You are on page 1of 5

pagsulat ng abstrak

1. 1. AKADEMIKONG PAGSULAT
2. 2. BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT • ANG PAGSULAT AY ISANG MASISTEMANG
PAGGAMIT NG MGA GRAPIKONG MARKA NA KUMAKATAWAN SA ISPESIPIKONG
LINGGUWISTIKONG PAHAYAG (Rogers, 2005). • ISANG SISTEMA NG PERMANENTENG
PANANDA NA KUMAKATAWAN SA MGA PAHAYAG (Daniels & Bright, 1996).
3. 3. BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT • ANG PAGSULAT AY NAKADEPENDE SA
WIKA. • ARBITRARYO ANG MGA SISTEMA NG PAGSULAT. • ANG PAGSULAT AY
ISANG PARAAN NG PAGPEPRESERBA NG WIKA.
4. 4. BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT • KOMUNIKASYON ANG PANGUNAHING
LAYUNIN NG PAGSULAT. • ANG PAGSULAT AY PUNDASYON NG SIBILASYON.
5. 5. Mga layunin sa akademikong pagsulat •MAGPABATID •MANG-ALIW •MANGHIKAYAT
6. 6. PAGSULAT NG ABSTRAK
7. 7. ANO BAANG ABSTRAK? ----Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na
inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel.
8. 8. URI NG ABSTRAK • Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay bago
ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel.
9. 9. URI NG ABSTRAK DESKRIPTIBONG ABSTRAK IMPORMATIBONG ABSTRAK 
Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel.  Nakapaloob dito ang
kaligiran, layunin, at tuon ng papel.  Kung papel- pananaliksik, hindi na isasama ang 
Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.  Maikli ito,
karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.  Binubuod dito ang
kaligiran, layunin, metodolohiya,resulta at
10. 10. Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak 1. Basahing muli ang buong papel. 2. Isulat ang
unang draft ng papel. 3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan. 4.
I-proofread ang pinal na kopya.
11. 11. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NAABSTRAK 1. Binubuo ng 200-250 na salita. 2.
Gumagamit ng mga simpleng pangungusap. 3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa
papel. 4. Nauunawaan ng target na mambabasa.

Abstrak

A ng pagsulat ay isa sa mga mabisang pamamaraan

sa pakikipagkomunikasyon. Bahagi na ito ng ating kultura at akademya. Ito ay


ginagamitan ng iba’t-ibang lenggwahe owika, at pamamaraan o istilo ng isang
manunulat.
Sa pagsulat hindi lamang utak, papel at lapis ang kailangan. Nangingibabaw pa rin ang
laman ng ating mga damdamin upang maiparating natin nang lubusan ang ating mga
mensahe.
Layunin rin ng bawat sumusulat ng mga artikulo, libro, pahayagan o anumang uri ng
babasahin ay ang humikayat, magbigay aliw, at higit sa lahat ay makapagbigayaral at
mahalagang impormasyon sa kanilang mga akdang ginagawa.

Halimbawa ng Abstrak na Sulatin


Basahin ang isang halimbawa ng abstrak sa ibaba. Ito ay abstrak tungkol sa mga teknik
na ginagamit ng sangka-estudyantehan para makapag-aaal ng husto. Masdan kung
papaano nagbibigay ang abstrak ng isang maikling buod ng akademikong sulatin.

Gamit ang isang survey kung saan sumagot ang 250 na lalake at 270 na
babaengestudyante, nais naming ipakita ang mga iba’t-ibang teknik at metolohiyang
ginagamit ng mga mag-aaral sa Pilipinas upang makapag-aral ng husto. Ang aming
pagsasaliksik ay tumagal ng isang buwan. Kami ay gumamit ng software gaya ng SPSS
upang masuri at maintindihan ng maigi ang mga datos na nakalap. Base sa ang aming
mga nakalap na datos karamihan sa mga estudyanteng mas nagtatagumpay sa
sekondaryang edukasyon ay hindi gumagamit ng teknik na kung tawagin ay “rote
learning”. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng kanya-kanyang proseso upang
makalap ng impormasyon at matandaan ang mga aralin.

Kahulugan
Maraming uri ang mga sulatin na ating nababasa, isa na rito ay ang abstrak na sulatin.
Ang abstark na sulatin ay kadalasang tinatawag na akademikong sulatin.

Kadalasan ito ay ginagawa ng mga mag-aaral bago sila matapos ng kanilang mga
asignatura. Thesis paper ang madalas na itawag dito. Mababasa sa mga thesis na ito
ang mga pag-aaral, pananaliksik at pagkakalap ng mga datus at mga tala na
kapakipakinabang para sa napiling diskusyon.
Abstrak na Sulatin Para sa Pananaliksik
Sa mga siyentipiko, ginagamit din ang abstrak na sulatin sa paglilimbag ng mga datus
na kanilang nakakalap mula sa kanilang mga pananaliksik.

Ginagamitan pa ito ng mga dokumentaryo para mas


maipahiwatig ng mga siyentipiko ang aral na gusto nilang ipaintindi sa napili nilang
magbabasa o sa kumunidad na kinabibilangan.
Sa mga sumusulat ng kanilang mga personal na journal, at mga , abstrak rin ang uri ng
sulatin na kanilang ginagamit.Ang mga personal na journalay gumagamit lamang ng
mga maiiksi ngunit may kompletong inpormasyon sa kanilang mga sulatin.

Samantalang ang mga mananaliksik ay gumagamit ng mga kompletong detalye at tala


para sa kabuuan ng kanilang mga pag-aaral.

Mga Elemento ng Abstrak


1. Kailangan ay may malinaw na pakay o layunin ang isang manunulat. Ang pagkakaroon ng
elementong ito ay nagbibigay ng interes sa isang mambabasa para ito ay mahikayat na
basahin ang gawa ng isang manunulat.
2. Mayroong malinaw katanungan na dapat mabigyan ng konkretong kasagutan sa pagsulat
ng abstrak. Makapagbigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa para magamit ng mga
mambabasa.
3. Mayroong presensiya ng metodolohiya na ginagamit sa kabuuan ng abstark. Magkaroon ng
sariling istilo o pamamaraan ng panulat.
4. Mayroong resulta na mababasa sa buod ng abstrak. Mula sa inilapat na katanungan o
problema sa abstrak na sulatin ay magkaroon ng direktibang sagot u tugon para mapunan
ang kabuuan ng nasabing sulatin.
5. Mayroon itong implikasyon na makikita at magagamit ng bumasa ng abstrak. Mga aral na
balang araw ay magagamit ng bumasa ng akda ng isang manunulat.

Mga Uri ng Abstrak na Sulatin


May dalawang uri ng abstrak na sulatin. Ito ay ang inpormatibong uri ng abstrak at ang
deskriptibo na uri ng abstrak. Ang bawat uri ay naiiba mula sa elemento na ginagamit
sa panunulat, sa estilo na ginagamit at sa layunin o pakay na gustong ipaabot ng isang
manunulat.

Deskriptibo man o inpormatibong abstrak, pareho itong nagtataglay ng mga


mahahalagang inpormasyon at pagbibigay halaga sa kung sino at kung saan nakuha
ang mga inpormasyon sa mga nalimbag na abstrak na sulatin.

Deskriptibong Abstrak
Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang
daan na mga salita. Walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa
sa uri ng abstrak na ito.

Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano lamang na dapat na sundan ng isang
manunulat.

Impormatibong Abstrak
Marami sa mga abstrak na sulatin ay inpormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento ng
abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang mga
inpormasyon na makikita sa babasahing ito.
Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga magbabasa nito. Ito ay mahaba
kumpara sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at
limampong salita o higit pa.

You might also like