You are on page 1of 32

IBA’T IBANG URI NG

PAGLALAGOM

1
PAGLALAGOM
Isang pagsulat o pag sasalaysay muli sa isang akda o narinig sa maikling
paraan na ginagamitan ng sariling pananalita.

2
HAKBANG NG PAGLALAGOM

3
01 Pakinggan o basahin
mabuti ang akda

4
Habang nakikinig o
02 nagbabasa ay itala ang
mahahalagang bahagi at
suriin ito

5
Isulat ang mga puntos sa
03 sariling pangungusap

6
Palitan ang bahagi o
pananalitang maaaring
04 magpahaba o magpawalang-
linaw sa lagom

7
Tingnan kung ayon sa orihinal
05 ang pagka sunod-sunod ng
ideya

8
Basahin
06

9
URI NG PAGLALAGOM

01
ABSTRAK

02 SYNOPSIS

03 BIONOTE

10
ABSTRAK
Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay kadalasang
bahagi ng isang tesis na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page
o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.

11
ABSTRAK
Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na “How to Write an Abstract(1997)”,
bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento
o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya,
saklaw at delimitasyon, resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat
ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

12
ABSTRAK
1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.

2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin,


mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa
manunulat.

3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o


tugon sa para sa mga mambabasa.
13
ABSTRAK
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.

5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin

6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng


pala-isipan kaugnay sa paksa

14
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSUSULAT NG ABSTRAK

15
Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng
01 mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga
detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na
makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin,

hindi maaaring maglagay ng mga


kaisipan o datos na hindi binanggit sa
ginawang pag-
aaral o sulatin.

16
02 Iwasan din ang paglalagay ng mga
statistical figures o table sa abstrak
sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para
humaba ito

17
03 Gumamit ng mga simple ,malinaw
at direktang mga pangungusap.
Huwag maging maligoy sa pagsulat
nito.

18
04 Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad
lamang ang mga pangunahing
kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito

19
04 Higit sa lahat ay gawin lamang itong
maikli ngunit komprehensibo kung
saan mauunawaan
ng babasa ang pangkalahatang
nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng
ginawa

20
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NG ABSTRAK

21
01 Basahing mabuti at pag-aralan ang
papel o akademikong sulatin na
gagawan ng Abstrak.

22
02 Hanapin at isulat ang mga
pangunahing kaisipan o ideya ng
bawat bahagi ng sulatin
mula sa introduksyon ,kaugnay na
literatura, metodolohiya resulta at
kongklusyon.

23
03 Buuin gamit ang mga talata, ang mga
pangunahing kaisipang taglay ng
bawat bahagi ng
sulatin.Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga
bahaging ito sa kabuoan ng papel

24
04 Iwasang maglagay ng ilustrasyon,
graph, table at iba pa. Maliban na
lamang kung
sagyang kinakailangan

25
05 Basahing muli ang ginawang Abstrak.
Suriin kung may nakaligtaang
mahalagang
kaisipang dapat isama rito mabuti ang
abstrak

26
05 Isulat ang pinal na sipi nito

27
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in
Psychology
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng
mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima
(35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa
Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score
ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo
sa estadong marital

28
Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na


taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na
ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining
pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at
ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-
rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa
mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang
instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa
pagkuha ng datos sa pagkukuwento.

29
Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon

Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa


ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang
kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may
taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at
pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa
pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan
sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

30
Basahin ang abstrak at suriin ang
elemento nito gamit ang matrix

1. Introduksyon/Rasyonal 2. Saklaw o delimitasyon

Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga


Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon

3. Metodolohiya 4. Resulta

31
PERFORMANCE TASK

Sumulat ng abstrak sa isang bondpaper mula sa iyong sariling pananaliksik


noong ikalawang semestre sa nagdaang taong-panuruan bilang tugon sa
pangangailangan ng asignaturang “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik”. Sundin ang mga panuntunan sa pagbuo nito.

32

You might also like