You are on page 1of 9

Abstrak

Prepared by: Group 1-HUMSS Vll


Ano ang abstrak?
Ang Abstrak, mula sa Latin na
abstracum, ay ang maikling buod ng artikulo
o ulat na inilalagay bago ang introduksyon.
Ito ang siksik na bersiyon ng mismong
papel. Ito din ay kabuuang nilalaman ng
papel , nandito ang pangunahing kaisipan
ng bawat kabanata sa pananaliksik at
binubuo ito ng 100 hanggang 300 daang
salita.
2
Ayon kay Philip Koopman (1997) ,
bagamat ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay ang mahalagang
elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng introduksyon,
mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.

3
Mga katangian ng Abstrak:
- Buod ng nilalaman ng isang sulatin o
pananaliksik
- Pormal ang tono
- Naglalaman ng pinakamahalagang
punto ng pananaliksik
- Nakabatay ang pagsulat nito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng saliksik
- Nakasulat at hindi opinion lamang ng
may-akda tungkol sa pananaliksik

4
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak:

Basahin muli ang buong papel.


Habang nagbabasa, isaalang-alang ang
gagawing abstrak. Hanapin ang mga
bahaging ito: Layunin, pamamaraan,
sakop, resulta, kongklusyon,
rekomendasyon , o iba pang bahaging
kailangan sa uri ng abstrak na isusulat.

5
Dalawang uri ng Abstrak:

DESKRIPTIBONG ABSTRAK
-Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga
pangunahing ideya ng papel.
-Nakapaloob dito ang kaligiran , layunin, at
tuon ng papel o artikulo.
-Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel
sa humanedades at agham panlipunan, at sa
mga sanaysay sa sikolohiya.

6
IMPORMATIBONG ABSTRAK
-Ipinapahayag nito sa mga mambabasa ang
mahahalagang ideya ng papel.
-Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon,
metodolohiya, resulta at konklusyon ng
papel.
-Maikli ito, karaniwang 10% ang haba ng
buong papel at isang talata lamang.
-Mas karaniwan itong ginagamit sa
larangan ng agham at inhinyeriya o sa ulat
ng mga pag-aaral sa sikolohiya.
7
Mga Dapat tandaan:
-Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa
kabuoan ng papel ; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga
kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginagawang pag-aaral o sulatin.
-Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan
para humaba ito.
-Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.
-Dapat itong naka dobleng espasyo
-Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag
maging maligoy sa pagsulat nito.
-Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing
kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
-Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang kahulugan.
8
Thankyou!
9

You might also like