You are on page 1of 2

Abstrak

 Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong


papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, teknikal lektyur at mga report. Isang
tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title
page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung
akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman(1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang
mahalagang element o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay
na literature, metodolohiya, result at konklusyon.
Mga Nilalaman:
 Rationale – Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral
 Saklaw at Delimitasyon
 Resulta at Konklusyon
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat:
 Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng
papel; ibig sabihin, hindi maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi
binaggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
 Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan
ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
 Iwasan ang paggamit ng sariling opinion sa pagsulat ng abstrak. Dapat ito ay naka
dobleng espasyo.
 Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa
pagsulat nito.
 Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito.
 Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan
ng babasa ang pangkalahatang kahulugan.
Elemento ng Abstrak:
1. Kailangan ay may malinaw na pakay o layunin ang isang manunulat. Ang
pagkakaroon ng elementong ito ay nagbibigay ng interes sa isang mambabasa para
ito ay mahikayat na basahin ang gawa ng isang manunulat.
2. Mayroong malinaw na katanungan na dapat mabigyan ng konkretong kasagutan sa
pagsulat ng abstrak. Makapagbigay ng malinaw na kasagutan o tugon para magamit
ng mga mambabasa.
3. Mayroong presensiya ng metodolohiya na ginagamit sa kabuuan ng abstrak.
Magkaroon ng sariling istilo o pamamaraan ng panulat.
4. Mayroong result ana mababasa sa buod ng abstrak. Mula sa inilapat na katanungan o
problema sa abstrak na sulatin ay magkaroon ng direktibang sagot o tugon para
mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
5. Mayroon itong implikasyon na makikita at magagamit ng bumasa ng abstrak. Mga
aral na balang araw ay magagmit ng bumasa ng akda ng isang manunulat
Mga katangian ng Abstrak:
1. Binubuo ng 200-250 na salita
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap
3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
4. Nauunawaan ng target na mambabasa
5. Pangungusap na simple, nakatayo bilang isang yunit ng impormasyon at madaling
intindihin.
6. Kumpleto ang mga bahagi
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak:
1. Basahin muli ang Papel
2. Isulat ang unang draft ng papel
3. I-rebisa ang unang draft
4. I-proofread ang unang draft
Uri ng Absrtak
 Deskriptibong Absrtak
-Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang
isang daan na mga salita. Walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang
mababasa sa uri ng abstrak na ito
-Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano lamang na dapat nasundan ng
isang manunulat.
 Impormatibong Abstrak
-Marami sa ,mga abstrak na sulatin ay impormatibo ang uri. Halos lahat ng element
ng abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang
mga impormasyon na makikita sa babasahing ito.
-Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga mambabasa nito. Ito ay mahaba
kumpara sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan
at limampong salita o higit pa.
Mga Bahagi ng Asbstrak
1. Paksa
2. Layunin
3. Metodo
4. Inaasahang Resulta

You might also like