You are on page 1of 1

Abstrak

Tagapag-ulat : Josiebella Marie Abueva

Pesta :

Ang abstrak ay Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagaulat Ng mga akademikong papel
tulad Ng tesis , papel na siyentipiko , lektyur , at mga report. Ito ay kadalasang bahagi Ng tesis o
disertasyon na makikita sa unahan Ng pananaliksik pagkatapos Ng title page o pahina Ng pamagat. Ito
ang naglalaman Ng pinakabuod Ng buong akdang akademiko o ulat. Ayon Kay Philip Koopman sa
kanyang aklat na How to Write an Abstract , bagama't ang abstrak ay maikli lamang , tinataglay nito ang
mahahalagang elemento o bahagi Ng sulating akademiko tulad Ng introuksiyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulata, at kongklusyon. Naiiba ito sa kongklusyon. Naiiba ito sa kongklusyon
sapagkat ito ay naglalaman Ng pinakabuod Ng bawat bahagi Ng sulatin o ulat.

Mga Dapat Tandaan sa Pagaulat Ng Abstrak

1. Bilang bahagi Ng alituntunin Ng pagaulat Ng mga akdang pang- akademiko, lahat Ng mga detalye o
kaisipang ilalagy rito ay dapat na makikita sa kabuoan Ng papel ; ibig sabihin , hindi maaaring maglagay
Ng mga kaisipan o datos na Hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.

2. Iwasan din ang paglalagay Ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat Hindi ito
nangangailangan Ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

3. Gumamit Ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pag
sulat nito.

4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at Hindi dapat ipaliwanag
ang mga ito.

5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawan Ng babasa
ang pangkahalatang nilalaman at nilalayon Ng pag-aaral na ginawa.

You might also like