You are on page 1of 6

PANUKALANG PARA SA ASIGNATURANG RIZAL, BUHAY at GAWA at READINGS

in PHILIPPINE HISTORY

Paggawa ng Pelikula o Dula-dulaan: Integrasyon ng Buhay/ Nobela ni Rizal (Noli Me Tangere


o El Filibusterismo) at Kasaysayan ng Pilipinas

I. Mga Layunin

 Mas maikintal ang buhay at gawa ni Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
bilang simulain ng nasyonalismo na naging malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas.
 Maipakita at mailahad ng bawat seksiyon ang kanilang artistikong pagkaunawa at
interpretasyon ng mga akda at nagging papel nito sa kalayaan na ating tinatamasa.
 Maipakita at magamit ang kanilang karunungan at kagalingan sa teknikal at digital na
aspeto na kasama sa kanilang kurso (BSIS).
 Makapagsiyasat ng mga mahahalagang impormasyon at ebidensya mula sa kasaysayan
ng Pilipinas gamit ang mga gawa ni Rizal.
 Magamit ang ibat ibang istratehiya sa pagkalap at pagsusuri ng mga impormasyon at
ebidensya umaayon sa buhay at gawa ni Rizal.
 Maipakita ang pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusuri
ng buhay at gawa ng ating pambansang bayani.

II. Rationale

 Isa sa mahalagang parte ng asignatura ay ang pagkakaroon ng pagsasadula ng buhay o


gawa ni Dr. Jose Rizal. Bilang pagtugon dito, isasadula ang buhay o mga nobela ni Dr.
Rizal ng mga mag-aaral mula sa una at ikalawang lebel ng mga kursong Bachelor of
Science and Information Management, ________________________habang ang
Bachelor of Science in Information Systems ay digitally. Ito ay upang mabigyan din ng
oportunidad ang mga mag-aaral na maggamit at maipamalas ang kanilang angking
galling at pagkamalikhain kaugnay sa kanilang major sa asignaturang ito.
 Layunin ng asignatura ng Readings in the Philippine History ang maihubog ang
kamalayan ng mga mag aaral sa wastong paraan ng pagkalap ng ebidensya at pagiging
kritikal sa pagkalap sa mga impormasyon sa pag-aaral ng kasaysayan. Isa sa
mahahalagang paksa ng asignaturang ito ang buhay ni Rizal at gayundin kung koneksyon
sa mahahalagang kaganapan sa ating kasaysayan. Sa pamamagitan ng kalaman nila sa
pananaliksi, ang gagawin nilang digital na pagsasadula ng buhay at gawa ni Rizal ay
hindi lang maggagaling sa kanilang imahinasyon kundi base sa mas malalim nilang pag-
aaral ng kasaysayan at gayundin ang pagkaunawa sa ating kasaysayan.

III. Deskripsiyon at Panglahatang Pamantayan

 Ang mga mag-aaral mula sa mga kursong nabanggit ay gagawa ng isang pelikula o dula
na tatalakayin/ isasadula ang alinman sa tatlong pagpipilian:
a) Buhay ni Dr.Rizal b) Noli Me Tangere c) El Filibusterismo.
 Matapos makapili ng alinman sa tatlo ay dapat maintegra nila ang kahalagahan at
importanteng papel nito sa kasaysayan gamit ang maikling repleksyon sa una o sa dulo ng
pelikula o dula.
 Magpapasa ng mga dokumentasyon ng ginawang pananaliksik patungkol sa buhay at
gawa ni Rizal.
IV. PAMANTAYAN SA MARKAHAN
A. KONTEKSTO (100 puntos)
Antas ng Markahan
Kategorya 16-20 puntos 11-15 puntos 5-10 puntos Marka
Kalidad ng Ang pagpili ng mga Ang pagpili ng mga Ang pagpili ng mga
Piniling paksa wastong salita sa paghahabi wastong salita sa paghahabi wastong salita sa paghahabi
at Kabuuang ng kwento o Presentasyon ng kwento o presentasyon ng kwento o presentasyon
daloy ng Iskrip ng pelikula ay lubos na ng pelikula ay epektibo: ng pelikula ay di gaanong
epektibo: Ang mga tauhan Ang mga tauhan ay epektibo: Ang mga tauhan
ay lubhang mahusay: Ang mahusay: Ang mga ay di gaanong mahusay:
mga kaalaman ay lubos na kaalaman ay kapaki- Ang mga kaalaman ay di
kapakipakinabang. pakinabang. gaanong kapaki-pakinabang.
.
Transisyon at Napakahusay ng iba’t ibang Mahusay ang iba’t ibang Di-gaanong mahusay ang
Pagkakasunuds varyasyon ng epektibong varyasyon ng epektibong iba’t ibang varyasyon ng
unod ng mga transisyon, napakalinis ng transisyon, malinis ang epektibong transisyon, di
Pangyayari pagkakalapat ng mga pagkakalapat ng mga eksena gaanong malinis ang
eksena. Napakahusay ng Mahusay ang pagkakasunod pagkakalapat ng mga eksena
pagkakasunod sunod ng sunod ng mga eksena mula Tama lang ang
mga eksena mula sa simula sa simula hanggang sa huli: pagkakasunod sunod ng
hanggang sa huli: Di May manggilan-ngilang mga eksena mula sa simula
kakikitaan ng mga pagkakamali sa takbo ng hanggang sa huli: Malimit
pagkakamali sa takbo ng mga pangyayari. ang mga pagkakamali sa
mga pangyayari. takbo ng mga pangyayari.
Proseso Napakahusay ng iskrip at Maayos ang iskrip at hanay Hindi maayos ang iskrip at
hanay ng kwento, may ng kwento, may malinaw na hanayng kwento hindi rin
malinaw na ebidensya ng ebidensya ng maayos na gaanong nasunod ang
mahusay na pagsunod sa pagsunod sa proseso ng tamang proseso.
proseso ng kaisipan. kaisipan.
Pananaliksik Kakikitaan ang napakahusay Kakikitaan ang mahusay at May kakulangan sa
at napakadetalyadong masusing pananaliksik sa ginawang pananaliksik.
pananaliksik sa paksang paksang tinalakay.
tinalakay.
Orihinalidad Ang atake ng pelikula ay Ang atake ng pelikula ay Ang ibang elemento ng
kakaiba at may orihinalidad. kakaiba at may kaunting pelikula ay hindi orihinal.
Ang mga props ay orihinalidad. Ang mga props Ang mga props ay maayos
napakahusay ang ay mahusay ang ang pagkakagawa ngunit
pagkakagawa at tugma sa pagkakagawa at tugma sa hindi tumugma ang ilan sa
bawat eksena. eksena. eksena.

B. TEKNIKAL: Digital (100 puntos)

Antas ng Markahan
Kategorya 16-20 puntos 11-15 puntos 5-10 puntos Marka
Kalidad ng Ang komposisyon ng mga Ang komposisyon ng mga Ang komposisyon ng mga
Pelikula tauhan o tagapagsalaysay, ang tauhan o tagapagsalaysay, ang tauhan o tagapagsalaysay, ang
galaw at kalidad ng kamera ay galaw at kalidad ng kamera ay galaw at kalidad ng kamera ay
napakahusay: mahusay. di gaanong
mahusay.
Kuha ng Paggamit ng pinakamataas na Paggamit ng mas mataas na Paggamit ng mataas na kalidad
Kamera kalidad ng pagkuha ng kalidad ng pagkuha ng anggulo ng pagkuha ng anggulo na
anggulo na nagppapakilala sa na nagppapakilala sa mga nagppapakilala sa mga tauhan.
mga tauhan tauhan.
Musikalidad at Napakalinaw at napakahusay Malinaw at Mahusay ng Malinaw at Mahusay ng
Audio ng pagkakalapat ng musika at pagkakalapat ng musika at iba pagkakalapat ng musika at iba
iba pang mga kinakailangang pang mga kinakailangang tunog pang mga kinakailangang tunog
tunog , napakahusay ng , mahusay ng pagkaka-dub ng , mahusay ng pagkaka-dub ng
pagkaka-dub ng mga mga dayalogo, mga dayalogo,
dayalogo
Sinematograpiya Napakahusay ng pagtimpla ng May husay ang pagtimpla ng May ilang timpla ng ilaw at
ilaw at kuha sa lente depende ilaw at kuha sa lente depende kuha sa lente na hindi umakma
sa emosyon o tema ng bawat sa emosyon o tema ng bawat sa emosyon o tema ng bawat
eksena. eksena. eksena.
.
Kabuuan ng Kakikitaan ng Napakahusay at Kakikitaan ng mahusay at May kaunting kaayusan na
Pelikula napamalikhain na malikhain na presentasyon ang presentasyon ang ginawang
presentasyon ang ginawang ginawang pelikula. pelikula.
pelikula.

C. TEKNIKAL:Dula-dulaan (100 puntos)

Antas ng Markahan
Kategorya 16-25 puntos 11-20 puntos 5-15 puntos Marka
Kalidad ng Ang komposisyon ng mga Ang komposisyon ng mga Ang komposisyon ng mga
Dula tauhan o tagapagsalaysay at tauhan o tagapagsalaysay, at tauhan o tagapagsalaysay, at
ang mga galaw ay ang mga galaw ay mahusay. ang mga galaw ay di gaanong
napakahusay: mahusay.
Blocking Ang bawat karakter sa Ang bawat karakter sa Hindi masyadong oragnisado
(Posisyon ng entablado ay entablado ay oragnisadong ang pagkaposisyon ng mga
napakaoragnisadong nakaposisyon at nakikita sa karakter at may mga hindi
mga actor sa nakaposisyon at malinaw na eksena. nakikita sa eksena.
entablado) nakikita sa eksena.
Musikalidad at Napakalinaw at napakahusay Malinaw at Mahusay ng Malinaw at Mahusay ng
Audio ng pagkakalapat ng musika at pagkakalapat ng musika at iba pagkakalapat ng musika at iba
iba pang mga kinakailangang pang mga kinakailangang tunog pang mga kinakailangang tunog
tunog. . .

Kabuuan ng Kakikitaan ng Napakahusay at Kakikitaan ng mahusay at May kaunting kaayusan na


Dula napamalikhain na malikhain na presentasyon ang presentasyon ang ginawang
presentasyon ang ginawang ginawang dula.. dula..
dula.
PANUKALANG BIGAY PARANGAL PARA SA NAGPAKITA NG ANGKING HUSAY
SA PROYEKTO PARA SA ASIGNATURANG RIZAL, BUHAY at GAWA at READINGS
in PHILIPPINE HISTORY

Rationale: Ang paggawa ng pelikula sa maikling panahon ay hindi lubos na madali. Bilang
pagbibigay ng lubos na pag papahalaga sa kahusayan at pagkamalikhain ng mga bata, nais sana
naming magkaroon ng simpleng awarding sa nagpakita ng kanilang talento sa iba’t-ibang
kategorya sa paggawa ng pelikula at pagsasabuhay sa mga karakter mula sa nobela at buhay ni
Dr. Jose Rizal maging sa pagkonekta at pagpapakita nito ng kahalagahan nito sa ating
kasaysayan.

Mga Kategorya at pamantayan

 Pinakamagaling na pangunahin at senkondaryang Aktres at Aktor


 Ang bawat seksiyon ay mamimili ng kanilang pangbato para sa parting ito. Particular ang
manunulat ng skrip at director.
 Ang mapiili ay bubusisiin sa pagbibigay buhay ng karakter sa eksenang pipiliing isumite
ng director.
 Pinakamagaling sa Produksiyon ng pelikula
 Pinakamahusay na Manunulat
 Panakamahusay sa Sinematograpiya (Video Editing)
 Pinakamahusay sa Sinematograpiya (Kuha ng Kamera)
 Pinakamahusay sa Musikalidad at Audio
 Pinakamalikhaing Props
 Ito ay pagpipilian ng mga tatayong hurado gamit ang rubrik A at B/C.
April 28, 2023

Inh. ARMAN M. GIRON, MAT


Nanunuparang Pangulo,
Tanggapan ng Pangulo ng Dalubhasaan/
VP- Pangangasiwa at Pananalapi
Bulacan Polytechnic College-Malolos

Mapagpalang araw Inh. Giron;

Kami po ay lumalapit sa inyo upang ipagpaalam ang paggamit ng Covered Court sa


loob ng dalubhasaan sa ika-1 ng Hunyo matapos ang mga aktibidades na gaganapin dito sa
Mayo. Ito po ay kaugnay sa nais po sana naming ganaping pagbibigay parangal kaugnay sa
aming Kolaborasyong Proyekto para sa asiganturang Rizal, Buhay at Gawa at Readings in
Philippine History.

Ang inyong pagbibigay permiso ay aming lubos binibigyang pahalaga at pasasalamatan, kami po
sana ay inyong mapagbigyan.

Pagpalain pa po kayo ng Poong May Kapal.

Lubos na Gumagalang,

G. Andy Marasigan Libiran


Guro sa Asignaturang Readings in Philippine History

Bb. Nazarette L. Clemente


Guro sa Asignaturang Readings in Philippine History

Bb. Jholiena Lynn C. Manalo


Guro sa Asignaturang Rizal, Buhay at Gawa

Bb. Riza Unzon


Guro sa Asignaturang Rizal, Buhay at Gawa

Bb. Estrellita Amaninche


Guro sa Asignaturang Rizal, Buhay at Gawa

G. Ash Cruz
Guro sa Asignaturang Rizal, Buhay at Gawa
April 28, 2023

Inh. ARMAN M. GIRON, MAT


Nanunuparang Pangulo,
Tanggapan ng Pangulo ng Dalubhasaan/
VP- Pangangasiwa at Pananalapi
Bulacan Polytechnic College-Malolos

Mapagpalang araw Inh. Giron;

Kami po ay sumulat upang humingi ng pahintulot na gamitin ang Room 101 sa ika-22 ng
Mayo ang linggo matapos ang pinal na pagsusulit. Ito po ay kaugnay sa Kolaborasyong Proyekto
para sa asiganturang Rizal, Buhay at Gawa at Readings in Philippine History. Ang mga ibang
pangkat po kasi na mula sa kursong BSOM, ______, ______ ay aktuwal na dula-dulaan ang
gagawain. Napag-alaman po naming na puno na ang Covered Court sa Mayo kaya ito na lamang
po ang aming sanang hihiramin upang makapag-bigay din po kami ng grado sa takdang oras.

Ang inyong pahintulot ay aming lubos binibigyang pahalaga at pasasalamatan, kami po sana ay
inyong mapagbigyan.

Pagpalain pa po kayo ng Poong May Kapal.

Lubos na Gumagalang,

G. Andy Marasigan Libiran


Guro sa Asignaturang Readings in Philippine History

Bb. Nazarette L. Clemente


Guro sa Asignaturang Readings in Philippine History

Bb. Riza Unzon


Guro sa Asignaturang Rizal, Buhay at Gawa

Bb. Estrellita Amaninche


Guro sa Asignaturang Rizal, Buhay at Gawa

G. Ash Cruz
Guro sa Asignaturang Rizal, Buhay at Gawa

You might also like