You are on page 1of 32

SISTEMATIKONG

PANANALIKSIK
GRADE 8
 Isang mahalagang
kasanayang dapat
matutuhan ng mga mag-
aaral ay ang
sistematikong paraan ng
pananaliksik.
PANANALIKSIK
● Ay isang mapanuri at makaagham na
imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang bagay,
paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng
pangangalap, pagpapakahulugan, pagbubuo,
at pag-uulat ng mga ideya nang obehetibo,
matapat, at may kalinawan.
MGA HAKBANG SA
PAGSASAGAWA NG ISANG
SISTEMATIKONG PANANALIKSIK
01
PAGPILI NG PAKSA
Pagpili ng Paksa

Sa pagpili ng paksang
isusulat, unang bagay na
dapat mong isaalang-
alang ay kung ito ba ay
kawili-wili o naaayon sa
iyong interes.
Pagpili ng Paksa

Ikalawa, kailangang
masiguro kung
kakayanin mong gawin
ang pananaliksik, at huli
ay ang pagpili sa paksa
na may sapat na
malilikom na datos.
02
PAGLILIMITA
NG PAKSA
 Mahalagang
bigyang-limitasyon
ang paksang pipiliin
upang hindi ito
masyadong maging
masaklaw at
matapos sa tamang
panahon.
HALIMBAWA:
 Sa paglilimita ng paksa, PAKSA: Ang pagpapahalaga sa
gawing batayan ang sakop Kulturang Pilipino.
ng panahon, sakop ng edad,
sakop ng kasarian, sakop
NILIMITAHANG PAKSA: Ang
ng grupong kinabibilangan, mga Pagpapahalaga sa
sakop ng anyo o uri, at Kullturang Pilipino sa Rehiyon
sakop ng perspektiba. 1.
03
PAGHAHANDA
NG PANSAMANTALANG
BIBLIOGRAPIYA
BIBLIOGRAPIYA
 Sunod na gawin ang
paghahanda ng • Talaan ng iba’t ibang
pansamantalang sangggunian katulad ng
bibliograpiya. mga aklat, artikulo,
Tandaang ang report, peryodiko,
magasin, at iba pang
paghahanda nito ay
nalathalang material
isang patuloy na galing sa Internet.
proseso.
BIBLIOGRAPIYA
 Siguraduhing ang mga
aklat o impormasyong
isasama sa talaan ay may
kaugnayan sa paksang
tinatalakay. Hindi
kailangang basahin nang
masinsinan ang mga aklat o
artikulong nasa talaan.
 Pangalan ng awtor.
 Pamagat ng kanyang
Mga Bagay na isinulat.
Dapat Isaalang-  Impormasyong ukol sa
alang sa paggawa pagkakalathala.
 Mga naglimbag
ng pansamantalang  Lugar at taon ng
bibliograpiya pagkakalimbag.
 Pamagat ng aklat.
 Ilang mahahalagang tala
ukol sa nilalaman.
04
ANG PAGBUO NG
PANSAMANTALANG
BALANGKAS
PAGBUO NG PANSAMANTALANG
BALANGKAS

Ang pagbabalangkas ay isinasagawa


upang maisaayos ang mga ideyang
nakalap mula sa inisyal na paghahanap
ng mga datos. Makakatulong ito upang
mabigyan ng gabay at direksiyon ng
pananaliksik sa simula pa lamang.
PAGBUO NG PANSAMANTALANG
BALANGKAS
Sa pagbuo ng balangkas,
1. Una, kailangang isulat ang pangunahing
ideya o pinakabuod ng pananaliksik na
isinasagawa.
2. Sunod na ilista ang mga pantulong na ideya.
3. Sumunod na tiyakin kung paano ilalahad
nang maayos ang mga ideya- kung ito ba’y
kronolohikal o ayon sa lugar at saka iayos ang
pormat.
05
PAGHAHANDA NG
INIWASTONG BALANGKAS
O FINAL OUTLINE
PAGHAHANDA NG INIWASTONG
BALANGKAS O FINAL OUTLINE

Dito na susuriing mabuti ang inihandang


tentatibong balangkas upang matiyak kung
may mga bagay pang kailangang baguhin
o ayusin. Balansehin ang lagay ng bawat
punto. Tantiyahin ang bawat bahagi kung
nasobrahan o nakukulangan ng detalye.
06
PAGSULAT NG
BORADOR O ROUGH
DRAFT
PAGSULAT NG BORADOR O
ROUGH DRAFT

Mula sa iyong iniwastong


balangkas at mga kard ng tala
ay maaari ka ng magsimulang
sumulat ng iyong borador.
PAGSULAT NG BORADOR O
ROUGH DRAFT

Ang sulating pananaliksik ay dapat


magkaroon ng panimula na
kababasahan ng mga ideyang
matatagpuan sa kabuoan ng sulatin,
ng katawan na kababasahan ng
pinalawig na balangkas.
PAGSULAT NG BORADOR O
ROUGH DRAFT

Ang kongklusyon na nagsasaad


ng buod ng mga natuklasan sa
iyong pananaliksik.
07

PAGREBISA
PAGREBISA
Makakatulong ang muling
pagbasa sa simula para
mamataan ang mga
kamaliang nagawa na
kailangang iwasto.
PAGREBISA
Huwag madaliin ang
pagrerebisa upang maingat
na maiwasto ang bawat
pangungusap at walang
makalampas na mali.
PAGREBISA
Dito pag-ukulan ng pansin
ang pagbabaybay,
kaangkupan ng pagkakagamit
ng salita, ang gamit ng
bantas, at ang estruktura ng
mga pangungusap.
08
PAGSULAT NG PINAL
NA MANUSKRITO
PAGSULAT NG PINAL NA
MANUSKRITO

Manuskrito- ang tawag sa


pinal na sipi ng isang
sistematikong pananaliksik.
Ito ay dapat na nakaayon sa
pamantayan o istandard na
ibinigay ng guro.
PAGSULAT NG PINAL NA
MANUSKRITO

Bago ipasa ang pinal na gawa,


tandaang repleksiyon ng sarili
ang anumang ginagawa kaya’t
kailangang pagbutihin ang
pagsulat bilang pagpapabuti rin
sa sarili.
Sa pagsusulat, dapat ding
tandaan at isaalang-alang ang
paggamit ng pahayag sa pag-
aayos ng datos. May mag
panandang naghuhudyat ng
pag-uugnayan sa iba’t ibang
bahagi ng pagpapahayag. Ang
ilan sa mga panandang
magagamit sa pag-aayos ng
mga datos ay ang una,
sunod/sumunod, saka, bilang
pagtatapos, wakas, o sa
dakong huli.

You might also like