You are on page 1of 20

R EP LE K T I BO NG

SAN A Y S AY
Ano ba ang SANAYSAY?
SANAYSAY

•Ang salitang sanaysay ay hango sa


salitang pranses na ESSAYER na ang
ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkilikin”.
Ayon kay Francis Bacon, ang
sanaysay ay isang kasangkapan
upang isatinig ang maikling
pagbubulay-bulay at komentaryo sa
buhay.
Ayon kay Alejandro Abadilla, ang salitang
sanaysay ay nangangahulugang
nakasulat na karanasan ng isang sanay
sa pagsasalaysay. Ito’y isang akdang
pampanitikang nasa anyong paglalahad.
SANAYSAY
•Ay isang Akademikong sulatin na
nagsasaad ng sariling damdamin, kuro-
kuro o kaisipan ng isang manunulat
kaugnay ng kanyang nakikita o
naoobserbahan.
Ano ba ang
REPLEKTIBONG
SANAYSAY?
•Ito ay pumapaksa sa mga
pangkaraniwang isyu, pangyayari o
karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang
pag-aaral.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
•Kinapapalooban ito ng bahagi ng mga
bagay na naiisip, naramdaman, pananaw
at damdamin hinggil sa isang paksa at
kung paano ito makalilikha ng epekto sa
taong sumusulat nito.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
•Ayon naman kay Michael Stratford, ang
replektibong sanaysay ay isa sa mga
tiyak na uri ng sanaysay na may
kinalaman sa introspeksyon ng
pagsasanay.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
•Ayon naman kay Kori Morgan, ang
replektibong sanaysay ay nagpapakita ng
personal na paglago ng isang tao mula sa
isang mahalagang karanasan o
pangyayari.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
•Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na
iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
•Isulat ito gamit ang unang panauhan ng
panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga
panghalip na ako, ko, at akin sapagkat ito ay
kadalasang nakasalig sa personal na karanasan.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
•Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na
karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o
patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o
katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na
maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
•Gumagamitng mga pormal na salita sa pagsulat nito.
Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
•Gumagamit ng tekstong naglalahad sa
pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling
maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag
ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid
ang mensahe sa mga babasa.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
•Sundin ang tamang istruktura o mga bahagi
sa pagsulat ng sanaysay, introduksiyon,
katawan at kongklusyon.
•Gawing lohikal at organisado ang
pagkakasulat ng mga talata.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
•Sundin ang tamang istruktura o mga bahagi
sa pagsulat ng sanaysay, introduksiyon,
katawan at kongklusyon.
•Gawing lohikal at organisado ang
pagkakasulat ng mga talata.
MGA BAHAGI NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY
1. PANIMULA: ang panimula ay sinisimulan sa
pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o
gawain. Maaaring ipahayag ng tuwiran o di tuwiran
ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay
mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng
buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.
2. KATAWAN: katulad sa maikling kwento ang bahaging ito
ay binibigyang-halaga ang maigting na damdamin sa
pangyayari. Ito ay naglalaman ng maikling bahagi ng
salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan.
Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng
mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran at
sistema.
3. KONGKLUSYON: sa pagtatapos ng isang
replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang
kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng
manunulat ang punto at kahalagahan ng
isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga
pananaw niiya rito. Dito rin niya masasabi kung ano
ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng
katauhan at kaalaman para sa lahat.
TANDAAN…

•Ang Replektibong Sanaysay ay isang


personal na pagtataya tungkol sa isang
paksa na maaring makapagdulot ng epekto
sa iyong buhay o sa mga taong makakabasa
nito.

You might also like