You are on page 1of 39

MODYUL 4

Agenda
 Talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang
pagpupulong .
 Ang agenda ng pagpupulong ay mahalagang
bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng
pulong dahil nililinaw nito ang layunin,
detalye ng mga paksang tatalakayin , mga
mangunguna sa pagtalakay, at ang haba ng
bawat isa.
Agenda

 mag-etika o eskedyul na listahan ng


mga gawain ayon sa pagkakasunod-
sunod nito.
 Tumutulong din ito sa pagbibigay ng
talaan ng malinaw na hanay ng mga
paksa , mga layunin, at takdang oras
na kailangang talakayin.
Ang mga halimbawa ng agenda ay:
 Pagpaplano ng isang kompanya na mapaunlad ang
kanilang negosyo.
 Pagpaplano ng isang eskwelahan kung paano dadami ang
estudyante.
 Pagpaplano ng isang grupo ng estudyante kung paano
tatapusin ang kanilang pananaliksik.
 Pagpaplano ng isang pamilya kung paano uunlad ang
kanilang buhay.
 Pagpaplano ng isang grupo ng kabataan kung paano ang
mangyayari sa gaganaping pagkikita.
Paglikha ng Agenda

1. Sabihan ang
mga dapat
dumalo.
Paglikha ng Agenda
2. Buuin ang mga
agenda na naglalaman
ng mga tatalakaying
paksa at ang mga
mangunguna.
3. Ipakita sa mga
nangunguna kung
sinang-ayunan nila
ang nabuong
agenda.
4. Tingnan mabuti
kung nangangailangan
pa ng pagwawasto
ang nabuong agenda.
5. Ipamigay ang
agenda sa mga
dadalo
BAHAGI NG AGENDA
I. Introduksyon
II. Pagtala ng Bilang ng dumalo
III. Pagpresenta at pagtalakay sa
adyenda
IV. Karagdagang impormasyon
V. Pangwakas na salita
Epekto ng Hindi Paghahanda ng
Adgenda
- Nawawala sa pokus ang mga kalahok, na
nagdudulot sa tila walang katapusang
pagpupulong (na madalas ay wala naman
talagang nangyayari)
- Tumatagal ang pagpupulong at nasasayang
lamang ang panahon ng mga kalahok
- Umuunti ang bilang ng dumadalo sa
pagpupulong
Layunin ng Adgenda:
Bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga
paksang tatalakayin at sa mga usaping
nangangailangan ng atensiyon.

Mahalaga Ideya!
Ang agenda ay parang mapa. Nagsisilbi itong
gabay na nagbibigay ng malinaw na direksiyon
kung paano mararating nang mabilis ang
patutunguhan.
KATITIKAN
NG PULONG
Minutes of Meeting
Katitikan ng Pulong
 Ginagawa ng kalihim o reporter sa korte.
 Maaaring video recorded
 Maikli at tuwiran kaya’t maaaring lagom lamang
ng talakayan at mga desisyong napagkaisahan.
Nagsisimula sa pangalan ng samahang
magsasagawa ng pulong, lugar, petsa, talaan ng
mga taong dumalo, at ang oras ng pagsisimula ng
tagapanguna sa pulong.
Katangian ng Katitikan ng Pulong
 Ito ay dapat na organisado ayon sa
pagkakasunud-sunod ng mga puntong
napag-usapan at makatotohanan
 Ito ay dokumentong nagtatala ng
mahahalagang diskusyon at desisyon.
 Dapat ibinabatay sa agendang unang
inihanda ng tagapangulo o pinuno ng
lupon.
 Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda
ng tagapangulo o pinuno ng lupon
 Maaaring gawin ito ng kalihim (secretary),
typist, o reporter sa korte
 Dapat ding maikli at tuwiran ito. Dapat walang
paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa
dokumento, at hindi madrama na parang
ginawa ng nobela.
 Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi
kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan

 Lumikha ng isang template upang


mapadali ang pagsulat.
 Basahin na ang inihandang agenda
upang madali na lamang sundan ang
magiging daloy ng mismong pulong.
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan

 Itala ang mga aksyon habang nangyayari ang


mga ito , hindi pagkatapos.
 Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at
sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon
 Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng
mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang
bawat sasabihin ng kalahok.
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan

 Kung may mga bagay na hindi naiintindihan , lapitan


pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba
pang dumalo
 Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina
ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o
pagsusuri sa susunod na pulong.
 Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos
ang pinal na kopya. Magtabo ng kopya sakaling may
humiling na repasuhin ito sa hinaharap.
Tandaan:
Hindi
 basta lang ang
paggawa ng katitikan.
Mataman itong nirerepaso at
paulit-ulit na binabasa
Reference:https://www.smartsheet.com/free-meeting-minutes-templates-microsoft-word
Reference:https://www.smartsheet.com/free-meeting-minutes-templates-microsoft-word
Reference:https://www.smartsheet.com/free-meeting-minutes-templates-microsoft-word
Panukalang Proyekto

 pagpapahayag ng mga dahilan sa


pagsasagawa ng proyekto at ang
mga layunin nito
Ang Kaligiran ng Proyekto
 Ipaliwanag kung anong pangangailangan o
problema ang ibig mong bigyan ng kalutasan
gamit ang proyektoat bakit ito karapat –dapat
dito.
 Kailangang bigyan ngmaikling kaligiran at
kasaysayan
 Hindi kailangang humigit sa isang pahina
 Isama ang reperensya sa proyekto ng mga papel-
pananaliksik sa artikulo
Mga Layunin ng Proyekto
 Ilahad ang mga mithiing ibig matamo
 Ilista ang pangunahing layunin ng
proyekto batay sa ibinigay na kaligiran
 Isama ang ikalwa at ikatlong layunin
ng proyekto
Metodolohiya ng Proyekto
 Ang seksyong ito ay nagbibigay ng detalye sa kung
paano matatamo ang layunin.
 Madalas na nagsisimula sa paglalarawan ng
pangkalahatang lapit.
 Nagbibigay larawan sa metodolohiya , sa
populasyong gagamitin , at kung paano haharapin
ang mga inaasahang suliranin
Metodolohiya ng Proyekto
Ang mga inaasahang suliranin:
1. Ang Lagom ng lapit sa Proyekto
- maikling talata o bullet points na
pangkalahatang lapit sa proyekto. Isama kung
paanong ang mga kasangkot sa proyekto ay
oorganisahin , anong mga kasangkapan sa
development at kolaborasyon ang gagamitin at kung
paanong ang plano ay susubaybayan habang
nagpapatuloy.
Metodolohiya ng Proyekto
Ang mga inaasahang suliranin:
2. Ang Pagtigil sa Gawain at Pagbibigay Oras sa
Gawain
- Detalyadong iskedyul ng proyekto;
- siguraduhin na ang talaan ay detalyado at ang
gampanin ay pinaghahati-hatiannang sapat upang
ipakita ang pakikipagsapalaran at makagawa ng
makatwirang pagtantya sa oras
Metodolohiya ng Proyekto
Ang mga inaasahang suliranin:
3. Mga I-dedeliver kaugnay ng Proyekto
- gumawa ng talaan ng mga idedeliver sa mga
kliyente sa katapusan at habang nagpapatuloy ang
proyekto
- Ito ay maaaring mga produkto, ulat, at iba
pang mahalagang impormasyon
Metodolohiya ng Proyekto
Ang mga inaasahang suliranin:
4. Pakikipagsapalaran sa Pamamahala ng Proyekto
- nagbibigay pansin sa mga pangunahing
pangunahing pakikipagsapalaran kaugnay ng
proyekto at nagpapakita ng mga plano para
masugpo o makontrol ito.
a. Plano sa pamamahala ng
pakikipagsapalaran
b. Talaan ng pakikipagsapalaran
Metodolohiya ng Proyekto
Ang mga inaasahang suliranin:
5. Halaga ng Proyekto
- suma ng pangkalahatang halaga ng proyekto
a. Badyet ng Proyekto
b. Paglalarawan ng Budget
c. Karagdagang Pahayag Pinansyal
Metodolohiya ng Proyekto
Ang mga inaasahang suliranin:
6. Konklusyon
- Kailangang pagsama-samahin sa lagom
na magpapaliwanag sa potensyal na
kahalagahan ng proyekto aat mabigyang diin
sa feasibility
Metodolohiya ng Proyekto
Ang mga inaasahang suliranin:
7. Appendix
- kailangang maglagay ng karagdagang mga
tsart, graphs, ulat , at iba pa na binanggit sa
proposal pero hinid angkop na ilagay sa pangunahing
katawan ng dokumento
Reference: https://www.holm-associates.com/about-us/methodology/
Nilalaman ng Panukalang Proyekto
I. Pamagat – dapat na malinaw at maikli
II. Proponent ng Proyekto- tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng
proyekto isinusulat dito ang adres, e-mail, cellphone o telepono, at lagda ng
tao o organisasyon.
III. Kategorya ng Proyekto – inilalahad dito kung ito ay seminar, kumperensya,
palihan, pananaliksik, patimpalak, konsyerto at iba pa.
IV. Petsa – Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng
panahon upang maisakatuparanang proyekto?
V. Rasyonal – inilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng
proyekto at kung ano ang kahalagahan nito.
VII. Deskripsyon ng Proyekto- panlahat at tiyak na layunin. Nakadetalye dito ang
mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at inaasahang haba
ng panahon.
VIII. Badyet – itinatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa
pagkumpleto sa proyekto
IX. Pakinabang – Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang
maaapekuhan nito sa ahensyao indibidwal na tumulong upang maisagawa ang
proyekto.

You might also like