You are on page 1of 12

SINTESIS

SINTESIS

pagsasama-sama ng mga ideya


ng isang indibwal at iyong mga
ideya mula sa iba’t ibang
sanggunian
Mga Susing Katangian ng Sintesis
• Iulat ang mga impormasyon mula sa mga
sanggunian sa pamamagitan ng pagbabago
ng mga parirala at pangungusap;
• Iorganisa upang makita ng mga
mambabasa ang mga magkakatulad na
impormasyon;
• Bigyang pagpapahalaga ang mga
sanggunian at tulungan ang mga
mambabasa na maunawaan itong mabuti.
Paghahanda sa Pagsusulat ng Sintesis
• Kinakailangan ng dalawa o higit pang sanggunian sa paggawa ng
sintesis. Bumuo ng sariling perspektibo at interpretasyon ng mga
sanggunian – ang sariling suri—at isama ang iyong suri sa papel.

• Ang sistematikong paunang paghahambing ay makatutulong.


Magsimula sa pagbubuod ng mga punto, tema at katangian ng
mga teksto na magkakatulad. Itala rin ang mga pagkakaiba.

• Sumubok ng ibang paraan sa pag-oorganisa ng mga


impormasyon batay sa mga nasuri at nais na hindi sang-ayunan.
Makatutulong ang pagbuo ng mga balanagkas bago piliin ang
gagamiting sanggunian.
Akademikong Pagsulat

PAGSULAT NG SINTESIS
1. INTRODUKSYON/PANIMULA
Maikling paliwanag hinggil sa
paksa, tutunguhin at
kahalagahan ng sanaysay
2. KATAWAN
Tumatalakay sa pagtaliwas at
pagsang-ayon sa paksa na
tatalakayin
• Ang organisasyon ay idedetermina ng
pagtatakda o ng mga pardon na nakikita sa mga
materyal na binubuo (tema, punto,
pagkakatulad, aspeto ng paksa). Ang
organisasyon ang pinakaimportanteng bahagi ng
sintesis, kaya piliin ang pinakaepektibong format
ng paksa.
• Nagsasama ng mga impormasyon sa higit sa
isang sanggunian;
• Malinaw na isinasaad kung saan nagmula ang
materyal gamit ang mga transisyon at paksang
pangungusap, at mga pagkilala sa loob ng teksto
(in-text citations)
• Mag-ingat sa plagiarism: Ang mga hindi
sinasadyang plagiarism ay karaniwang
nagaganap kapag ang mga mag-aaral ay
nagsasama-sama ng mga sanggunian at hindi
pagsasaad kung saan natatapos ang mga
ideyang galing sa mga sanggunian.
• Nagpapakita ng pagkakatulad o pagkakaiba
sa pagitan ng mga sanggunian sa
pamamaraang nagdudulot na maging mas
impormatibo ang papel;
• Kinakatawan nang maigi ang teksto. Ang
tagabuo ng sintesis ay inuulit ang nilalaman
ng mga sanggunian sa sariling mga salita.
Hindi dapat mabago ang orihinal na
inilalahad ng teksto.
• Nagsasama ng sariling suri ng sanggunian
3. KONGKLUSYON
Ipaaalala sa mga mambabasa ang mga
pinakaimportanteng pansuportang ideya
na matatagpuan upang mapag-ugnay-
ugnay ang kabuuang paksa pagkaraang
matalakay ang nilalaman ng mga tekstong
binasa.
Bakit mahalaga ang pagsulat ng sintesis?

Magbasa nang obhetibo at nang may pag-unawa

Makita ang ugnayan mula sa iba’t ibang perspektibo

Maipaliwanag ang puntong nais ipabatid gamit ang mga


natantong ugnayan

Maipaliwanag nang maigi ang punto ng sanaysay

You might also like