You are on page 1of 3

PANUKALANG PROYEKTO

1. PAMAGAT NG PROYEKTO: "Pag-asa sa Pagbabasa"

2. PROPONENT NG PROYEKTO:

• Ritua, Xander Andrew M.

• Ruano, Gjia Janelle T.

• Ruma, Andre Aron A.

3. KALIGIRAN NG PROYEKTO

Mahalaga ang pagbabasa sapagkat ito ang ugat ng ating pagkatuto. Isa itong kasanayan na nararapat
nating linangin upang lumawak ang ating pagkatuto at pag-unawa sa mga bagay-bagay. Natuto rin tayo
ng mga bagong bokabularyo at sa kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa.

Nahahasa rin ang ating isipan sa pamamagitan ng pagbabasa, nagpapagaan ng pakiramdam at


naabawasan ang pagkabaot at pagka-inip sa tuwing tayo ay walang ginagawa at higit sa lahat
napapalawak nito ang ating pananaw o perspektibo sa iba't-ibang bagay.

Sumusuporta ang proyektong ito sa pagpapahalaga ng paglinang ng kaalaman dahil marami itong
positibong epekto sa mga kabataan.

4. DESKRIPSIYON NG PROYEKTO

Ang proyektong "Pag-asa sa Pagbabasa" ay nagpapahalaga sa paglinang at pagpapalawak ng kanilang


kaalaman lalo na ngayon sa gitna ng pandemya kadalasang ang mga kabataan ay nanatili lamang sa
kanilang mga bahay kung kaya't ang proyektong ito ay napapanahon.

Maaari rin nitong malinang ang "comprehension" o kakayahang umunawa ng mga kabataan. Magiging
daan din ito sa pagtaas ng literacy rate sa ating bansa.

Ang implementasyon ng proyekto ay maaaring tumagal ng mahigit isang buwan kabilang na ang
panahon sa preparasyon.

5. LAYUNIN

Ang mga sumusunod ay ang mga tukoy na layunin ng proyekto:

Pagganyak ng Kaisipan

• Pagbawas sa maaaring posibilidad ng pagkakaroon ng stress: pagiging libangan ang pagbabasa.


• Pagpapalawak ng bokabularyo at paglinang ng memorya;

paglinang sa komprehensiyon o kakayahan sa pag-unawa

• Pagsasanay sa kasanayan ng isip na mag-isip ng analytical.

6. PROSESO

Maghahanda ng mga gagamitin para sa advertisements ng proyekto tulad ng mga flyers at trapaulin.

Magsasagawa ng isang panawagan o paghahanap ng mga maaaring maging sponsor sa proyekto tulad
ng mga bookstores, book owners at mga book collectors na handang ibahagi ang kanilang mga libro para
sa proyekto.

Tasahin o i-assess ang lugar na napili para sa isasagawang proyekto para sa distribusyon ng mga aklat at
kung ilan ang mga interasdong tumangkilik sa proyekto.

Uriin ang mga aklat na ipamamahagi ayon sa edad at dami ng mga makatatanggap ng mga ito.

Huling step ang pagsasagawa na mismo ng distribusyon.

7. IMPLEMENTASYON AT ISKEDYUL

Nakapaloob sa sumusunod na talahanayan ang mga gawain at iskedyul kung kailan ito maisasagawa.

Gawain Iskedyul
Simula ng pananawagan sa mga maaring Jan. 10, 2024
maging sponsor ng proyekto at
pagbabahagi ng mga flyers tarpaulin.
Iskedyul
Feb. 1, 2024
Pagiipon ng mga nakalap na mga aklat.

Pagtatasa sa mga lugar na napili upang Mar. 5, 2024


mabahagian ng mga aklat na nalikom.
Paguuri at pag-aayos sa mga libro ayon sa Mar. 8, 2024
edad at dami ng mga makataanggap
nito.
Pamamahagi at distribusyon ng mga aklat Apr. 10, 2022
sa mga piling lugar.
8. BADYET

Sa proyektong ito, inaasahan na gugugulin ang badyet sa mga bagay na nakalista sa sumusunod na
talahanayan:

Presyo ng Isang Dami ng


Aytem Kabuuang Presyo (₱)
Aytem (₱) Aytem

Tarpaulin 300 10 3,000

Flyers 20 200 4,000

Aklat 500 600 300,000

Pamamahagi ng Aklat 250 600 150,000


Kabuuan 457,000

You might also like