You are on page 1of 25

Sitwasyong Pangwika sa Text - 8 Ang

pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging


system) na lalong kilala bilang text message o text ay
isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating
bansa. Katunayan, humigit-kumulang apat na bilyong
text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa
araw-araw kaya naman tinagurian tayong “Texting
Capital of the World”. Kadalasan gumamit rin ng
pagpapaikling salita at pinaghalong Tagalog at Ingles
sa pakikipag-ugnayan.
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan -
Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa
boardroom ng malalaking kompanya at
korporasyon lalo na sa mga pag-aari o
pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag
na multinational companies. Makikita sa mga
serbey ang wikang madalas ginagamit sa
opisina o tanggapaN
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang
naipalalabas sa ating bansa taon-taon, ang mga lokal na
pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti
nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood.
Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang
ipinalalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang
lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga
lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang
Pilipino.
PANANALIKSIK
Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing
ang pananaliksik ay isang proseso ng
pangangalap ng mga datos o informasyon upang
malutas ang isang partikular na suliranin sa isang
syentipikong pamamaraan
Ayon kina Manuel at Medel (1976),
masasabing ang pananaliksik ay isang
proseso ng pangangalap ng mga datos
o informasyon upang malutas ang
isang partikular na suliranin sa isang
syentipikong pamamaraan
Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang
pananaliksik ay ang matiyaga, maingat,
sistematiko, mapanuri at kritikal na
pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang
bagay, konsepto, kagawian,problema,
isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
Ayon kay Arrogante (1992), ang
pagsasaliksik ay isang pandalubhasang
sulatin na nangangailangan ng sapat na
panahong paghahanda, matiyaga at
masinsinang pagaaral, maingat, maayos at
malayuning pagsulat para mayari at
mapangyari itong maganda, mabisa at higit
sa lahat, kapaki-pakinabang na
pagpupunyagi.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
1.Pagpili ng Mabuting Paksa – Ang unang hakbang
sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang masusing
pag-unawa sa paksa o suliranin. Napakahalagang
piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay
ang isang sulating pananaliksik. Nararapat na
pinagiisipang mabuti at dumaan sa isang maingat na
pagsusuri ang paksa upang matiyak na makabubuo ng
isang makabuluhang sulatin.
2.Pagbuo ng Pahayag ng Tesis – Kapag napagpasiyahan na
ang paksa bumuo ka na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang
pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o
patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik.

Halimbawa:
Paksa – Mas pinipili ng tao ang mga coffee shops bilang
lugar para sa pakikipag-usap o socialization kumpara sa mga
fastfood outlets, restaurants o mga karinderya.
Pahayag ng Tesis – Sa pagsikat ng mga coffee shops, sumabay
ang imaheng ipinapakita nito sa madla sa tulong na rin ng
social media, bilang lugar na pinagkakakita-kitaan o
pakikipagkilala na sinamahan pa ng kakaiba nitong mga
arkitektura at internal na disenyo ng lugar. Dala na rin ng
pagkilala at pagrekomenda ng mga parokyano gamit ang
social media nakikilala ng iba pang mga tao ang mga coffee
shops na naglipana dito sa bansa.
3. Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpiya – Sa pagpili mo ng iyong paksa,
mahalagang isaalang-alang ang iyong sanggunian.
May sapat bang kagamitan o sanggunian upang
magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng
tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito? Mula sa iyong
mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng
pansamantalang bibliyograpiya. Ito ay isang talaan ng
iba’t ibang sanggunian tulad ng aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, website at iba pang nalathalang
materyal na ginamit.
Ito’y maaaring isang 3”x5” na index card na
kakikitaan ng sumusunod na mga
impormasyon:
a. Pangalan ng Awtor
b. Pamagat ng kanyang isinulat
c. Impormasyon tungkol sa pagkakalathala
d. Mga naglimbag
e. Lugar at taon ng pagkalimbag
f. Pamagat ng aklat; at
g. Ilang mahahalagang tala tungkol sa nilalaman
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas –
Mahalaga ito upang magbigay ng direksyon
sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at
pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang
kailangan hanapin. Maaaring gamitin ang
mga inihanda mong card ng bibliyograpiya
upang maging gabay sa pagbuo ng iyong
balangkas.
5.Pangangalap ng Tala o Note taking – Iminumungkahing isulat
nang maayos ang iyong mga tala. Gumamit ng index card na mas
malaki kaysa sa ginamit mo sa bibliyograpiya para mapag-iba ang
dalawa bukod sa mas marami kang maisusulat sa mas malaking card.
Maari kang gumamit ng 3 uri ng tala:

a. Tuwirang sipi – kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang


sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula at dulo ng sinipi. Itala ang
sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito
mababasa.
b. Buod – Ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto
subalit nagtataglay ng lahat
nang mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto.
c. Hawig – Kung binago lamang ang mga pananalita
subalit mananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6.Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final


Outline – Dito na susuriing mabuti ang inihandang
tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga
bagay pang kailangang baguhin o ayusin.
7.Pagsulat ng Borador o Rough Draft – Mula sa
iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay
maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador.
Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat
magkaroon ng sumusunod:
a. Introduksiyon – kababasahan ng mga ideyang
matatagpuan sa kabuoan ng sulatin.
b. Katawan – kababasahan ng pinalawig o nalamnan ng
bahagi ng iyong balangkas.
c. Konklusyon – na siyang nagsasaad ng buod ng iyong
mga natuklasan sa iyong pananaliksik.
8.Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador – I-
proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay
na kailangang iwasto sa iyong borador. Pag-ukulan ng
pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang
baybay, bantas, wastong gamit, pamamaraan ng
pagsulat, at angkop na talababa o footnote. Maari
nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin,
Ihanda ang pauang salita, talaan ng nilalaman at pinal
na bibliyograpiya.
9.Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik –
Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang
naunang walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na
ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na
ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.
Sanggunian
- Mula sa DepEd Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino
11 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan
Modyul 9: Introduksyon sa Pananaliksik Unang Edisyon
Ang Impluwensiya ng
Akdang Pampanitikang
Filipino sa pagpapalaganap
ng Kulturang Pinoy sa loob
ng paaralang HTA
Panuto: Buoin ang pahayag sa ibaba batay sa natalakay na
arlin.

Ang pananaliksik ay __________________________dapat


mong isaalang-alang ang mga
_________________________________________________
_________________________________________________
______________________________________________ssa
pagbuo ng isang pananaliksik. Ang Layunin ng pananaliksik
ay upang_______________________________
________________________________________________
Tukuyin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa
pagsasagawa ng pananaliksik.
I. Dito nagaganap ang pagsusuri sa mga datos na nailahad mula sa
pagkakategorya o mula sa istatistikal na pag-aanalisa.
II. Sa bahaging ito titiyakin ng mananaliksik ang kongklusyon ng
pananaliksik.
III. Dito tinitiyak na payak ang paksa. Pinapaunlad ito sa pamamagitan
ng pagbabasa at paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-
aaral.
IV. Bubuuin sa bahaging ito ang konseptuwal na balangkas na
maglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging
pagsusuri.
V.Nagaganap sa bahaging ito ang aktuwal na pakikipanayam, sarbey,
obserbasyon o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakda ng

You might also like