You are on page 1of 39

ANYO NG

AKADEMIKONG
SULATIN, HALINA’T
SALIKSIKIN

ARALIN
2
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
1. Nakikilala ang iba’t ibang
akademikong sulatin ayon sa
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo (CS_F11/12PN-0a-c-90)
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
1.1. Natutukoy ang mga
katangian at layunin ng
akademikong pagsulat.
1.2. Nakikilala ang iba’t ibang
akademikong sulatin batay sa
layunin, tungkulin o gamit,
katangian, at anyo.
A. Katangian ng
Akademikong Pagsulat
(karagdagan)
KOMPLEKS
Ang pasulat na wika ay may higit
na:
mahahabang salita
mas mayaman sa leksikon
mas mayaman na bokabularyo
gramatika
PORMAL
Hindi angkop dito ang mga
kolokyal at balbal na salita at
ekspresyon.
TUMPAK
Sa akademikong pagsulat, ang
mga datos tulad ng facts and
figures ay inilalahad nang tumpak
o walang kulang.
OBHETIBO
Ang pokus nito ay ang
impormasyong nais ibigay at ang
mga argumentong nais gawin, sa
halip na ang manunulat mismo o
ang kanyang mambabasa
EKSPLISIT
Responsibilidad na gawing
malinaw sa mambabasa kung
paano ang iba’t ibang bahagi ng
teksto ay nauugnay sa isa’t isa
 signalling words
WASTO
Maingat dapat ang mga
manunulat sa paggamit ng mga
salitang madalas katisuran o
pagkamalian ng mga karaniwang
manunulat.
RESPONSABLE
Paglalahad ng ideya
Pagpapatibay sa argumento
Pagkilala sa hanguan

X plagyarista
MALINAW NA LAYUNIN
Ang layunin ng akademikong
pagsulat ay matugunan ang mga
tanong kaugnay ng isang akda.
Ang mga tanong na ito ang
nagbibigay ng layunin.
MALINAW NA PANANAW

Ang layunin ng kanyang papel ay


maipakita ang kanyang sariling
pag-iisip hinggil sa paksa ng
kanyang papel. Ito ay tinatawag
na sariling punto de bista ng
manunulat.
MAY POKUS
Kailangang iwasan ang mga hindi
kinakailangan, hindi nauugnay,
hindi mahalaga at taliwas na
impormasyon.
LOHIKAL NA
ORGANISASYON
Ang akademikong pagsulat ay
may sinusunod na istandard na
organisasyonal na hulwaran.
Introduksyon
Katawan
Kongklusyon
MATIBAY NA SUPORTA
Ang katawan ng talataan ay
kailangang may sapat at kaugnay
na suporta para sa pamaksang
pangungusap, tesis at pahayag
MALINAW AT KUMPLETONG
EKSPLANASYON
Bilang manunulat, kailangang
matulungan ang mambabasa
tungo sa ganap na pang-unawa ng
paksa ng papel
EPEKTIBONG PANANALIKSIK
Kailangang gumamit ng
napapanahon, propesyonal at
akademikong hanguan ng mga
impormasyon. Mahalagang
maipamalas ang intelektwal na
katapatan sa pamamagitan ng
dokumentasyon ng lahat ng
hinangong impormasayon o datos.
ISKOLARLING ESTILO SA
PAGSULAT
Sinisikap dito ang kalinawan at
kaiklian. Kailangan ding madaling
basahin ang akademikong papel,
kung kaya’t napakahalaga na
maiwasan ang mga pagkakamali
sa grammar, ispeling,
pagbabantas at bokabularyo sa
pagsulat nito.
BUOD NG KATANGIAN NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
1. Makatao, sapagkat naglalaman ang akademikong
pagsulat ng mga makabuluhang impormasyon na
dapat mabatid para sa kapakinabangan ng
mamamayan.
2. Makabayan, sapagkat ang kapakinabangang hatid
ng akademikong pagsulat ay magtutulay sa
kaunlaran ng mamamayan upang maging
produktibong kasapi ng pamayanan ng bansa.
3. Demokratiko, sapagkat ang akademikong pagsulat
ay walang kinikilingan o kinatatakutan dahil ang
hangarin ay magpahayag ng katotohanan.
B. Layunin ng
Akademikong Pagsulat
1. MAPANGHIKAYAT NA
LAYUNIN
Upang maisakatuparan ito, pumipili
siya ng isang sagot sa kanyang
tanong, sinusuportahan iyon gamit
ang mga katwiran at ebidensiya, at
tinatangka niyang baguhin ang
pananaw ng mambabasa hinggil sa
paksa
Posisyong Papel
2. MAPANURING LAYUNIN
Tinatawag din itong analitikal na
pagsulat. Layunin nitong ipaliwanag
at suriin ang mga posibleng sagot sa
isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa
ilang pamantayan.
Panukalang Proyekto
3. IMPORMATIBONG LAYUNIN

Ipinapaliwanag dito ang mga


posibleng sagot sa isang tanong
upang mabigyan ang mambabasa
ng bagong impormasyon o
kaalaman hinggil sa isang paksa.
Abstrak
C. Tungkulin o Gamit
ng Akademikong Pagsulat
1. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY
LUMILINANG NG KAHUSAYAN SA WIKA

nalilinang ang kakayahang


komunikatibo
nalilinang ang kakayahang linggwistik
ng mga mag-aaral (aplikasyon ng
kaalaman sa gramatika at sintaktika)
nalilinang ang kakayahang pragmatik
ng mga mag-aaral (paglalapat ng mga
prinsipyong komunikasyon)
2. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY
LUMILINANG NG MAPANURING PAG-IISIP

tinitingnan bilang isang proseso,


kaysa bilang isang awtput
Ang prosesong ito ay maaring
kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri,
pagpapasya at iba pang mental o
pangkaisipang gawain
3. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY
LUMILINANG NG MGA
PAGPAPAHALAGANG PANTAO.
tungkulin din ng edukasyon ang
linangin ang kaaya-ayang
pagpapahalaga o values sa
bawat mag-aaral.
4. ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY
ISANG PAGHAHANDA SA PROPESYON

Hindi lamang mga propesyonal na


manunulat tulad ng mga
mamamahayag at mga awtor ang
nagsusulat. Halos lahat ng maiisip na
propesyon ay kinasasangkutan ng
pagsulat.
D. Mga Anyo ng
Akademikong Pagsulat
SAGUTAN SA KWADERNO
(GAWAIN 2)
Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat
bilang.
1. Ito ay isang uri ng artikulong nagtataglay ng mga
larawang nagsasalaysay ng pangyayari, damdamin, at
konsepto.
2. Sa akademikong pagsulat na ito, ang mga datos
tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang
labis at walang kulang
3. Ito ay isang maikling talang ginagamit upang
gawing pagpapakilala sa isang tao sa mga
propesyonal na paggagamitan gaya ng publikasyon, at
introduksiyon bilang tagapagsalita
SAGUTAN SA KWADERNO
(GAWAIN 2)
4. Layunin nitong ipaliwanag at suriin ang
mga posibleng sagot sa isang tanong at
piliin ang pinakamahusay na sagot batay
sa ilang pamantayan.
5. Ito ay isang uri ng lagom na ginagamit
upang ipakilala ang nilalaman at
ipatangkilik ang isang saliksik/pag-
aaral/tesis sa mga mambabasa.
SAGUTAN SA KWADERNO
(GAWAIN 3)
Batay sa iyong nakuhang mga
impormasyon mula sa binasang
aralin, basahing mabuti at
unawain ang bawat pangungusap
at isulat ang salitang TAMA kung
wasto ang pahayag, kung hindi
naman, isulat ang salitang MALI
sa iyong sagutang papel.
SAGUTAN SA KWADERNO
(GAWAIN 3)
1. Matapat ang isang mananaliksik
na nagsusulat ng impormasyon sa
notecard hinggil sa mga
impormasyon na kaniyang nakuha sa
aklat.
2. Sistematiko ang isang
mananaliksik na nagbabanggit
hinggil sa limitasyon ng kaniyang
ginagawang pag-aaral.
SAGUTAN SA KWADERNO
(GAWAIN 3)
3. Mapamaraan ang isang mananaliksik na
hindi gumagamit ng mga datos na
kwestiyonable.
4. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa
pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga
paboritong artista sa telebisyon.
5. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong
pagsulat, partikular sa paguulat ng mga
pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga
iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina.

You might also like