You are on page 1of 9

PAGSULAT NG

SINTESIS AT BUOD
Sintesis
• Malaman at pinaikling bersiyon ng iba’-
ibang batis ng kaalaman at impormasyon.
• Pinagsasama-sama ang iba’t-ibang ideya
na may magkakatulad at magkakaibang
punto de-bista mula sa iba-ibang
sanggunian.
• Hitik at pinaikling bersiyon ng mga
nabasa upang makabuo pa ng
panibagong ideya.
Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis
• Linawin ang layunin
• Pumili ng naayon na sanggunian batay sa layunin
• Buuin ang tesis sulatin
• Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin
• Isulat ang unang burador
• Ilista ang mga sanggunian
• Rebisahin ang sintesis
• Isulat ang pinal na tesis
Buod
• Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang
pananalita, ukol sa narinig o nabasang artikulo,
balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at
iba pa.
• Pinaikling bersiyon ng akda ngunit hindi
nangangailangan ng bagong ideya, opinion, o
tesis ukol sa nabasang akda
• Inilalahad lamang ang mahahalagang punto ng
nabasa
Pangangailangan sa Pagsulat ng Buod
(Swales at Feat, 1994)
• Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na
teksto
• Ilahad sa pamamaraang nyutral at walang
kinikilingan
• Pinaiksing bersiyon at gamit ang sariling
pananalita ng gumawa
Katangian ng Mahusay na Buod
• May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto
• Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo
• Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o
impormasyong wala sa orihinal na teksto
• Gumamit ng mga susing salita
• Gumamit ng sariling salita
Kahalagahan ng Sintesis at Buod
• Higit na mauunuwaan ang kahulugan ng binasa o
pinakinggang panayam o sulatin
• Nagiging organisado ang pagkakaunawa sa isang
sulatin
• Isang paraan upang makatiyak ang mga
akademikong institusyon na nagbasa at naunawaan
ng mga mag-aaral ang kanilang binasa
• Isang Teknik upang matiyak at higit na maunawaan
ng mag-aaral ang kanilang binasa para sa sariling
pagrerebyu sa panahon ng pagsusulit
Hakbang sa Pagbubuod
• Salungguhitan ang mahahalagang punto at
detalye
• Ilista ang pangunahing ideya, detalye, at
paliwanag sa bawat ideya
• Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa lohikal na
paraan
• Gumamit ng siya, apelyido ng awtor, o manunulat
• Isulat ang buod
Haba ng Buod o Sintesis
• Nakasalalay sa kahingian ng
nagpapabuod o nagpapasintesis ang
haba nito
• higit ang haba ng mga sanggunian o
pinagkunang batis ng kaalaman kaysa sa
isusulat na buod o sintesis

You might also like