You are on page 1of 2

PANANALIKSIK

- Proseso ng pangangalap ng datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa
isang siyentipikong pamamaraan. Ito ay gawaing nagpapakita ng orihinalidad.

KATANGIAN NG PANANALIKSIK
1. SISTEMATIK - may sinusunod na proseso
2. KONTROLADO - lahat ng varyabol na sinusuri ay kailangan mapanatiling konstant
3. EMPIRICAL - kailangang maging katanggap tanggap ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik
4. MAPANURI - ang mga datos na nakalap ay kailangan suriin ng kritikal upang hindi magkamali
5. OBHETIBO - lohikal at walang pagkiling lahat ng tuklas at mga konklusyon ay kailangang lohikal
6. ORIHINAL - ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas
7. PINAGSISIKAPAN - kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag
8. MAINGAT NA PAGTATALA AT PAG UULAT - lahat ng datos na nakalap ay maingat na maitala

PAKSA
- Isa sa mga mahahalagang dapat isaalang - alang sa paggawa ng pananaliksik
mga alituntunin na dapat tandaan:
1. Kaalaman ng mananaliksik sa paksa
2. Interes
3. Kakayahang pinansyal
4. Panahong gugugulin
5. Napapanahong paksa

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA


1. Kasapatan ng datos - kinakailangang may sapat na impormasyon tungkol sa napiling paksa
2. Limitasyon ng pag-aaral - ito ay ang deadline
3. Kakayahang pinansyal - dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal
4. Kabuluhan ng paksa - dapat ito ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik
5. Interes ng mananaliksik - mapapadali ang gawain kung ang paksa ay nakabatay sa interes mo

MGA HANGUAN NG PAKSA


- sarili, dyaryo at magazine, tv at radyo, mga awtoridad guro at kaibigan, internet at aklatan.

PAGAWA NG EPEKTIBONG PAMAGAT


Sa paggawa at pag disenyo ng pamagat ng pananaliksik, dapat ito ay maging malinaw, madaling maintindihan,
tuwiran at maging tiyak. Sa bilang ng mga salita, dapat ay hindi bababa sa sampu(10) ngunit hindi tataas sa
dalwampu (20). Mas magandang sumasagot sa tanong na "Saan", "Kanino", "Kailan", at "Papaano" ang
gagawing pamagat para sa pananaliksik. Sa Tanong na "paano", pwedeng gamitin ang mga salitang "Isang
Pag-aaral', " Isang Pananaliksik", "Isang Pagsusuri" "Paghahambing na pagsusuri" at iba pang salita na
maihahalintulad dito.

BALANGKAS
- nakasulat na plano na nagpapakita ng mga bahagi na bumubuo sa isang sulatin. Sa pamamagitan nito,
nalalaman natin kung ano ano ang mga pangunahing ideya at suportang ideya.
- sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang i konsidera ang pagiging maayos ng
daloy ng bawat bahagi. Sa simula pa lang ay mahalaga na ang binuong matibay na pahayag ng tesis.
- Isa ring magandang pagkakataon ang pagbuo ng balangkas upang maisaayos ng mananaliksik ang
iskedyul para sa bawat bahaging isinulat niya rito.
MGA LAYUNIN NG PAGBABALANGKAS
1. Maorganisa ang mga ideya
2. Matukoy ang mga mahahalagang ideya
3. Makita ang ugnayan sa isa’t isa ng mga ideya
4. Malaman kung anong bahagi ng tatanggalin kung kinakailangan
5. Mapabilis ang proseso ng pagsulat
6. Hindi maligaw sa pagsusulat

TATLONG URI NG BALANGKAS


1. Pag-organisa nito ayon sa panahon - maaaring ang ayos nito ay kronolohikal. Karaniwan itong
ginagamit kung ang paksa ay may kaugnay sa paglalahad ng kasaysayan.
2. Paraang lohikal- ang paksa ay nakaayos ayon sa mga ugnayan ng mga ipinahahayag na ideya.
Ginagamit ito sa pagpapaliwanag ng konsepto.
3. Ayon sa kahalagahan ng mga ideya- inuuna dito ang mga mahahalagang ideya kaysa sa mga
di-gaanong mahalaga.

TALASANGGUNIAN
- o bibliyograpi ay bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na nagpapakita ng talaan ng mga
pinagkukunan ng mga impormasyon. Mahalagang magkaroon ng isang bibliyograpi ang isang
pananaliksik sapagkat ito ay mga katibayan ng katotohanang taglay ng binubuong pananaliksik.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG BIBLIOGRAPI
- Nakasulat sa hiwalay na papel.
- Naka-double spaced gaya ng sulatin
- Ang pangalan ng may akda ay dapat nagsisimula sa apelyido kasunod ang inisyal na pangalan.
- Kapag higit sa anim ang may akda, dapat lamang isulat ang anim at pagkatapos ng anim ay lagyan ng
et.al upang mabatid nila na may iba pang manunulat.
- Kailangang sunod-sunod ayon sa apelyido ng may akda ang nakalagay sa bibliyograpi.
- Kung marami ang artikulo at isa lamang ang manunulat, ang petsa ng pagkakalimbag ang dapat na
pagbatayan.

IMPORMASYONG DAPAT MATUKOY SA PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI


- Awtor o mga awtor, Pamagat, Lugar ng publikasyon naglimbag, Petsa o taon ng pagkalimbag, Editor,
tagasalin, consultant(kung mayroon)

KONSEPTONG PAPEL
- ang buod ng isasagawang pananaliksik na tumatalakay sa paksang sasaliksikin

May iba't ibang paraan ng paglalahad ng datos. Maaaring gumamit ng purong teksto o kaya ay samahan ng
grapik na representasyon. Ang paggamit ng artikulo na nagbubuod sa pananaliksik a cognitive neuroscience
ay nagresulta sa mas mataas na pagkatuto (Mccabe & Castel, 2007). Gayunpaman, batay sa pag-aaral ni
Sithole (2016), may kabuluhan ang integrasyon ng teksto sa graph sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa
Financial accounting.

MGA SANGGUNIAN
- nakaayos na talaan ng mga aklat, website at iba pang pinaghanguan ng mga datos na ginamit sa
pagsulat. Matatagpuan sa hulihan ng pananaliksik.
- Amoyon dagitoy

You might also like