You are on page 1of 12

SISTEMATIKONG

PANANALIKSIK

TEACHER: RIZZA
• Ang pananaliksik ay isang
mapanuri at makaagham na
imbestigasyon o pagsisiyasat ng
isang bagay, paksa, o kaalaman
sa pamamagitan ng
pangangalap,
pagpapakahulugan, pagbubuo,
at pag-uulat ng mga ideya ng
matapat, at may kalinawan.
• Narito ang hakbang sa paggawa ng
isang sitematikong pananaliksik.
1. PAGPILI NG PAKSA
- Sa pagpili ng paksang
isusulat, unang bagay na dapat
mong isaalang-alang ay kung ito ba
ay kawili-wili o naayon sa iyong
interes. Ikalawa, kailangang
masiguro kung kakayanin mong
gawin ang pananaliksik, at huli ay
ang pagpili sa paksang may sapat
na malilikom na datos
2.PAGLILIMITA NG PAKSA
-Mahalagang bigyang
limitasyon ang paksang pipiliin
upang hindi ito masyadong maging
masaklaw at matapos sa tamang
panahon. Sa paglilimita ng paksa
gawing batayan ang sakop ng
panahon,edad, kasarian, grupong
kinabibilangan, anyo o uri, at sakop
ng perspektiba.
3. PAGHAHANDA NG
PANSAMANTALANG
BIBLIYOGRAPIYA:
-Ang bibliyograpiya ay talaan
ng iba't ibang sanggunian katulad
ng mga aklat, artikulo,report,
peryodiko, magasin, at iba pang
nalathalang materyal maging sa
internet.
• Pangalan ng awtor.
• pamagat ng kanyang isinulat.
• Impormasyon ukol sa
pagkakalathala.
• Mga naglimbag
• Lugar at taon ng pagkalimbag.
• Pamagat ng aklat
• Ilang mahahalagang tala ukol sa
nilalaman.
4. ANG PAGBUO NG PANSAMANTALANG
BALANGKAS:

-isinasagawa upang maisaayos ang mga


ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap
ng datos.
-Gabay at direksyon ng pananaliksik.
-Sa pagbuo ng balangkas , kailangang
isulat ang pangunahing ideya ng pananaliksik at
isunod ang pantulong na ideya.
-Tiyakin kung paano ilalahad nang maayos
ang mga ideya, kung ito ba ay kronolohikal at
isaayos ang pormat.
• 5.PAGHAHANDA NG INIWASTONG
BALANKAS O FINAL OUTLINE:

- Dito na susuriing mabuti ang


inihandang tentatibong balangkas
upang matiyak kung may mga bagay
pang kailangang baguhin o ayusin.
6. PAGSULATA NG BORADOR O
ROUGH DRAFT:
- Ang sulating pananaliksik ay
dapat magkaroon ng panimula ng
kababasahan ng mga ideyang
matatagpuan sa kabuoan ng
sulatin,ang katawan ng kababasahan
ng pinaliwanag na balangkas, at ang
iyong kongklusyon na nagsasaad ng
buod ng mga natuklasan sa iyong
pananaliksik.
7. PAGREREBISA
- Dito pag-ukulan ng pansin ang
pagbabaybay, kaangkupan ng
pagkakagamit ng salita , ang gamit ng
mga bantas, at ang estruktura ng mga
pangungusap.
- Huwag madaliin ang pagrerebisa
upang maingat na maiwasto ang
bawat pangungusap at walang
makalampas na mali.
8. PAGSULAT NG PINAL NA
MANUSKRITO:
- ito ang pinal na sipi ng sistematikong
pananaliksik.
-dapat na nakaayon sa pamantayan na
ibinigay ng guro.
- Ang ilan sa mga panandaang
magagamit sa pag-aayos ng mga datos ay
ang una,sunod/ sumunod,saka, bilang
pagtatapos, wakas,o sa dakong huli.
THANK YOU

You might also like