You are on page 1of 2

IKALAWANG LINGGO

Aralin 2: Abstrak at Sintesis o Buod


Pagkatapos ng Aralin ay naisasakutuparan ko ang mga sumusunod na layunin:
1. Natutukoy ang mga uri ng abstrak.
2. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko.

Abstrak

Ito ay isang uri ng isang lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis , papel na siyentipiko
at teknikal, lektyur at mga report. Karaniwan din itong nakikita sa unang bahagi ng tesis o disertasyon pagkatapos ng pamagat.

Ayon kay Philip Koopman, bagamat ang abstrak ay maikli lamang tinataglay naman nito ang mahalagang elemento o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

Uri ng Abstrak
1. DESKRIPTIBONG ABSTRAK-

 Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel.


 Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel.
2. IMPORMATIBONG ABSTRAK-

 Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.


 Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

 Basahing mabuti at pag-arala ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.


 Hanapin at isulat mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literatura, resulta
at konklusyon.
 Buoin gamit ang talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulati ito ayon sa pagkakasunod-sunod
ng mga bahaging ito sa kabuoan ng mga papel.
 Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, grap, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.
 Basahing muli ang ang ginawang abstrak Suriin kung may nakaligtaang dapat isama rito.
 sulat ang pinal na sipi nito.

Mga Katangian ng Abstrak

1. Binubuo ng 200-250 na salita.


2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
4. Nauunawaan ng target na mambabasa.
\
IKALAWANG LINGGO
Sintesis o Buod
Ito ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula,
parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. Ito rin ay maaaring buoin ng isa o higit o maging ng ilang pangungusap lamang.

Uri ng Sintesis
1. Background Synthesis – ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga saligang impormasiyon ukol
sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

2. Thesis-driven Synthesis – halos katulad lamang ito sa ng background synthesis ngunit nag kakaiba lamang sila sa pagtutuon,
sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang
malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

3. Synthesis for the Literature – ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang
pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature ukol sa paksa. Karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga
sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Linawin ang layunin

Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito.

Buuin ang tesis na sulatin

Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatain

Isulat ang unang burador

Ilista ang mga sanggunian

Rebisahin ang sintesis


Isulat ang pinal na tesis

You might also like