You are on page 1of 1

Talakayan paksa week 5 hanggang 6

Ang paglalagom ay ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig na maikling paraan
na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa
nito. Ito ay hindi nagtataglay ng pansariling opinyon.

Hakbang sa paglalagom
1. Habang nakikinig o nagbabasa ay itala ang mahahalagang bahagi at suriin ito.
2. Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng pansariling
opinyon.
3. Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpahaba o magpawalang linaw sa lagom.
4. Tingnan kung ayon sa orhinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
5. Basahing muli upang lalo pang maiklian.
Mga uri ng Paglalagom:

1. Abstrak
2. Synopsis/buod
3. Bionote

Abstrak ay isang uri ng lagom na karanaiwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel.
Madalas itong makikita sa unahan ng pananalisik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat
at kadalasang bahagi ng isang tesis.
Ayon kay Koopman 1997 – sa kanyang aklat na “ how to write abstract “ ay maikli lamang
nagtataglay ng mahahalagang element o bahagi ng sulating akademiko tulad intrudusyon
Synopsis/ buod ay isang uri ng lagom na kalimitng ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kuwento ,parabola at nobela at iba pang anyo ng panitikan
Bionote – maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamita sa personal profile ng isang tao

You might also like