You are on page 1of 15

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino


Ikalawang Markahan –
Modyul 7: Introduksyon sa
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
★ Nasusuri ang ilang pananaliksik na
pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino
(F11PB – IIg – 97)
★ Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo
ng isang makabuluhang pananaliksik
(F11PU – IIg – 88)
★ Nakapagsisimula ng isang pananaliksik
hinggil sa wika at kulturang Pilipino
1. Ito ay proseso ng pangangalap
ng mga impormasyon na
humahantong sa kaalaman sa
paraang obhetibo, sistematiko, at
organisado.
A. Pagsulat
B. Pagbasa
C. Pananaliksik
D. Pagsasalita
2. Inilalagay dito ang
intensyon ng mananaliksik sa
kaniyang pagsulat.
A. Layunin
B. Pagtalakay
C. Buod
D. Rekomendasyon
3. Inilalahad dito ang mga
instrumentong ginamit sa
pananaliksik.
A. Pamamaraan
B. Pagtalakay
C. Resulta
D. Pamagat
4. Tinatalakay rito ang buod
ng mga impormasyong
nakalap sa pananaliksik.
A. Lagom
C. Rekomendasyon
B. Kongklusyon
D. Sanggunian
5. Naglalaman ito ng iba’t
ibang mga dokumento na
ginamit sa pananaliksik.
A. Pahinang Pamagat
B. Diskusyon
C. Apendiks
D. Lagom
5. Naglalaman ito ng iba’t
ibang mga dokumento na
ginamit sa pananaliksik.
A. Pahinang Pamagat
B. Diskusyon
C. Apendiks
D. Lagom
Modyul 7:
Introduksyon sa
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino
Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay
sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na
pagsisiyasat ng isang haypotetikal na proposisyon
hinggil sa isang ipinalalagay na ugnayan sa isang
natural na penomena. Si Kothari (2006) ay
nagpahayag na ang pananaliksik ay paghahanap ng
katotohanan sa tulong ng isang pag-aaral,
pagmamasid, paghahambing, at pag-eeksperimento;
paggalugad ng kaalaman sa pamamagitan ng
obhetibo at sistematikong pamamaraan ng
paghahanap ng solusyon sa isang suliranin.
TALAKAYA
N!
Mga Hakbang sa Pagbuo ng isang Makabuluhang Pananaliksik
1. Pagpili ng paksa- Ito ay tumutukoy sa paksang nais mong sulatin.
Ilan lamang sa dapat isaalang-alang ay ang sumusunod:
a. Ito ba ay iyong interes?
b. Ito ba ay angkop, makabuluhan, at napapanahon?
c. Ito ba ay kaya mong tapusin sa takdang panahon?
d. Mayroon ba itong mapagkukuhaang mga sanggunian?
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
Ito ang mga pahayag ng mga posisyong nais mong
sagutin sa iyong pag-aaral.
3. Paghahanda ng Bibliograpiya-
Ang bibliograpiya ay kalipunan ng mga sanggunian
tulad ng aklat, dyornal, magazin, diyaryo,
ensayklopedya, tesis, disertasyon, mga tala sa
internet, at iba pang maaari mong gamitin sa iyong
pananaliksik
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas-
Ito ay magbibigay sa iyo ng direksyon tungo
sa iyong maunlad na pananaliksik.
5. Pangangalap ng Datos-
Tumutukoy ito sa mga tala na iyong
kailangan para sa iyong pag-aaral. Ito ay
maaaring tuwirang sinipi, binuod o sariling salin
ng mga konseptong iyong nabasa.
6. Paghahanda ng Pinal na Balangkas-
Ito ay ang pagrebisa ng tentatibong
balangkas batay sa masusi at masinop na pag-
aayos na gagamitin mong gabay sa pagsulat ng
burador.
7. Pagsulat ng Burador-
Mula sa iyong balangkas ay maaari mo nang
simulan ang pagsulat ng iyong pananaliksik.
8. Pagwawasto ng Burador-
Dito ay nirerebisa at iwinawasto ang
gramatika at diskurso.
9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik-
Mula sa iyong burador o outline, dito ay
maaari mo nang itayp ang iyong pananaliksik
gamit ang format na ibinigay ng iyong guro.

You might also like