You are on page 1of 12

Introduksiyon

sa
Pananaliksik
Bb. CARMIE T. INFANTE, LPT
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik

1 . Pagpili ng Mabuting Paksa


-Ang unang hakbang sa pagbuo ng
sulating pananaliksik ay ang masusing
pag unawa sa paksa at mga kaugnay na
gawaing ibibigay ng guro .
ANg PAKSA
- Nararapat na ang paksa ay
pinag iisipang mabuti at dumaan
sa isang maingat na pagsusuri
upang matiyak na mabubuo ng
isang makabuluhang sulatin .
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
(Thesis Statement)
- Ito ang pahayag na magsasaad
ng posisyong sasagutin o
patutunayan ng iyong bubuoing
pananaliksik .
3. Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpiya
Para sa epektibong pananaliksik,
mahalaga ang paggamit ng mga aklat at
ng internet . Mahalagang matiyak na
maayos, tama, kompleto, at beripikado
ang mga impormasyong isasama mo sa
bubuoing sulating pananaliksik .
4. Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas
-Mahalaga ang paghahanda ng isang
tentatibong balangkas upang
magbigay direksyon sa pagsasaayos
ng iyong mga ideya at pagtukoy kung
ano-anong materyal pa ang
kailangang hanapin.
5. Pangangalap ng Tala o Note Taking
- Balikan ang inihandang tentatibong
balangkas at card ng bibliyograpiya at
tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang
kakailanganin sa iyong susulatin .
Tatlong uri ng tala
*Tuwirang Sinipi - kong ang tala ay direktang
sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng
panipi sa simula at dulo n sinipi.
*Buod- kung ito'y pinaikling bersiyon ng
isang mas mahabang teksto.
*Hawig- kung binabago lamang ang mga
pananalita subalit nananatili ang
6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o
Final Outline
- Dito na susuriing mabuti ang inihandang
tentatibong balangkas upang matiyak kung
may mga bagay pang kailangang baguhin o
ayusin. Maaari nang ayusin ang dapat ayusin
upang ang pangwakas na balangkas ay maging
mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador.
7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
-Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay
dapat magkaroon ng introduksiyon na
kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa
kabuoan ng sulatin, ang katawan na kababasahan
ng pinalawig o nalamnan ng bahagi ng iyong
balangkas at ang iyong kongklusyon na siyang
nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa
iyong pananaliksik.
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador
- Iproofread o basahing mabuti at iwasto
ang mga bagay na kailangang iwasto sa
iyong borador. Pag-ukulan ng pansin ang
pagkakabuo ng mga pangungusap, ang
baybay, bantas, wastong gamit
pamamaraan ng pagsulat, at angkop na
talababa o footnote.
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating
Pananaliksik
- Pagkatapos pagdaanan at isagawa
nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon ay matitiyak ka na
ng isang mainam na sulating
pananaliksik.

You might also like