You are on page 1of 2

BIONOTE

- Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano-ano na ang mga
nagawa mo bilang propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo na may kaugnayan
sa paksang tinatalakay sa papel, sa trabahung ibig pasukan, o sa nilalaman ng iyong blog o web site. Ito ay
Nakasulat gamit ang puntode bistang pangatlong panauhan.

KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE


1. Maikli ang nilalaman
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
3. Kinikilala ang mambabasa
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok.
5. Nakatutok lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian.
6. Binabanggit ang degree kung kailangan.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.

MGA DAPAT LAMANIN NG BIONOTE


1. Personal na impormasyon
2. Kaligirang pang-edukasyon
3. Ambag sa larangang kinabibilangan

ANO ANG SINTESIS?


• Warwick (2011), maayos at malinaw na pagdurugtong ng mga ideya sa maraming sanggunian gamit ang sariling
pananalita ng sumulat.
• Ang sintesis ay nangangahulugang pagsasama-sama ng mga ideya na may iba't ibang pinanggalingan sa isang
sanaysay o presentasyon.

ANYO NG SINTESIS
❖ Explanatory Synthesis
• Nagpapaliwanag sa paksa sa malinaw at maayos na paraan.
• Gumamit ng mga deskripsyon o mga paglalarawan.
• Layong ilahad ang mga detalye sa paraang obhetibo.

❖ Argumentative Sintesis
• Kaakmaan ng mga isyu at impormasyong kaakibat ng paksa.
• Ilahad ang pananaw ng manunulat.
URI NG SINTESIS

❖ Background Synthesis
• Pinagsasama-sama ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa.
• Inaayos ayon sa time at hindi ayon sa sanggunian.

❖ Thesis-Driven Sintesis
• Malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

❖ Synthesis for the Literature


• Tumutugon sa mga literaturang gagamitin sa pananaliksik.
• Isinasaayos batay sa mga sanggunian: maaring rin na aayusin ayon sa paksa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS


1. Linawin ang layunin sa pagsulat.

2. Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahing mabuti.

3. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.

4. Isulat ang unang burador.

5. Ilista ang mga sanggunian.

6. Rebisahin ang sintesis.

7. Isulat ang pinal na sintesis.

You might also like