo ng Filipino
ay tumutukoy sa isang pedagohikal na estratehiya na
nagpapayaman sa engagement at partisipasyon ng
mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Ito ay isang
pedagohikal na pamamaraan na nagtataguyod ng
mapanlikhang kaisipan, aktibong partisipasyon, at
mataas na antas ng motibasyon sa mga mag-aaral.
MGA KATANGIANG PANG-ARAL NG
INTERAKTIBONG PAGDULOG
1. Mga Gawain na pang mag-aaral - ang pagdulog na ito ay
naglalayong magbigay ng mga pagkakataon para sa mga mag-aaral
na magsagawa ng aktibong partisipasyon sa mga gawaing pangklase.
Halimbawa, ang mga diskusyon sa klase, paggawa ng mga proyekto,
at ang pagpapakita ng mga mga presentasyon.
2. Kolaborasyon - ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng
pagtatrabaho nang magkakasama at ang pagbabahagi ng mga ideya
at kaalaman. Ang mga mag-aaral ay hinahikayat na makiisa,
makipagtulungan, at makipag-ugnayan sa kanilang mga kaklase.
3. Pagbuod ng Ideya - mga mag-aaral ay hinahimok na magbahagi ng
kanilang kaisipan at mga ideya, at pumuna sa mga ideya ng iba.
MGA HALIMBAWA NG MGA GAWAIN SA
PAGTUTURO NG FILIPINO NANG MA-INTERAKTIBO
1. Role Playing - sa pagtuturo ng mga aralin sa Filipino, maaaring
magsagawa ng mga pagganap ng iba't ibang mga pangyayari o
kwento. Ito ang magbibigay sa mag-aaral ng oportunidad na mas
maunawaan ang mga tao, kaganapan, at mga kaisipan ng kwento.
2. Diskusyon sa Pangkat - maaaring i-divide ang klase sa maliit na
pangkat at magbigay ng mga paksa para sa diskusyon. Ang bawat
mag-aaral ay bibigyan ng oportunidad na maipahayag ang kanyang
punto ng pananaw.
3. Paggawa ng Proyekto - maaaring magbigay ng mga proyektong
pangkat na magbibigay ng oportunidad para sa mga mag-aaral na
matuto mula sa isa't isa.
KAHALAGAHAN NG INTERAKTIBONG PAGDULOG
1. Motibasyon - ang interaktibong pagdulog ay nagpapataas ng
motibasyon ng mga mag-aaral. Kapag aktibo silang nakikilahok sa
mga gawain, sila ay nagiging mas interesado at mas nae-engganyo
na matuto.
2. Kamalayan - ang interaktibong pagdulog ay nagbibigay ng mga
oportunidad para sa mga mag-aaral na mapalawak ang kanilang
kamalayan at pang-unawa sa mga paksang itinuturo.
3. Malalim na Pagkatuto - ang paraan ng interaktibong pagdulog ay
nagbibigay-daan para sa malalim na pagkatuto. Ang mag-aaral ay
hindi lamang nag-aaral ng mga datos at impormasyon, ngunit
natututunan din nila ang mga kasanayan at kakayahan na maaaring
magamit sa kanilang buhay.
KOLOBORATIV NA PAGTUTURO NG
WIKA AT PANITIKAN
MGA ESTRATEHIYA SA KOLABORATIBONG PAGTUTURO NG
WIKA AT PANITIKAN
1. Pangkatang Pagbasa - binibigyan ang mga mag-aaral ng isang
tekstong wika o panitikan upang basahin bilang isang pangkat.
Matapos ang pagbasa, nagkakaroon ng mga talakayan at talakayan
sa pangkat tungkol sa kahulugan, kahulugan, at mga pangunahing
kahalagahan ng teksto.
2. Paglikha ng Kuwento sa Pangkat - ang mga mag-aaral ay binubuo
ng mga pangkat at pinapayagan na maglikha ng mga kuwento gamit
ang kanilang kaalaman sa wika at panitikan. Ang bawat pangkat ay
maaaring magbahagi ng kanilang kuwento at magbigay ng
konstruktibong feedback sa ibang mga pangkat.
3. Pangkatang Pagsasalita - ito ay isang pagsasanay kung
saan ang mga mag-aaral ay hinati sa mga pangkat at
pinapayagan na magtalakayan tungkol sa mga isyu sa wika at
panitikan. Ang bawat pangkat ay nagbibigay ng argumento,
halimbawa, at ebidensiya upang suportahan ang kanilang
mga posisyon.
4. Pag-aaral sa mga Akda - sa pamamagitan ng pag-aaral sa
mga akda sa wika at panitikan, ang mga mag-aaral ay
nagkakaroon ng oportunidad na maunawaan at maapreciate
ang mga elemento ng panitikan. Nagkakaroon din sila ng
pagkakataon na maipahayag ang kanilang mga obserbasyon,
interpretasyon, at analysis sa pamamagitan ng talakayan sa
klase.
KAHALAGAHAN NG KOLABORATIBONG PAGTUTURO NG
WIKA AT PANITIKAN

Pag-unlad ng Katalinuhan - sa pamamagitan


ng kolaboratibong pagtuturo, ang mga mag-
aaral ay nahihikayat na mag-isip nang
malalim, mag-analisa, at magbahagi ng
kanilang mga ideya. Ang mga ito ay
nagbibigay-daan sa pag-unlad ng kanilang
katalinuhan sa wika at panitikan.
KAHALAGAHAN NG KOLABORATIBONG PAGTUTURO NG
WIKA AT PANITIKAN

Pagpapataas ng Motibasyon sa Pag-aaral - ang


pagkakaroon ng pakikisama at aktibong
paglahok ng mga mag-aaral sa klase ay
nagpapataas ng kanilang motibasyon sa pag-
aaral ng wika at panitikan. Ito ay nagdudulot ng
mas malalim at mas malawak na pag-unawa sa
mga konsepto at konteksto ng mga ito.
KAHALAGAHAN NG KOLABORATIBONG PAGTUTURO NG
WIKA AT PANITIKAN

Pagpapaunlad ng Social Skills - sa pamamagitan ng


kolaboratibong pagtuturo, ang mga mag-aaral ay
nakakatagpo ng iba't ibang tao at nagkakaroon ng
mga pagkakataon para sa pangangasiwa ng isang
pangkat. Ito ay nagbibigay sa kanila ng mga
kasanayan sa komunikasyon, pakikipagtulungan, at
pamamahala ng oras.
Batac, J. (2017). "Koopresibo na Pagtuturo at Pagkatuto: Isang
Panimulang Pag-aaral sa Filipino sa Tertiaryong Edukasyon."
UST Journal of Graduate Research, 17(1)
Corpuz, R.B. (2018). "Interaktibong Pagtuturo para sa
Pagbabago". Lahi: Journal of Culture and Arts, 15(1), 34-47.

MGA David, L. (2019). "Strategies for Collaborative Teaching of


Language and Literature." Journal of Language and Literature
SANGGUNIAN Teaching, 10(2), 45-58.
Dela Cruz, N.M. (2019). "Ang Interaktibong Pamamaraan sa
Pagtuturo ng Filipino". Studies in Learning and Teaching
Gonzales, R. (2018). "The Impact of Collaborative Teaching
Strategies on Students' Language and Literature Learning."
English Teaching and Learning, 42(3), 182-198.
Javier, E. (2017). "Interaktibong pagkatuto: isang epektibong
estratehiya sa pagtuturo ng Filipino". Journal of Innovative
Practices in Education, 7(1), 32-45.
Lopez, S. (2019). "Pagtuturo ng Filipino sa paaralan." Filipino
Educators Journal, 12(1)
Santillan, F. (2020). "Collaborative Learning sa Literatura."
Journal of Literature and Culture, 15(2)
https://www.slideshare.net/nerzbaldres/elemento-sa-pagbasa
https://www.slideshare.net/lazojovina/meta-28769756?
MGA fbclid=IwAR2hd1r1jAO0SVFf0ZuhBzBwXOol9oo765snBylKyIp
SiKEySWToMDKRm3Q
SANGGUNIAN https://www.academia.edu/28163363/LIT_10_PAGBASA_AT
_PAGTATAYA_SA_PANITIKAN_ANG_PAGBASA_NG_PANITIK
AN_KASANAYANG_METAKOGNITIB?
fbclid=IwAR3UATQ6sIi2ny7wBkHbuqhj82EeoygNw-
VbpUSezWy5iEyrZq2V51hG43g
https://www.scribd.com/document/324864438/Ang-
Pagtuturo-Ng-Filipino-Sa-Batayang-Edukasyon?
fbclid=IwAR0NAT3sblB1sy5n1_SSuqBKsOmmSBuZgXoZBzB6m
uHZDAavAmtXipX_DjE
Salamat sa
pakikinig!
"Ang edukasyon ang pinakamainam na
puhunan upang masiguradong may
patutunguhan "
♥️
- Aira and Dyna

You might also like