You are on page 1of 20

ARALIN 6

INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG


PILIPINO
Pananaliksik

• ang proseso ng pangangalap ng


mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Sulating Pananaliksik
1. Pagpili ng Mabuting Paksa
• Interesado ka ba sa paksang ito?
• Angkop, makabuluhan, at
napapanahon ba ang paksang ito?
• Masyado bang malawak o
masaklaw ang paksa?
• Kaya ko bang tapusin ang paksang ito sa
loob ng panahong ibinigay sa amin?

• Marami kayang sangguniang nasusulat


na maaari kong pagkunan ng
impormasyon upang mapalawak ang
paksang napili ko?
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
(Thesis Statement)
-ito ay nagsasaad ng posisyong
sasagutin o patutunayan ng iyong
bubuoing pananaliksik.
Gabay sa pagbuo ng Pahayag ng Tesis

• Ano ang layunin ko sa


pananaliksik na ito?
• Sino ang aking mga mambabasa?
• Ano-anong kagamitan o
sanggunian ang kakailanganin ko?
3.Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliograpiya
-ito ay talaan ng iba’t ibang sanggunian
tulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, website at iba
pa.
Mga impormasyong kukunin
• Pangalan ng awtor
• Pamagat ng kanyang isinulat
• Impormasyong tungkol sa pagkakalathala
• Mga nalimbag
• Lugar at taon ng pagkakalimbag
• Pamagat ng aklat
• Ilang mahahalagang tala tungkol sa
nilalaman
4.Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas
• Ito ay tumutukoy sa bawat bahagi ng
isang sulating pananaliksik.

• Mahalaga ito upang mas maging


organisado at maisaaayos ang gagawing
pananaliksik.
5.Pangangalap ng Tala o Note Taking

• Gumamit ng card o index card sa


pagsulat ng mga tala o impormasyon
tungkol sa pagkukunan ng impormasyon
o sanggunian.
3 Uri ng Tala
1. Tuwirang Sinipi-kung ang tala ay
direktang sinipi mula sa isang
sanggunian.
2. Buod-kung ito’y pinaikling bersiyon ng
isang mas mahabang teksto.
3. Hawig-kung binago lamang ang mga
pananalita subalit nananatili ang
pagkakahawig sa orihinal.
6.Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o
Final Outline

• Dito susuriing mabuti ang


inihandang tentatibong balangkas
upang matiyak kung may mga
bagay pang kailangang baguhin o
ayusin.
7.Pagsulat ng Borador o Rough Draft

• Mula sa mga tentatibong


balangkas, dito ay maaari mo
nang tapusin ang pagsasaayos
sa mga nakalap na tala.
• Introduksiyon,katawan,
kongklusyon.
Dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng Draft
• Payak na salita ang gamitin
• Tama ang baybay, bantas, at
kaayusang panggramatika
• Pormal ang anyo
• Nasa ikatlong panauhan
8.Pagwawasto at Pagrebisa
ng Borador
• I proofread o basahing mabuti at iwasto
ang mga bagay na kailangang iwasto sa
iyong borador.
• Ihanda ang paunang salita
• Talaan ng Nilalaman at
• Pinal na bibliograpiya
Pagsulat ng Bibliorapiya
• Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na
sanggunian. Pagsama-samahin ang aklat,
pahayagan at website.
• Isaayos ng paalpabetiko ang mga
pangalan ng awtor na mauuna ang
apelyido.
• Isulat ito gamit ang estilong ibinigay
(APA)
Para sa Aklat
• Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor.
(Taon ng Paglilimbag) Pamagat. Lungsod
ng Tagapaglimbag. Tagapaglimbag.
Para sa Artikulo,Pahayagan o Magasin

• Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor,


(Taon ng Paglilimbag) Pamagat ng
Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o
Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina
#.
Para sa Kagamitang Mula sa Internet

• Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat


ng Artikulo o Dokumento”. Pamagat ng
Publikasyon. Petsa kung kailan sinipi o
ginamit mula sa buong web address
simula http://.
9.Pagsulat ng Pinal na Sulating
Pananaliksik
• Pagkatapos isagawa ang walong
hakbang I -type na ito gamit ang
pormat na ibinigay ng iyong guro.

You might also like