You are on page 1of 4

PAGSULAT NG IBAT’ IBANG URI NG BUOD

Pagsulat ng Iba’t ibang Uri ng Paglalagom


 Ang lagom ay ang pinasimple ay pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
 Mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto.

Kasanayang Nahuhubog Habang Nagsasagawa ng Paglalagom

1. Natututuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binasa.


2. Natututuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kaniyang binabasa.
3. Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat, particular ang tamang paghabi
ng mga pangungusap sa talata.
4. Ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa
pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng
tekstong binubuod.
Pagsulat ng Abstrak
 Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away o
extract from (Harper 2016).
 Sa modernong panahon at pag-aaral, ginagamit ang abstrak bilang buod ng mga
akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral.
 Ito ay naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit, resulta, at
kongklusyon (Koopman 1997).
 Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
 Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng


mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig
sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa
ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi
ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para
humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na
ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng


abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin
mula sa introduksiyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi
ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng
papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung
sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang
kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.
Pagsulat ng Sintesis

Sintesis (Synthesis)

 Ang sintesis ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa ingles ay
put together combine (Harper 2016).
 Ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya
upang mabuod ang napakahabang libro sa sandaling panahon lamang.
Narito ang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng sintesis

1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na
nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.
2. Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil
maisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto.
3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.
 Sekwensiyal – pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na
ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad
ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa.
 Kronolohikal – pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang
detalye ayon sa pangyayari.
 Prosidyural – pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.
4. Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at wakas.
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong
pagsulat.

Pagsulat ng Sinopsis/Buod

Sinopsis/Buod

 Ang synopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang
anyo ng panitikan.
 Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap
lamang.
 Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa
sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
 Mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod
sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod

1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.


2. Isulat ito batay sat ono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot, dapat na nararamdaman din ito sa buod na gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pagnunahing tauhan maging ang
kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong
binubuod lalo na kung ang synopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang
talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang
orihinal na sipi ng akda.

Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod

1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang
buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang
isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan
ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

You might also like