You are on page 1of 2

Zulueta, Ashalie S.

Petsa: Setyembre 29, 2022


Grade 12 Portfolio No. 1
St. Raguel the Archangel Akademikong Sulatin

ABSTRAK

AKADEMIKONG Ang Akademikong Pagsulat ay isang uri ng lagom na karaniwang


SULATIN ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay
kadalasang bahgi ng tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
Naglalaman din ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o
sulat.
LAYUNIN Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga
akademikong papel.
GAMIT Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel
para sa tesis,papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
ANYO Ito rin ay may dalawang anyo, o porma – Deskriptibong Abstrak at
Impormatibong Abstrak.

Deskriptibong Abstrak
 Inilalarawan sa mga mambabasa ang mga
pangunahing ideya ng akademikong papel.
 Nakapaloob rin dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng
papel

Impormatibong Abstrak
 Inilalarwan sa mga mambabasa ang mahahalagang
ideya ng papel.
 Ito ay mas maikili at kadalasang 10% lamang ng
haba ng buong papel.
 Bukod rito, nasa isang talata lamang ang mga ito.
 Ito rin ay bumubuod sa kaligiran, layunin,
metodolohiya, at resultang ginamit sa pag kuha ng
datos tungkol sa nasulat na papel.

KATANGIAN  May 200 hanggang 250 na salita at naka dobleng


espasyo.
 Ginagamitan ng mga simpleng pangungusap na
malinaw at direkta.
 Nabanggit ang impormasyon sa papel. Hindi
maaring maglagay ka ng mga detalye na hindi
nabanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
 Madaling maunawaan at makuha ng mambabasa
ang target. Huwag magpaligoy-ligoy at gawing maikli
pero komprehensibo para mapaintindi sa nagbabasa
ang naging takbo, bunga at resulta ng ginawang
pananaliksik.
 Iwasang isulat ang iyong sariling opinyon at iwasang
maglagay ng statistical figures.
 Maging obhetibo at isulat lamang ang mga
pangunahing kaisipan. Hindi mo kailangang
ipaliwanag ang lahat.
2. Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng akademikong sulatin?

Ang kahalagahan, kalikasan, at katangian—partikular na ng akademikong sulatin—ay talaga namang napaka-


importante na pag-aaral nang maiigi at matutunan. Sapagkat, sa paraan ng pagsusulat ay nagkakaroon tayo
ng oportunidad na maipahayag natin ang ating mga saloobin at reaksyon tungkol sa mga bagay-bagay. Lalo
na kung pang-akademiko an gating magiging lathalain, ay tiyak na makakatulong ito upang maipakalat ang
mga akademikong impormasyon na kinakailangan.

Ginagamit ang akademikong pagsusulat sa paaralan, unibersidad, at maging sa trabaho. Pero ang tulong na
dulot ng akademikong sulatin ay hindi lamang limitado sa mga nabanggit na lugar, sapagkat may mga
mamamayan na interesado rin sa mga paksang naisusulat.

Abstrak Hinggil sa Pagpapatupad ng K-12

Ang K-12 Basic Education Program na naglalayong solusyonan ang problema sa kalidad ng edukasyon sa
bansa at gawing globally competitive ang mga Pilipino. Napapalibutan ng sari-saring kontrobersiya ang
implementasyon nito; napakaraming personalidad at grupo ang nais manaig ang saloobin. Sa gitna ng mga ito,
tila hindi masyadong nabibigyan ng pagkakataon ang mga gurong makilahok sa proseso ng pagpapasya
tungkol sa pagpapalit ng kurikulum, sa proseso mismo ng pagpapalit ng kurikulum, at sa mga nilalaman ng
asignatura. Kung kaya naman ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay alamin kung para sa mga
guro ay kailangan nga bang talaga ng Pilipinas ang K-12 upang maiangat ang kalidad ng edukasyon ng bansa.
Inalam ng mananaliksik kung anon ga bang talaga ang pagkakaiba ng K-12 sa mga nagdaang kurikulum,
bukod pa sa mas mahabang panahong gugugulin sap ag-aaral ng mga estudyante. At panghuli, inalam rin ng
mananaliksik kung ano nga ba ang taagang magiging epekto o kung makakaapekto ba ang naturang
programa sa kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Lumabas sap ag-aaral na para sa mga pampublikong guro,
hindi kailangan ang K-12 upang masolusyonan ang problema sa kalidad ng edukasyon dahil na rin sa iba’t
ibang dahilan katulad ng kakulangan nito sa kahandaan at hindi pa napapanahong implementasyon.

BIBLIOGRAPIYA:

 https://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html?
m=1&fbclid=IwAR0BtcT5IACSW5yT8NbFq_qLIoC2k7NJi5HHG8T3Zt7dtoJqVQGMJt9ca_Y
 https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-akademikong-
sulatin/?fbclid=IwAR0tU7C50uDWROXHWRSHfSkOjAflDmuJgGhykHA2GjSRLNhFHQr4LVe9zBQ
 https://philnews.ph/2020/09/05/porma-ng-abstrak-na-sulatin-paliwanag-at-iba-pa/?
fbclid=IwAR1kz9PmY4j6pWV4XX2G_MavCXwUH_liZCA8XMHJGgchmUeYPzfQSkK3vi0
 https://www.panitikan.com.ph/bakit-mahalagang-matutunan-ang-kahalagahan-kalikasan-at-katangian-
ng-akademikong-sulatin?fbclid=IwAR16m9KmTwFJDNATpWxg-tHRYjmZ6kPu_UdvdM-mRdvU2eEGl-
Wj5n05t6o
 http://cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/526?show=full

You might also like