You are on page 1of 3

BICOL COLLEGE

Senior High School Department


GABAY SA PAGTUTURO 2019-2020

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

SEKSYON: (ABM-ANTIMONY, ARSENIC, GERMANIUM) GAS-COPPER, GOLD, PLATINUM)


(Petsa: Enero 13-17, 2020)
_________________________________________________________________________________________
NILALAMAN:
 Pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng:
o Abstrak
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko
:Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong
sulatin

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakakasulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa


pananaliksik
:Nakakagawa Ng Palitang Pagkikritik (Dalwahan O Pangkatan) Ng Mga Sulatin
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga
piniling akademikong sulatan (CS₋FA11/12PB-0a-c-101)

PAMAMAHAGI NG ORAS: 4-oras


KAGAMITAN: Laptop, Papel, Libro, larawan

PAMAMARAAN ESTRATEHIYA SA PAGKATUTO

PANIMULA  Paglalahad ng kahalagahan ng pagsulat ng ibat iobang uri ng paglalagom.

PAGGANYAK o (BRAINSTORMING)
o Buoin sa limang pangkat ang mga mag-aaral, bawat pangkat ay may
tigiisang talata na kailangan nilang gawan ng presentasyon tungkol sa
nasabing salita.
o Ang mga talatang binigay ng guro ay ang mga sumusunod.
1. Pagpapanatili at pag-papaunlad ng wikang Filipino
2. Pagkakaroon ng deskriminasyon sa paaralan
3. Pagkalolong sa teknolohiya
4. Pagpapatayo ng panibagong gusali
5. Bilang ng mga maagang nabubuntis.

 Bawat pangkat ay magkakaroon ng presentasyon sa nasabing paksa,


 Mayroon lamang sila ng tatlong minuto sa pagpresenta ng kanilang ginawa.
PAGTALAKAY  Bago dumako sa bagong aralin, tatanungin muna ng guro kung anu ang
natutunan nila basi sa pinagawang gawain ng kanilang guro.

1. Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom


2. Lagom
Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o
akda.
1. Una, natututuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa
binabasa.
2. Pangalawa, kelangan matutuhang suriin ang nilalaman ng akdang binabasa.
3. Pangatlo, kelangan mahubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng lagom,
mahalagang ito ay mailahad ng malinaw, hindi maligoy, paulit- ulit.
4. Pang-apat, ito rin ay nakakatulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng
bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga
salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binubuod.
 ABSTRAK
 Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur at mga
report.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
o Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-
akademiko\
o Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak
sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na
magiging dahilan para humaba nito.
o 3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap,
huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
o . Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing
kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
o higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung
saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon
ng pag-aaral na ginawa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
 Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng
abstrak.
 Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng
sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulat, at
kongklusyon.
 Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat
bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa
kabuoan ng papel.
 Halimbawa ng abstrak na sulatin

PAGSASANAY A. Natutukoy ang mahalagang kaisipan sa binasa.

Magsaliksik ng isang napapanahong paksa at gawan ito ng abstrak, isulat sa


isang malinis na papel.

PAGPAPAYAMAN
B. Natutukoy ang kahulugan, katangian, layunin at gamit ng ibat ibang uri ng
paglalalgom.

ABSTRAK

o Kahulugan

o Katangian

o Layunin At Gamit

PAGTATAYA SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN:


1. Ano ang paglalagom?
2. Ano ang abstrak?
3. Magbigay ng limang hakbang sa pagsulat ng abstrak

INIHANDA NI, CHECKED BY; Noted by,


MR. JOSEPH C. ENCINAS Mr. Renz, Cristian B. Galindo DR. MARICAR T. MAGCALEN
SUBJECT TEACHER SUBJECT COORDINATOR SHS COORDINATOR

You might also like