You are on page 1of 13

ARALIN 16:

PAGSULAT NG
PANANALIKSIK
PANANALIKSIK
- ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

- ang pag-alam o pagtuklas at pagsubok sa isang teorya.


Ginagawa ito upang malutas ang mga problema at
suliranin na kailangan gawan ng solusyon.

Halimbawa: Pagtuklas ng gamot para sa COVID-19. Ayon sa ilang


mga experto, maaring 18 months hanggang 2 taon pa
bago maka hanap ng gamot para dito.
Kahulugan ng pananaliksik ayon sa iba’t ibang manunulat:
•Kerlinger, 1973
• ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa
obserbasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol
sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

•Manuel at Medel, 1976


•  Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o
datos para masolusyonan ang isang karaniwang
problema sa paraang siyentipiko

•Aquina, 1974
• Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong
paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng
impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Mga Katangian ng mabuting Pananaliksik
Ang isang mabuting pananaliksik ay nararapat magtaglay ng mga sumusunod:

1. Ang katangian ay sistematik.


2. Ang pananaliksik ay kontrolado.
3. Ang pananaliksik ay empirikal.
4. Ang pananaliksik ay mapanuri.
5. Ang pananaliksik ay obhetibo,lohikal, at walang pagkiling.
6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib
o istatistikal na metod.
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.
Mga Hakbang At Kasanayan sa Pagsulat ng
Pananaliksik
• PAGPILI NG PAKSA
-Kailangang interesado ang manunulat.
-Tiyaking limitado ang paksa.
-Siguraduhing ito'y mapaninindigan.
-Pumili ng paksang kinagigiliwan at kung maaari ay napapanahon.
-Iwasang pumili ng teknikal na paksa na nangangailangan ng
mahabang panahon.
-Iwasang pumili ng sensitibong mga paksa.
-Tiyaking makapagbibigay ito ng aral. -
Mga Hakbang At Kasanayan sa Pagsulat ng
Pananaliksik
• KUMALAP NA IMPORMASYON
-Maaaring mangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
"internet". Bumisita sa iba't ibang search engines katulad ng google,
siguruduhin lamang na ang "website" na iyong pagkukuhanan ay
mapagkakatiwalaan.

-Tiyaking maisulat ang mga mahahalagang impormasyon ng


"website" o "libro" na iyong kinuhanan at banggitin ito sa iyong akda,
tanda na rin ng pagkilala at pasasalamat.
Mga Hakbang At Kasanayan sa Pagsulat ng
Pananaliksik
• BUMUO NG TESIS NA PAHAYAG
Ang pinakabuod ng pananaliksik sapagkat dito inilalahad ang
pangunahing idea ng paksa. Ito ay kadalasang isang pangungusap,
nagsisilbi rin itong gabay sa mga mambabasa.

-PANGKALAHATANG PAKSA
-ESPISIPIKONG PAKSA
-TESIS NA PAHAYAG
Mga Hakbang At Kasanayan sa Pagsulat ng
Pananaliksik
• GUMAWA NG ISANG TENTATIBONG BALANGKAS
-Mahalagang gumawa ng maayos, lohikal, at kongkretong
pagkakasunod-sunod ng mga ideyang kailangang isali sa bubuuing
sulatin.
-Tiyaking maisasama ang mga kailangang datos na makatutulong sa
pagpapatibay ng tesis.
Mga Hakbang At Kasanayan sa Pagsulat ng
Pananaliksik
• PAGSASAAYOS NG MGA TALA
-Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pagsusulat ng pananaliksik
sapagkat dito sinusuri, binubuo, inaayos, at pinagsasama-sama ang
lahat ng mahahalagang impormasyon.

-Organisahin ang lahat ng mga tala at impormasyong nakalap sa


pagkakasunod-sunod ng inihandang balangkas.
Mga Hakbang At Kasanayan sa Pagsulat ng
Pananaliksik
• ISULAT ANG UNANG BURADOR
-Matapos ayusin ang mga tala batay sa ginawang tentatibong
balangkas, magiging madali na ang daloy ng unang burador.
-Gumamit ng buod, paghahawig, o sipi sa pagsulat ng bawat ideya at
impormasyong gagamitin mula sa mga tala.
Mga Hakbang At Kasanayan sa Pagsulat ng
Pananaliksik
• PAGREREBISA NG BALANGKAS AT ANG BURADOR
-Kung minsan ay napakalaking pagbabago ang dapat gawin na
kailangang baguhin pati ang unang bahagi ng pananaliksik tulad ng
muling pagsasaayos ng balangkas o pagbabago ng paraang gagamitin sa
pananaliksik.
-Mahalaga ang hakbang na ito upang mas mag maayos at pulido ang
sulatin.
Mga Hakbang At Kasanayan sa Pagsulat ng
Pananaliksik
• PAGSULAT NG PINAL NA PAPEL
-Dito inaayos ang porma ng saliksik. Isinasaalang-alang dito ang
paglalagay ng pahina, pamagat, mga espasyo, at pagitan ng mga linya;
pagwawasto ng mga ginamit na sanggunian at pagtingin kung kumpleto
ang bibliograpiya.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang layunin pananaliksik ay siyang pangunahing gamit upang


malaman natin ang mga suliranin sa ating lipunan at bigyan ito
ng solusyon o rekomendasyon. Sa pamamagitan ng pananaliksik,
nalalaman natin ang pinaka epektibong hakbang sa mga bagay
na ginagawa sa ating bansa.

You might also like