You are on page 1of 12

INTRODUKSIYON SA

PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
GROUP 6
Tio, Louella
Bundang, Jemaima
Gunnawa, Lexbri
Pumos-an, Alliyah
Aggalao, Khelsa
Odiem, Justine
Falluyan, Lavern
1. Pagpili ng Mabuting Paksa
Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang
masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng
guro. Kapag ganap nang naunawaan ng mag-aaral ang kanyang
gagawin ay magiging mas madali na ang pagbuo nito at maitutuon na
niya ang pansin sa mahusay na paghahanda para sa paksang
tatalakayin sa gawain.
Paksa
• napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang
sulating pananaliksik. Nararapat na ang paksa ay pinag-iisipang mabuti at
dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabuo ng isang
makabuluhang sulatin.
Ilang tanong na maari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa
paksang susulatin:
• Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at
pagsulat ng ukol dito?
• Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba
ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa particular sa mga kaklase ko?
• Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?
• Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?
• Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang
mapalawak ang paksang napili ko?
2. Pagbuo ng Tesis (Thesis Statement)
• Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan
ng iyong bubuoing pananaliksik.
Mga maaaring gumabay o magbigay direksiyon sa pagbuo mo ng pahayag ng
tesis.
• Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng impormasyong
magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
• Sino ang aking mga mambabasa? Ano guro lamang ba ang makakabasa ng sinuat ko sino pa
kaya ang makababasa? Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa.
• Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o
snaggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko
mahahanap ang ito?
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
• Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng
iyong mga sanggunian. Maaari ding makakuha ng mga impormasyon
mula sa internet. Maging maingat lang at suriing mabuti ang mga
talang makukuha sa Internet sapagkat maraming impormasyon mula
rito ang kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan. Para sa
epektibong pananaliksik mahalaga ang paggamit ng aklat at ng
Internet.
• Biblyograpiya
talaan ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, web site, at iba pang nalathalang material na
ginamit.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng bibliyograpiya para sa bawat
sanggunian:
• Pangalan ng awtor
• Pamagat ng kanyang isinulat
• Impormasyon ukol sa pagkakalathala
➤ Mga naglimbag
➤ Lugar at taon ng pagkakalimbag
➤ Pamagat ng aklat
• Ilang mahalagang tala ukol sa nilalaman
*Hindi lahat ng mga sangguniang itinala sa pansamantalang bibliyograpiya ay
magagamit subalit mahalag pa ring kunin ang lahat ng makikitang may
kaugnayan sa paksa.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
• Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang
magbigay direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy
kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin. Maaaring
gamitin ang mga inihanda mong card ng bibliyograpiya upang maging
gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.
5. Pangangalap ng Tala o Note Taking
Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng bibliyograpiya
at tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang kakailanganin sa iyong sulatin.
Basahing mabuti at mula sa mga ito ay magtala ng mahahalagang
impormasyong magagamit sa susulatin.
Tatlong uri ng Tala:
• Tuwirang sinipi
kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa
simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina
kung saan ito mababasa.
• Buod
Kung ito'y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito'y maikli subalit
nagtataglay ng lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto.
• Hawig
Kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa
orihinal.
6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline
• Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang
matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.
Maaari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na
balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador.
7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
• Mula sa iyong iwinastong balangkas at tala ay maaari ka nang
magsimulang sumulat ng iyong borador. Tandaang ang isang sulating
pananaliksik ay may introduksiyon, katawan, at kongklusyon. Dapat
ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin ay payak ngunit
malinaw; tama ang baybay, bantas, at kaayusang panggramatika;
pormal ang anyo; at karaniwang nasa ikatlong panauhan.
Introduksiyon
• kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin.
Katawan
• Kababasahan pinalawig o nalalaman nang bahagi ng iyong balangkas.
Kongklusyon
• nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.
8. Pawawasto at Pagrerebisa ng Borador
• I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang
iwasto sa iyong borador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo g mga
pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit, pamaraan ng pagsulat,
at angkop na talababa o footnote. Para sa mga sangguniang nagamit mo
para sa aktuwal na pagsulat ay huwag kalilimutsng magbigay ng
pagkilala sa may-ari o manunulat ng mga ito sa pamamagitan ng
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Bibliyograpiya:
• Pangkat-pangkatin ang ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat,
pahayagan, website, at iba pa.
• Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang apelyido
bilang basehan.
• Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba't ibang estilo ng pagsulat nito Kung
ang napiling estilo ay American Psychological Association (APA), maaaring
sundan ang sumusunod na pattern para maisulat ang mga ginamit na
sanggunian.
Para sa mga aklat
Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat. Lungsod ng
Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.
Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
• Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamaga ng
Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o Magasin, Paglilimbag # (Isyu #), Pahina #.
Para sa mga Kagamitang mula sa Internet
Awtor. (Petsa ng Publikasyon) "Pamagat ng artikulo o Dokumento" Pamagat ng
Publikasyon. Petso kung kalian sinipi o ginamit mula sa buong web address simula
sa http://
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating
pananaliksik

You might also like