You are on page 1of 9

ARALIN 11: PAGSULAT NG PINAL

NA PANANALIKSIK
NAKALAP NA TALA

1. Pagsasaayos: suriin ang mga talang isinulat sa mga notecard. Maghanda ng isang

noetbook o maaaring I-encode sa iyong computerang anumang kaisipan, tanong, o

komentaryong pumasok sa iyong isipan.

2. Pagsusuri: kung isasaisip ang tesis habang sinusuri ang mga nakalap na tala, makikita

mong may mga talang nararapat isama at mayroon din namang hindi dapat isama dahil

malayo ang mga ito sa binuong tesis.


GAMIT SA PAG ORGANISA NG PAPEL

1. Kronolohikal – ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay ayon

sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

2. Heyograpiya o batay sa espayo – ginagamit ito kung ipakikita at ipapaliwanag ang

lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo.

3. Komparatibo – ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at o/ ang

pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo, o kaisipan.


4. Sanhi/Bunga – ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga ng isang paksang

sinisiyasat. Maaaring alam na ang sanhi at sisiyasatin ang bunga, o kaya ay alam na

ang bunga at sisiyasatin naman ang sanhi.

5. Pagsusuri – ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay

ng isang buong kaisipan.


PANGHULING BALANGKAS

• Ngunit hindi dapat makalito sa iyo ang tawag na “panghuling balangkas” dahil maaari

mo pa rin itong baguhin habang isinusulat mo na ang iyong papel sapagkat marami pa

ring ideya o kaisipang pumapasok sa iyong isipan.


PAGSULAT NG BORADOR

• Mahalagang magkaroon ng borador sa pagsulat ng sulating pananaliksik upang makita

mo ang kabuoan nito at mapagpasiyahan kung mayroon pa bang kinakailangang

impormasiyon, may paliwanag na kailangang palitano burahin, o kailangang palitan ang

organisasyon ng ilan sa mga ideya, na tutulong sa pagsulong ng iyong tesis.

• Sa pag susulat ng iyong borador, kailangang hawak mo ang pinal na balangkas, mga

ginawa mong notecard, at anf tentibong bibliograpiya.


PAGSUSULAT NG PINAL NA SULATING
PANANALIKSIK

1. Introduksiyon – ito ay maaaring maglaman ng sumusunod: maikling kaligiran ng

paksa, layunin ng pananaliksik, pahayag ng tesis o thesis statement, kahalagahan ng

pagsasagawa ng pananaliksik at sakliw at limitasyon ng pananaliksik.

2. Katawan – ayusin ang iyong ideya sa paraang makapagpapahatid ng kahalagahan ng

aralin.
3. Kongklusiyon – ang pagsusulat ng kongklusiyon ay paglalagom at pagdidiin ng ideya.

 Buod ng mga pangunahing ideyang nilinang sa katawan ng pananaliksik.

 Sipi o anumang pahayag na bumubood sa papel.

 Pagbalik sa mga kaisipang tinalakay sa introduksiyon.


SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like