You are on page 1of 18

Gaano Ka kahalaga?

1 2 3 4 5
ABSTRAK AT
SINTESIS/BUOD
Abstrak

Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang


ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at
teknikal, lektyur, at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon
na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng pahina ng
pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng
buong akdang akademiko o ulat.
Bagamat ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay ang
mahalagang elemento o bahagi
ng sulating akademiko tulad ng
introduksyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya,
resulta at konklusyon.
Mga Uri ng Abstrak na Sulatin
Impormatibo
naglalaman ng halos lahat ng
impormasyon na matatagpuan sa loob ng
pananaliksik. Ito ay maari ding magbigay-
ebalwasyon sa kabuluhan, kasapatan, at
tumpak na pananaliksik. Ito ay binubuo
ng mahigit kumulang sa 200 na salita.
Mga Uri ng Abstrak na Sulatin
Ang impormatibong abstrak ay nagtataglay ng:
Motibasyon – Ipinapakita ang kabuluhan at
kahalagahan ng pananaliksik.
Suliranin – Sentral na suliranin o tanong ng
pananaliksik.
Pagdulog at pamamaraan – Maikling
paliwanag sa metodolohiya ng pagaaral.
Kongklusyon – Implikasyon ng pananaliksik
batay sa natuklasan.
Mga Uri ng Abstrak na Sulatin
Deskriptibo
naglalaman ng suliranin at layunin ng
pananaliksik, metodolohiyang ginamit at
saklaw ng pananaliksik ngunit hindi
tinatalakay ang resulta, konklusyon at
mga naging rekomendasyon. Ito ay mas
maikli at nasa mahigit kumulang 100 salita
lamang.
Mga Uri ng Abstrak na Sulatin

Kritikal
ay parang isang rebyu sa nilalaman
ng sulatin at ito rin ang
pinakamahaba.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Abstrak
Ang lahat ng kaisipan at detalye na isusulat
ay nakabatay at makikita sa papel, hindi
maaring maglagay ng mga kaisipan o datos
na hindi binabanggit sa ginawang pag-aaral
o papel.
Hindi inirerekomenda ang paggamit ng
mga statistical figures o table sa abstrak
dahil hindi kailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Abstrak
Gumamit ng mga simple, malinaw, at
direktang mga pangungusap. Huwag
maging maligoy sa pagsulat nito.
Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad
lamang ang mga pangunahing kaisipan at
hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit
komprehensibo kung saan mauunawaan ng
babasa
Sintesis o Buod
Ito ay isang uri ng lagom na kalimitang
ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo
tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula,
parabula, talumpati, at iba pang anyo ng
panitikan.
Maaaring itong buoin ng isa o higit o maging
ng ilang pangungusap lamang.
Tandaan
Sa pagbuo ng sintesis, mahalagang
maibuod ang nilalaman ng binasang
akda gamit ang
sariling salita. Ang layunin nito ay
makapagbigay ng pinaiksing
bersyon ng orihinal na teksto at
malinaw na pagpapakaunawa ng
paksa
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG SINTESIS
Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat
nito.
Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng
orihinal na sipi.
Kailangang mailahad o maisama rito ang
mga pangunahing tauhan maging ang mga
gampanin at mga suliraning kanilang
hinaharap.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG SINTESIS
Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa
paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong
binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay
binubuo ng dalawa o higit pang talata.
Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at
mga bantas na ginamit sa pagsulat.
Huwag kalimutang isulat ang sangguniang
ginamit kung saan hinango o kinuha ang
orihinal na sipi ng akda.
Paraan ng Pagsulat ng Buod o Sintesis
Basahin ang buong seleksiyon o akda
at unawaing mabuti hanggang makuha
ang buong kaisipan o paksa ng diwa
nito.
Suriin at hanapin ang pangunahin at
di pangunahing kaisipan.
Habang nagbabasa, magtala at kung
maaari ay magbalangkas
Paraan ng Pagsulat ng Buod o Sintesis
Isulat sa sariling pangungusap at huwag
lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro
ang isinusulat.
Ihanay ang ideya ayon sa orihinal.
Basahin ang unang ginawa, suriin, at
kung mapaikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong
magiging mabisa ang isinulat na buod
Salamat po

You might also like