You are on page 1of 2

ABSTRAK

KAHULUGAN
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito
ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

LAYUNIN
Ang mga layunin ng abstrak ay:
● Ipaalam sa mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan Nila sa
pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat.
● Nagbibigay ng malinaw na larawan ng mga nilalaman ng pananaliksik

KATANGIAN
Ang mga katangian ng isang abstrak ay ang mga sumusunod:
● May 200 hanggang 250 na salita at naka dobleng espasyo.
● Ginagamitan ng mga simpleng pangungusap na malinaw at direkta.
● Nabanggit ang impormasyon sa papel. Hindi maaring maglagay ka ng mga
detalye na hindi nabanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
● Madaling maunawaan at makuha ng mambabasa ang target. Huwag
magpaligoy-ligoy at gawing maikli pero komprehensibo para mapaintindi sa
nagbabasa ang naging takbo, bunga at resulta ng ginawang pananaliksik.
● Iwasang isulat ang iyong sariling opinyon at iwasang maglagay ng statistical
figures.
● Maging obhetibo at isulat lamang ang mga pangunahing kaisipan. Hindi mo
kailangang ipaliwanag ang lahat.

GAMIT
Ang abstrak ay isang maikling pahayag tungkol sa iyong papel na idinisenyo upang
bigyan ang mambabasa ng kumpletong (ngunit maikli) pag-unawa sa pananaliksik at mga
natuklasan ng iyong papel. Ito ay isang mini-bersyon ng iyong papel. Inilalagay ang abstrak
sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng anumang
akademikong papel.

ANYO
Mayroong tatlong anyo o uri ang isang abstrak. Ito ang mga sumusunod:
● Impormatibong Abstrak - Ito ay nagbibigay-alam sa mga mambabasa at
nagbibigay ng pangunahing impormasyon mula sa bawat seksyon ng ulat.
Hindi ito kasing haba ng kritikal na abstrak o kasing ikli ng deskriptibong
abstrak (malapit sa 200 na salita).
● Deskriptibong Abstrak - Ito ay nagbibigay ng paglalarawan sa pangunahing
paksa at layunin, kasama na ang pangkalahatang ideya ng mga nilalaman.
Naglalaman ng suliranin ,layunin,metodolohiyang ginamit at saklaw sa ng
pananaliksik ngunit hindi tinatalakay ang resulta konklusyon at
rekomendasyon sa pag-aaral.
● Kritikal na Abstrak - Ito ay nagbibigay ng mga karagdagang paglalarawan
ng mga natuklasan o mga impormasyon. Pinakamabahabang uri ng abstrak
sapagakat halos kagaya na rin ito ng rebyu.

TARGET NA GAGAMIT
● Mga mananaliksik - upang mapaikli ang buod ng kanilang sinasaliksik na paksa kung
saan completo ang detalye at makapagbibigay ng kabuuang ideya.
● Estudyante - upang mapaikli ang buod na kanilang sinulat na kung saan kumpleto
ang ideya ng paksa
● Guro - upang mapaikli ang impormasyong kanilang tatalakayin o babasahin na kung
saan kumpleto ang kabuuang ideya.

You might also like