You are on page 1of 44

PAGSULAT

NG
ABSTRAK
Tuklasin Natin!

✗ Balikan ang mga bahagi ng


Pananaliksik
✗ Ayusin ito ayon sa
tamang pagkakasunod-
sunod
2
_____Paglalagom, Konklusyon, at Rekomendasyon
_____ Disenyo ng Pananaliksik
_____ Paglalahad ng Suliranin
_____ Depinisyon ng mga Katawagan
_____ Paglalahad ng Resulta
_____ Kaugnay na Literatura
_____ Kaligiran ng Pag-aaral
_____ Instrumento ng Pananaliksik
_____ Saklaw at Hangganan ng Pananaliksik
_____ Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

3
4
Mga inaasahan sa
pagtatapos ng aralin:
• makasusulat nang maayos na
akademikong sulatin
• makasusunod sa istilo at teknikal
na pangangailangan ng
akademikong sulatin

5
ABSTRAK
• Ang abstrak ay isang uri ng
lagom na karaniwang
ginagamit sapagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng
tesis, papel na siyentipiko at
teknikal, lektyur, at mga
report.
7
 Ito ay kadalasang bahagi ng
isang tesis o disertasyon
na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng
title page o pahina ng
pamagat.
8
 Ito ang naglalaman ng
pinakabuod ng buong
akdang akademiko o ulat.

9
 Ayon kay Philip Koopman,
bagamat ang abstrak ay
maikli lamang, tinataglay
nito ang mahahalagang
elemento o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng
10
introduksiyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya,
resulta, at kongklusyon. Naiiba
ito sa kongklusyon sapagkat
naglalaman ito ng pinakabuod
ng bawat bahagi ng sulatin.

11
Layunin sa Pagsulat ng Abstrak

 Natutukoy ang mahalagang


bahagi ng mga ulat at pananaliksik.
 Nagbigigay ng malinaw na larawan
ng mga nilalaman ng pananaliksik.

12
Uri ng Abstrak

 Deskriptibong Abstrak
 Impormatibong Abstrak

13
Deskriptibong Abstrak
 Maiksi lamang na uri ng sulatin.
 Kadalasang binubuo lamang ito ng isang
daan o kulang isang daan na mga salita at
walang konkretong buod o resulta ng isang
sulatin ang mababasa sa uri ng abstrak na
ito

14
Impormatibong Abstrak
 Nagtataglay ng halos lahat ng elemento ng
abstrak.
 Detalyado at malinaw ang mga
impormasyon na makikita sa babasahing ito
kaya higit na kapaki-pakinabang para sa mga
magbabasa nito.
 Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang
daan at limampung salita o higit pa.
15
Mga
Katangian:

16
 Binubuo ng 200-250 na salita.
 Gumagamit ng mga simpleng
pangungusap.
 Walang impormasyong hindi
nabanggit sa papel.
 Nauunawaan ng target na
mambabasa.
17
Mga Dapat Tandaan
sa Pagsulat ng
Abstrak

18
1. Bilang bahagi ng alituntunin ng
pagsulat ng mga akdang pang-
akademiko, lahat ng mga detalye
o kaisipang ilalagay rito ay dapat
na makikita sa kabuoan ng papel;
ibig sabihin hindi maaaring
maglagay ng mga kaisipan o
datos na hindi binanggit sa
sulatin.
19
2. Iwasan din ang paglalagay ng
mga statistical figures o table
sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag
na magiging dahilan para
humaba ito.

20
3. Gumamit ng simple, malinaw,
at direktang mga
pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsusulat nito.

21
4. Maging obhetibo sa pagsulat.
Ilahad lamang ang mga
pangunahing kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito.

22
5. Higit sa lahat ay gawin lamang
itong maikli ngunit
komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at
nilalayon ng pag-aaral na
ginawa.
23
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Abstrak

24
1. Basahing mabuti at pag-
aralan ang papel o
akademikong sulatin na
gagawan ng abstrak.

25
2. Hanapin at isulat ang mga
pangunahing kaisipan o
ideya ng bawat bahagi ng
sulatin mula sa
introduksiyon, kaugnay na
literatura, metodolohiya,
resulta at kongklusyon.
26
3. Buoin, gamit ang mga talata,
ang mga pangunahing
kaisipang taglay ng bawat
bahagi ng sulatin. Isulat ito
ayon sa pagkakasunod-sunod
ng mga bahaging ito sa
kabuoan ng papel.
27
4. Iwasang maglagay ng mga
ilustrasyon, graph, table,
at iba pa maliban na lamang
kung sadyang kinakailangan.

28
5. Basahing muli ang ginawang
abstrak. Suriin kung may
nakaligtaang mahahalagang
kaisipang dapat isama rito.

29
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

30
Abstrak (Halimbawa)
Ang awiting-bayan ay laganap sa bawat pangkat-
etniko sa buong Pilipinas. Sakanilang mga awiting-
bayan nasasalamin ang kanilang kultura’t tradisyon.
Isa ang mga Gaddang sa mga pangkat-etniko sa
Lambak ng Cagayan na may mayamang awiting-bayan.
Ang mga katutubong ito ay namamalagi sa mga bayan
ng Bayombong, Bagabag, at Solano sa lalawigan ng
Nueva Vizcaya (Journal of Northern Luzon, 1986).
31
Sa patuloy na pag-unlad ng mga nasabing
bayan at dahil na rin sapagpasok ng mga
makabagong teknolohiya sa larangan ng musika,
unti-unti nang hindi naririnig at inaawit ang mga
awiting-bayan ng mga katutubong Gaddang ng
Brgy. Roxas. Naging layunin ng pag-aaral na ito
ang pagtukoy at pagsukat sa antas ng kaalaman
ng mga katutubong Gaddang Brgy. Roxas sa
kanilang awiting-bayan.
32
Ginamit sa pagtukoy sa antas ng kaalaman ang
edad, kasarian, at bilang ng taong naninirahan
sa lugar bilang variables upang tukuyin kung
may kinalaman ang mga
ito sa antas ng kanilang kaalaman. Lumabas sa
pag-aaral na ito na ang edad ay isang
salik sa kanilang kaalaman na kung saan mas
matanda, mas mataas ang antas ng
kaalaman hinggil sa kanilang awiting-bayan.
33
Mas bata, mas kakaunti ang nalalaman hinggil
sa kanilang awiting- bayan. Natukoy rin ng
pag-aaral na ang kasarian ay walang kinalaman
sa pagtukoy ng antas ng kaalaman. Ang taon
ng paninirahan ay isang salik din sa pagtukoy
ng antas ng kaalaman. Kapag mas mahabang
paninirahan sa lugar, mas mataas ang antas ng
kaalaman hinggil sa awiting-bayang Gaddang.
34
Dahil dito, nangangailangan lamang na
magkaroon ng mga paraan at gawain na
magpapataas sa antas ng kaalaman hinggil sa
mga awiting bayan upang mapaunlad pa ang
mga ito.
Keywords: Antas ng Kaalaman, Gaddang, Awiting-Bayan
Sanggunian: Tamani, Reinmark J.Latugan, Edelyn P.,“Antas ng
Kaalaman ng mga Katutubong Gaddang Hinggil saKanilang mga
Awiting Bayan,” Isang Tesis, St. Mary’s University.2012.

35
36
37
38
39
40
41
Sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong:
1. Tungkol saan ang mga
halimbawa ng abstrak?
2. Bukod sa nilalaman, ano
ang ipinagkaiba ng
dalawang abstrak.
3. Alin sa dalawa ang higit
mong nauunawaan?
Ipaliwanag ang iyong
sagot.
42
43
Maraming
Salamat!

44

You might also like