You are on page 1of 12

Mga Uri Akademikong

Pagsulat
Malikhaing Pagsulat
Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw
ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng
sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya
naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang.
Teknikal na Pagsulat
Layuning pag-aralan ang isng proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang pag-aaral na
kailangan para lutasin ang isang problema o
suliranin.
Propesyonal na Pagsulat
Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating
may kinalaman sa isang tiyak na larangang matutuhan sa
akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa
ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon.
Dyornalistik na Pagsulat
Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayg. Kasama na rito ang pagsulat ng balita,
editoral, lathalain, artikulo at iba pa.
Reperensiyal na Pagsulat
Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis at disertasyon. Layunin din ng
pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang
maaaring mapagkunan ng mayamaang kaalamn hinggil sa
tiyak na paksa.
Akademikong Pagsulat
Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang
gawaing ito ay makakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang
indibidwal sa iba’t ibang larangan.
Ayon kay Carmelita Alejo, et al. sa aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik (2005), ang akademikong pagsulat ay may sinusunod
na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga
ideyang pinangangatwiranan.
Layunin nitong maipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng ginawang
pananaliksik.
Pagsulat ng Abstrak
Kahulugan ng Abstrak
Abstrak nagmula sa Latin na abstracum, ay maikling
buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang
introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong
papel.

Dalawang uri ng abstrak: deskriptibo at impormatibo.


Dalawang uri ng abstrak
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
Inilalarawan nito sa mga Ipinahahayag nito sa mga
mambabasa ang mga pangunahing mambabasa ang mahahalagang
ideya ng papel. ideya ng papel.
Nakapaloob dito ang kaligiran, Binubuod dito ang kaligiran,
layunin at tuon ng papel o artikulo.
layunin, tuon metodolohiya,
Kung ito ay papel-pananaliksik, resulta at kongklusyong papel.
hindi na isinasama ang
pamamaraang ginamit, kinalabasan Maikli ito, karaniwang 10% ng
ng pag-aaral at kongklusyon. haba ng buong papel at isang
talata lamang.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1. Basahin muli ang buong papel
2. Isulat ang unang draft ng papel.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto
4. I-proofread ang pinal na kopya.
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak
1. Binubuo ng 200-250 na salita.
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
3. Kompleto ang mga bahagi.
4. Walang impormasyon ang hindi nabanggit sa
papel.
5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na
mambabasa.

You might also like