You are on page 1of 20

MGA KAILANGANG ISA-ALANG ALANG SA PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK

MGA TAGAPAG-ULAT

VERONICA PAZ
JANARIE A. PARAFINA
Mga Layunin ng Pananaliksik

1. Upang makadiskubre ng bagong kaalaman hinggil sa mga batid


nang phenomena.

2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap


na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.

3. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan,


industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.

4. Upang ma-satisfy ang kuryusidad ng mananaliksik.

5. Magpalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.


Pananaliksik

-Ang pananaliksik ay isang mapanuri


at makaagham, na imbestigasyon o
pagsisiyasat ng isang bagay, paksa, o
kaalaman sa pamamagitan ng
pangangalap, pagpapakahulugan, o
pagbubuo, at pag-uulat ng mga ideya nang
obhektibo, matapat, at may kalinawan.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng
Sistematikong Pananaliksik

1. Pagpili ng Paksa
a) Sa pagpili ng paksang isusulat, ang bagay na
dapat mong isaalang-alang ay kung ito ba ay
kawili-wili o naaayon sa iyong interes.
b) Ikalawa, kailangang masiguro kung kakayanin
mong gawin ang pananaliksik.
c) Panghuli, ay ang pagpili ng paksang may sapat na
malilikom na datos.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng
Sistematikong Pananaliksik

2. Paglilimita sa Paksa

Mahalagang bigyan ng limitasyon ang paksang


pipiliin upang hindi ito masyadong maging
masaklaw at matapos sa tamang panahon.
Sa paglilimita ng paksa, gawing batayan ang
sakop ng panahon, sakop ng edad, sakop ng
kasarian, sakop ng grupong kinabibilangan ,
sakop ng anyo o uri, at sakop ng prespektiba.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng
Sistematikong Pananaliksik

3.. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpiya

Ang bibliograpiya ay ang talaan ng iba’t ibang sangunian katulad


ng mga aklat, artikulo, peryodiko, magasin at iba pang
nalathalang material maging ito man ay internet.
Siguraduhing ang mga aklat o impormasyong kasama sa talaan
ay may kaugynayan sa paksang tinatalakay.
Hindi kailangang basahin nang masinsinan ang mga aklat o
artikulong nasa talaan. Subalit, mahalagang basahin ito ng
pahapyaw upang matiyak ang kaugnayan nito sa paksa
Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng
pansamantalang bibliograpiya.

Pangalan ng Awtor
Pamagat ng kanyang isinulat
Impormasyon ukol sa pagkakalathala
Mga naglimbag
Lugar at taon ng pagkakalimbag
Pamagat ng aklat
Ilang mahahalagang tala ukol sa
nilalaman
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng
Sistematikong Pananaliksik

4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas


 Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang maisaayos ang mga
ideyang nakalap mula sa inisyal na pagahanap ng mga datos.
Makakatulong ito upang mabigyan gabay at direksyon ang
pananaliksik sa simula pa lamang.
 Sa pagbuo ng balangkas, kailangangg isulat ang pangunahing ideya
o pinaka buod ng pananaliksik na isinasagawa.
 Isunod na ilista o itala ang mga pantulong na ideya.
 Sumunod na tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang mga
ideya kung ito ba ay kronolohikal o ayon sa lugar at saka saayos
ang pormat.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Sistematikong
Pananaliksik
5. Pagahahanda ng Iwinastong Balangkas o Final
Outline.

Dito na susuriing Mabuti ang inihandang


pansamantalang balangkas upang matiyak kung
may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.
Balansehing Mabuti ang bawat bahagi kung
nasosobrahan o nakukulangan ng detalye.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Sistematikong
Pananaliksik
6. Pagsulat ng Burador o Rough Draft.

Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga kard ng tala ay


maari ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador.

Ang salitang pananaliksik ay dapat na magkaroon ng


panimula na kababasahan ng mga ideyang matatgpuan sa
kabuuan ng sulatin, ang katawan na kababasahan nang
pinalawig na balangkas, at ang konklusyon na nagsasaad ng
buod ng mga natuklasan sa iyong pananaliksik.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng
Sistematikong Pananaliksik
7. Pagrerebisa.

Makatutulong ang muling pagbasa sa isinulat upang Makita o


malaman ang mga kamaliang nagawa na kailangang iwasto.
Huwag madiliin ang pagrerebisa upang magingat na iwasto
ang bawat pangungusap at walang makalampas na mali.
Dito pag-ukulan ng pansin ang pagbabaybay, kaangkupan ng
pagkakagamit ng salita, ang paggamit ng mga bantas at ang
estruktura ng mga pangungusap.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Sistematikong
Pananaliksik
8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito

Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng sistematikong


pananaliksik
Ito ay dapat nakaayon sa pamantayan o istandard na ibinigay ng
guro.
Bago ipasa ang pinal na gawa, tandaan na repleksyon ng sarili ang
anumang ginagawa kaya’t kailangang pagbutihin ang pagsulat
bilang pagpapabuti rin sa sarili.
Mga Dapat Tandaan at Isaalang alang sa Pagsulat ng
Pananaliksik
Sa pagsulat, dapat ding tandaan at isaalang-alang ang
paggamit ng pahayag sa pag-aayos ng datos.
May mga panandang naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t
ibang bahagi ng pagpapahayag.
Ang ilan sa mga panandang magagamit sa pagsasa-aayos ng
mga datos ay ang sunod/sumunod, saka, bilang pagtatapos,
wakas, o sadakong huli.
Mga Layunin ng Pananaliksik

1. Upang makadiskubre ng bagong kaalaman hinggil sa mga batid


nang phenomena.

2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na


nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.

3. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya,


edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.

4. Upang ma-satisfy ang kuryusidad ng mananaliksik.

5. Magpalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.


Katangian ng Mabuting Pananaliksik

1. Ang pananaliksik ay sistematiko.


• May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga
hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng
suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

2. Ang pananaliksik ay kontrolado.


• Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling
constant.
• Kailangan sa eksperimental na pananaliksik.
• Hindi dapat ito baguhin upang kahit ano mang pagbabagong
maganap ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol.
Katangian ng Mabuting Pananaliksik
3. Ang pananaliksik ay empirical.
• Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang
ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
4. Ang pananaliksik ay mapanuri.
• Gumagamit ang mananaliksik ng mga nabalideyt nang
pamamaraang pang-estadistika upang masabing analitikal ang
pananaliksik.
5. Ang pananaliksik ay obhektibo, lohikal, at walang pagkiling.
• Kailangang lihikal na nakabatay sa empirical na datos at
walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng
pananaliksik.
Katangian ng Mabuting Pananaliksi k
6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteyb o istadistikal
na metodo.
• Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical
at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment.
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.
• Ang mga datos na nakalap ay sarili niyang tuklas at hindi mula
sa panulat, tuklas, o lathala ng ibang mananaliksik.
8. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon,
obserbasyon, at deskripsyon.
• Lahat ng konklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktuwal
na ebidensya.
Katangian ng Mabuting Pananaliksik

9. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali.


• Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang.
• Pag ito’y minamadali ay hindi matibay ang konklusyon at
paglalahat.

10. Ang pananaliksik ay pinasisikapan.


• Walang pananaliksik na isinasagawa nang walang pagsisikap.
• kailangan ng panahon, talino., at sipag.
Katangian ng Mabuting Pananaliksik

11. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang.

• Kailangan ang tapang sapagkat maaring makaranas ng


hazards at discomforts sa pananaliksik.

• May mga pagkakataon ding maaring dumanas ng di-


pagsangayon ng publiko at lipunan.

• Maaring magkaroon ng di-pagkakaunawaan.


Katangian ng Mabuting Pananaliksik
12. Ang pananaliksik ay may maingat na pagtala at paguulat.

• Lahat ng datos ay kailangang maingat na mailathala.


• Maliit na pagkakamal ay maaaring makaapekto sa mga
tuklas ng pananaliksik.
• Kailangang maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang
papel pampananaliksik at kadalasan sa pasalitang paraan o
ang oral defense o presentasyon.

You might also like