lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. KAHULUGAN NG ABSTRAK
Ayon kay Philip Koopman (1997),
bagama’t ang abstrak ay maikli lamang , tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon. NILALAMAN NITO:
RATIONALE SAKLAW AT DELIMITASYON RESULTA AT KONKLUSYON MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT:
Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito
ay dapat makikita sa kabuuan ng papel. Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak. Dapat ito ay naka dobleng espasyo. Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo . ELEMENTO NG ABSTRAK: 1.Kailangan ay may malinaw na pakay o layunin ang isang manunulat. 2.Mayroong malinaw na katanungan na dapat mabigyan ng konkretong kasagutan sa pagsulat ng abstrak. 3.Mayroong presensiya ng metodolohiya na ginagamit sa kabuuan ng abstrak. 4.Mayroong resulta na mababasa sa buod ng abstrak. 5.Mayroon itong implikasyon na makikita at magagamit ng bumasa ng abstrak. MGA KATANGIAN NG ABSTRAK
• Binubuo ng 200-250 na salita.
• Gumagamit ng mga simpleng pangungusap. • Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel. • Nauunawaan ng target na mambabasa. • Pangungusap na simple,nakatayo bilang isang yunit ng impormasyon at madaling intindihin. • Kumpleto ang mga bahagi. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK:
1. Basahin muli ang papel.
2. Isulat ang unang draft ng papel. 3. I-rebisa ang unang draft. 4. I-proofread ang unang draft. URI NG ABSTRAK:
sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang daan na mga salita. Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano lamang na dapat na sundan ng isang manunulat. IMPORMATIBONG ABSTRAK Marami sa mga abstrak na sulatin ay impormatibo ang uri. Detalyado at malinaw ang mga impormasyon na makikita sa babasahing ito. Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at limampong salita o higit pa. SALAMAT SA PAKIKINIG!