You are on page 1of 14

INTRODUKSIYON

SA
PANANALIKSIK
SA WIKA AT
KULTURANG
PILIPINO

Inihanda ni :Binibining
DyeyDyeyKyu
PANANALIKSIK
Ang PANANALIKSIK ay pahayag sa mataas na lebel
ng pagsulat dahil na ngangailangan ito ng pangangalap
ng datos, pag-iimbestiga, panunuri, pagbibigay –hinuha,
at sa pagtatapos ay pagbibigay konklusyon at
rekomendasyon. Ang Pananaliksik ay isang sining.
Walang iisang paraan o tamang paraan ng pananaliksik.
MGA HAKBANG SA PAGBUO
NG SULATING PANANALIKSIK
1. Pagpili ng Mabuting Paksa - Nararapat na ang
paksa ay pinag-iisipang mabuti at dumaan sa
isang maingat na pagsusuri upang matiyak na
makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
- Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong
sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing
pananaliksik.
– Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito?
– Sino ang aking mga mambabasa?
– Ano-anong kagamitan o sanggunian ang
kakailanganin ko?
MGA HAKBANG SA PAGBUO
NG SULATING PANANALIKSIK
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
– Mangalap ng mga sanggunian at impormasyon
mula sa internet.
Bibliyograpiya – talaan ng iba’t ibang sanggunian
katulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko,magasin, web site at iba pang
nalathalang material na ginamit.
– Pangalan ng awtor
– Pamagat ng kanyang isinulat
– Impormasyon ukol sa pagkakalathala
– Mga naglimbag
– Lugar at taon ng pagkakalimbag
– Pamagat ng aklat
– Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman
Para sa mga Aklat

– Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. ( Taon ng


Paglilimbag) Pamagat. Lungsod ng Tagapaglimbag.
Tagapaglimbag.
Para sa mga Artikulo sa
Pahayagan o Magasin
– Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. ( Taon ng
Paglilimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng
Pahayagan o Magasin, Paglilimbag #, Isyu #,
Pahina #.
Para sa mga Kagamitang Mula
sa Internet
– Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng
Artikulo o Dokumento,”Pamagat ng Publikasyon.
Petsa kung kalian sinipi o ginamit mula sa buong
web address simula sa http://.
MGA HAKBANG SA PAGBUO
NG SULATING PANANALIKSIK

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas –


Magbigay ng direksiyon sa pagsasaayos ng mga
ideya at pagtukoy kung ano-anong material pa ang
kailangang hanapin.
5. Pangangalap ng Tala o Note Taking –
iminumungkahing isulat nang maayos ang mga tala.
3 Uri ng Tala

Tuwirang Sipi – ang tala ay direktang mula sa isang


sanggunian.
Buod – pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang
teksto na nagtataglay ng lahat ng mahahalagang
kaisipan ng orihinal na teksto.
Hawig – binago lamang ang mga pananalita subalit
nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
MGA HAKBANG SA PAGBUO
NG SULATING PANANALIKSIK

6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final


Outline – sinusuring mabuti ang inihandang
tentatibong balangkas upang matiyak kung may
mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin upang
ang pangwakas na balangkas ay maging mabuting
gabay sa pagsulat ng burador.
MGA HAKBANG SA PAGBUO
NG SULATING PANANALIKSIK

7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft –


kinakailangan ng isang pananaliksik ng
Introduksiyon na kababasahan ng mga ideyang
matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, Katawan na
kababasahan ng pinalawig o nalamnan ng bahagi
ng balangkas at Kongklusyon nagsasaad ng buod ng
natuklasan sa pananaliksik.
MGA HAKBANG SA PAGBUO
NG SULATING PANANALIKSIK

8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador – Basahing


mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang
iwasto sa burador. Pag-ukulan ng pansin ang
pagkakabuo ng mga pangungusap, mga
baybay,bantas, wastong gamit, pamaraan ng
pagsulat at angkop na talababa o footnote.
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik

You might also like