You are on page 1of 3

Sanayang Papel Blg.

7 sa
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikaapat na Markahan

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: _____________________

Grade/Strand at Seksiyon: _______________________________

I. KASANAYANG PANGKATUTO
A. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika
sa pananaliksik (F11PB-IVab-100)

II. PANIMULANG KONSEPTO

KAHALAGAHAN NG PAGBUO NG BALANGKAS BAGO SIMULAN ANG PAGSULAT

• HIGIT NA NABIBIGYANG DIIN ANG PAKSA - Ang paksa ang pinakasentro ng sulatin kaya naman
makatutulong ang pagbuo ng balangkas upang matiyak ang lahat ng impromasyong isasama sa
sulatin ay sentro o tutugon sa paksa.

• NAKAPAGPAPADALI SA PROSESONG PAGSULAT - Dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng

sulatin ay magiging madali para sa manunulat ang magpokus sa bawat bahagi ng kaniyang
balangkas.

• NAKATUTUKOY NG MAHIHINANG ARGUMENTO – Sa pagbabalangkas ay nahahati-hati ang

malalaking ideya. Ang bawat malaking ideya ay nilalagyan pa ng sumusuportang detalye upang
maging matibay na argumento.

• NAKATUTULONG MAIWASAN ANG WRITER'S BLOCK - Mahirap magsimulang magsulat kung

isang malinis na papel o cursor na kumikindat-kindat sa malinis na monitor lang ang kaharap
para sa isang malaking proyektong tulad ng sulating pananaliksik.

PAGBUO NG PANSAMANTALANG BALANGKAS

Sa araling ito ay lalong magkakaroon ng direksyon ang iyong gawain sapagkat bubuo ka
ngayon ng pansamantalang balangkas. Ginamit ang salitang “pansamantala” sa balangkas na
gagawin mo sapagkat hindi pa ito pinal. Habang dumarami kasi ang nababasa mong sanggunian ay
nadaragdagan o lumalawak ang kaalaman mo tungkol sa iyong tesis kaya’t maaaring may mabago
pa sa iyong balangkas. Bagama’t hindi pa pinal ay mahalaga ang pansamantalang balangkas sa
pagbibigay ng direksiyon sa mananaliksik. Mula rito’y makikita niya kung ang mga ideya ay konektado
sa isa’t isa, kung maayos ang daloy ng bawat bahagi, at kung walang puwang o “gap” na dapat punan
sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Ang pansamantalang balangkas ay masisilbi ring gabay upang
masagot ng mananaliksik ang dalawang mahahalagang tanong:

• Ano-ano na ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na at maaari ko nang iorganisa

patungkol sa aking paksa?
• Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa kailangan ko pang saliksikin?
Isa ring magandang pagkakataon ang pagbuo ng balangkas upang maisaayos ng mananalisik
ang iskedyul para sa bawat bahaging isinulat niya rito. Ang guro ay karaniwang nagbibigay ng takdang
araw o panahon ng pagpasa sa gawain. Halimbawa, kung walong linggo ang ibinigay para
maisagawa ang buong sulatin, magagamit ng mananaliksik ang tentatibong balangkas upang mahati-
hati ang natitirang panahon o araw para sa bawat bahagi. Sa ganitong paraan ay maiiwasang
matambak ang gawain o magmadali sa pagtapos ng lahat kapag malapit na ang araw ng pagpasa.
Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang ikonsidera ang pagiging maayos ng
daloy ng bawat bahagi. Sa simula pa lang ay mahalaga na ang binuo mong matibay na pahayag ng
tesis. Dito kasi ihahanay ang iba pang bahagi o nilalaman ng iyong balangkas.
Halimbawa ng pansamantalang balangkas:
PAANO GINAGAMIT ANG E-TEXTBOOK SA LOOB NG SILID-ARALAN
(PANSAMANTALANG BALANGKAS)

I. INTRODUKSIYON
A. Paunang Kaalaman o Background sa Paggamit ng E-textbook sa Silid-Aralan
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag ng Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel
II. MGA KAUGNAY SA LITERATURA
A. Depinisyon ng E-textbook
B. Maikling Kasaysayan ng E-textbook
C. Mga Pormat ng E-textbook
D. Pagkokompara ng E-textbook sa mga Inimprentang Libro
E. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol Paggamit ng E-textbook
III. METODOLOHIYA
A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag-iineterbyu sa mga Mag-aaral at Guro
D. Sintesis ng mga Nakalap na Datos
IV. RESULTA
V. KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
VI. BIBLIYOGRAPIYA

III. GAWAIN

A. Panuto: Panuto: Isaayos ang mga ideya upang makabuo ng isang balangkas. Isulat ang
inyong sagot sa patlang.
Paksa: Adiksyon sa Droga
Mga Ideya:
- Panimula - Pagbibigay ng kahulugan
- Narkotiko - Dahilan ng Paggamit ng Bawal na Gamot
- Paglalahad ng Suliranin - Mabuting Epekto
- Stimulants - Konklusyon
- Hallucinogens - Mabuting Epekto
- Saklaw ng Pag-aaral - Mga Epekto ng Gamot
- Uri ng Bawal na Gamot
Balangkas
I. _________________________________________________________________
A. _______________________________________________________________
B. _______________________________________________________________
C. _______________________________________________________________
II. _________________________________________________________________
A. _______________________________________________________________
B. _______________________________________________________________
C. _______________________________________________________________
III. _________________________________________________________________
A. _______________________________________________________________
B. _______________________________________________________________
C. _______________________________________________________________
IV. _________________________________________________________________
A. _______________________________________________________________
B. _______________________________________________________________
C. _______________________________________________________________
V. _________________________________________________________________
B. Panuto: Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Ano-ano ang mga dapat ikonsidera sa pagbuo ng pansamantalang balangkas?
____________________________________________________________________________

2. Bagamat hindi pa pinal ang balangkas na ito ay isa itong mahalagang bahagi sa proseso ng
pagbuo ng sulating pananaliksik. Sa paanong paraan ito naging mahalaga?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Bakit ginamit ang salitang pansamantala sa balangkas na bubuoin mo sa bahaging ito?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

IV. SANGGUNIAN
Dayag, A. M. at MG G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma, p. 161-163.

You might also like