You are on page 1of 28

ACADEMIC COACHING SESSION # ____

Date:______ Time:____
▪ Nakasusulat nang maayos na
akademikong sulatin
▪ Nakasusunod sa istilo at
teknikal na pangangailangan
ng akademikong sulatin
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

▪ Tala ng isang indibidwal sa sarili niyang pananalita, ukol sa


kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat,
panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa.

▪ Sa paaralan, karaniwang ginagawan ng buod ang mga


kwentong binasa, balitang napakinggan, isyung tinutukan,
pananaliksik na pinag-aaralan, palabas na sinubaybayan,
pelikulang pinanood o liksyong pinakinggan.

▪ Layunin ng pagpagawa nito ay upang matiyak ng guro na


natandaan ng isang mag-aaral ang mga detalye ng nabasa o
napakinggan at upang masukat kung naunawaan ang mga
ito.
1. Kailangang ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng
orihinal na teksto

Bagamat buod ito, marapat lamang na ang mga datos o


detalyeng mahalaga ay makikita pa rin sa buod.

Dapat kayang ihayag ng buod ang kabuuang mensaheng


ihinahatid ng tekstong pinagmulan nito.
2. Kailangang nailahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang
kinikilingan

Ang buod ay muling paghahayag lamang ng mensahe ng orihinal na teksto,


kailangang obhetibo ang lapit dito.

Hindi ito gumagawa ng argumentasyon o ano mang uri ng pag-analisa sa mga


detalyeng ibinibigay ng orihinal na teksto.

Tanging paglalahad lamang na hindi hinahaluan ng personal na pagtaya, pananaw


o pagsusuri ang kailangang makita sa nabuong buod.
3. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa
sariling pananalita ng gumawa

Dapat lamang isaisip na kung sariling pananalita ang gagamitin, tiyaking


ito rin ang kahulugang ipinababatid ng orihinal na teksto.

Sa paggamit ng sariling pananalita mas nagkakaroon ng laya na mapaiksi


ang nilalaman na siya namang isang layunin kapag nagsasagawa ng
pagbubuod.

Dapat sikaping mabuo ang isang buod na di-hamak na maiksi ngunit


naglalaman ng kabuuang mensahe na teksto.
UNIVERSITY OF BOHOL SENIOR HIGH SCHOOL | S.Y. 2021-2022, FIRST SEMESTER
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal


na teksto
• Ang buod ay dapat sumasagot sa mga katanungang
tulad ng SINO, ANO, SAAN, KAILAN, BAKIT, PAANO.

Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo


• Tanging ang mga impormasyong nasa orihinal na
teksto ang dapat na isama. Hindi dapat dagdagan ito
ng pansariling ideya o kritisismo ng nagsusulat.
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o


impormasyong wala sa orihinal na teksto
• Ito ay paglalahad lamang ng mga mahahalagang
impormasyong nabanggit sa isang akda sa mas maiksi
at sa katulad ng linaw ng orihinal.

Gumagamit ng mga susing salita (Key words)


• Ang mga susing salita ay mga pangunahing konsepto
na pinagtutuunan ng teksto.
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

Gumagamit ng sariling pananalita ngunit


napananatili ang orihinal na mensahe

• Ang paggamit ng sariling pananalita ay makatutulong


ng malaki upang maihayag ang katulad na mensahe
mula sa orihinal na teksto sa mas maikling pahayag.
UNIVERSITY OF BOHOL SENIOR HIGH SCHOOL | S.Y. 2021-2022, FIRST SEMESTER
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang


punto at detalye

Ang pagsasalungguhit ay makakatulong upang madaling balikan ang mga


importanteng konsepto na isasama sa buod.

2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at


ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya

Ang paggugrupong ito ay nakapagbibigay ng isang balangkas na


maaaring lamanin at pagkakaayos ng isusulat na buod. Makatutulong din
ito upang madaling mailahad ang eksplanasyon ng bawat pangunahing
diwa na babanggitin sa buod.
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal


na paraan

Isang mahusay na teknik ang muling pagsasaayos sa mga detalye at ilahad ito sa
paraang simple at madaling masundan.
Halimbawa, kung binubuod ang isang kwento sa paraang flashback, maaaring
ilahad na lamang ito sa anyong linyar o sikwensyal. Napapadali at napapasimple
ang daloy ng kwento.
4. Kung gumamit ng unang panauhan (hal. Ako) ang awtor, palitan ito ng
kanyang apelyido, ng ang manunulat, o siya.

Ipinapakita nito na ang nagbubuod ay iba sa mismong sumulat o naghayag ng


orihinal na akda.
Ang paggamit na ikatlong panauhan o third person na perspektibo ay
nagpapakita rin ng pagiging obhetibo at hindi personal na mga pahayag sa buod.
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

5. Isulat ang buod

Maaaring simulan ang buod sa isang pahayag na magpapakilala sa awtor


at sa mismong akdang binubuod.

Maaari ring isama kung saan nakuha ang akda at kung kailan ito
nailimbag. Ilalahad na ang nilalaman ng teksto.
UNIVERSITY OF BOHOL SENIOR HIGH SCHOOL | S.Y. 2021-2022, FIRST SEMESTER
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

•Pagsasama ng dalawa o higit pang


buod.

•Ito ang paggawa ng koneksyon sa


pagitan ng dalawa o higit pang mga
akda o sulatin.
Nagpapaliwanag o Explanatory synthesis
▪ Isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan
ang mga bagay na tinatalakay.
▪ Ipinaliliwanag ang paksa sa pamamagitan ng paghahatid sa paksa sa kanyang mga
bahagi at inilalahad ito sa isang malinaw at maayos na pamamaraan.
▪ Gumagamit ito ng deskripsyon o mga paglalarawan na muling bumubuo sa isang bagay,
lugar, o mga pangyayari at kaganapan.

Argumentatibo o Argumentative synthesis


▪ May layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito. Sinusuportahan ang mga pananaw na
ito ng mga makatotohanang impormasyon na hango sa iba’t ibang mga sanggunian na
nailahad sa paraang lohikal.
▪Karaniwang pinupunto ng pagtalakay sa ganitong anyo ng sintesis ang katotohanan, halaga, o
kaakmahan ng mga isyu at impormasyong kaakibat ng paksa.
UNIVERSITY OF BOHOL SENIOR HIGH SCHOOL | S.Y. 2021-2022, FIRST SEMESTER
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

Background Thesis-driven Synthesis for


Synthesis Synthesis the literature
Isang uri ng sintesis na Halos katulad lang ito na • Ginagamit ito sa mga
nangangailangang background synthesis sulating pananaliksik .
pagsama-samahin ngunit nagkakaiba Kadalasang kahingian
ang mga sanligang lamang sila sa ng mga sulating
impormasyon ukol sa pagtutuon, sapagkat sa pananaliksik ang
isang paksa at ganitong uri ng sintesis pagbabalik-tanaw o
karaniwan itong hindi lamang simpleng pagrebyu sa mga
pagpapakilala at
inaayos ayon sa tema naisulat nang
paglalahad ng paksa
at hindi ayon sa literatura ukol sa
ang kailangan kung
sanggunian. hindi ang malinaw na paksa.
pag-uugnay ng mga
punto sa tesis ng sulatin.
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

1. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian


at gumagamit ng iba’t ibang estruktura ng pagpapahayag.

2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling


makikita ang mga impormasyong nagmumula sa iba’t ibang
sangguniang ginamit; at

3. Napagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda


at napalalalim nito ang pag-unawa ng nagbabasa sa mga
akdang pinag-ugnay-ugnay.
UNIVERSITY OF BOHOL SENIOR HIGH SCHOOL | S.Y. 2021-2022, FIRST SEMESTER
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

1. Linawin ang layunin sa pagsulat


Dapat masagot ang tanong na kung bakit ito
susulatin o para saan ito.

2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at


basahin nang mabuti ang mga ito
Kung malinaw ang layunin ng pagsulat ng sintesis,
magiging madali ang pagpili at paghahanap ng mga
sanggunian para mabuo ito.
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

3. Buuin ang tesis ng sulatin


Tiyakin ang tesis ng sintesis na gagawin. Ito ang
pangunahing ideya ng isusulat. Ihayag ito gamit ang
buong pangungusap. Dapat naglalaman ang tesis na ito
ng ideya ukol sa paksa at ang paninindigan ukol dito.

4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin


Maghanda ng isang balangkas na susundan sa
pagsulat ng sintesis. Ang balangkas na ito ay nakaayon sa
iba’t ibang mga teknik sa pagdebelop ng sintesis.
Paggamit ng
Pagbubuod halimbawa o Pagdadahilan
Ilustrasyon

Komparison at Strawman
Konsesyon
Kontrast Technique
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

5. Isulat ang unang burador


Gamit ang napiling teknik, isulat ang unang burador
ng sintesis. Tandaan lamang na maging pleksibol sa sarili.
Bagama’t may nakaplanong balangkas, kung
mapagtantong may mahalagang pagbabago na dapat
gawin sa balangkas ay dapat ipagpatuloy ito upang
maisama ang mga puntong nais pang matalakay.
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

6. Ilista ang mga sanggunian


Isang mahalagang kasanayan na binibigyang-
pagkilala ang ano mang akda o sino mang awtor na
pinaghanguan ng impormasyon sa ginagawang sulatin.

Karaniwang ginagamit na pormat ang MLA o Modern


Language Association at ang APA o American
Psychological Association.
FILIPINO SA PILING LARANGAN
S.Y. 2021-2022 | UNANG SEMESTRE

7. Rebisahin ang sintesis


Basahing muli ang sintesis at tukuyin ang mga
kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at
higit sa lahat ang mga kamalian sa detalye. Isulat muli ang
sintesis para maisama ang mga nakitang punto na dapat
baguhin.

8. Isulat ang pinal na sintesis

You might also like