You are on page 1of 7

ABSTRAK

CHRISHA MABAWAD
Ano nga ba ang abstrak?

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng


mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at
mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa
unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman
din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang,
tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng
Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.
Uri ng Abstrak:

 Deskriptibong Abstrak
-Nilalarawan sa nga mambabasa ang
oangunahing ideya ng papel.

 Impormatibong Abstrak
-Ipinahahayag sa mga mababasa ang
mahagalagang ideya ng papel.
Ang mga nilalaman ng Abstrak:

Rationale
Saklaw at Delimitasyon
Resulta at Konklusyon
Bakit mahalaga ang Abstrak?

Dahil ang abstract ay bahagi ng isang research


paper na naglalaman ng summary o overview ng
ginawang pag-aaral, mahalagang basahin at unawain
ang buong research paper bago simulan ang pagsulat
nito.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Abstrak:

 Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng


papel.
 Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak.
 Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.
 Dapat ito ay naka dobleng espasyo.
 Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap.
 Maging obhetibo sa pagsulat.
 Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo
Abstrak

 Katangian
Ang abstrak ay hindi masyadong mahaba, dapat na hindi lalagpas sa 500
words ang isang abstrak. Isa rin itong organisado ayon sa pagkakasunod- sunod ng
nilalaman.
 Layunin:
Layunin ng abstrak na mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong
papel gaya laman ng thesis/pananaliksik o journals.
 Gamit
Ito ay ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel
siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.

You might also like