You are on page 1of 37

Akademikong Pagsulat

http://grammar.yourdictionary.com
Kinapapalooban ito ng ano mang
itinatakdang gawaing pasulat sa isang
setting na akademiko.
Ginagamit din ang akademikong
pagsulat para sa mga publikasyong
binabasa ng mga guro at mananaliksik
o inilalahad sa mga komprehensya.
http://grammar.about.com
Ang akademikong pagsulat bilang ano
mang akdang tuluyan o prosa na nasa
uring ekpositori o argumentatibo at
ginagawa ng mga mag-aaral, guro o
mananaliksik upang magpahayag ng
mga impormasyon tungkol sa isang
paksa.
Inaasahang ang pagsulat na ito ay
tumpak, pormal, impersonal at
Kalikasan ng
Akademikong Pagsulat
Fulwiler at Hayakawa (2003)
Katotohanan
Ang isang mahusay na
akademikong papel ay
nagpapakita na ang manunulat
ay nakagagamit ng kaalaman at
metodo ng disiplinang
makatotohanan.
Ebidenysa
Ang mga ikolar sa lahat ng
disiplina ay gumagamit ng
mga mapagkakatiwalaang
ebidensya upang
suportahan ang
katotohanang kanilang
Balanse
Paglalahad ng mga haka,
opinyon at argumento ay
kailangang gumamit ng wikang
walang pagkiling, seryoso at di-
emosyonal nang maging
makatwiran sa mga
nagsasalungatang pananaw.
Katangian ng Akademikong
Pagsulat
http://www.uefap.com
Kompleks
Ang pagsulat ay higit na may
mahabang salita
Mas mayaman sa leksikon at
bokabularyo
Mas kompleksidad ang gramatika na
higit na kapansin-pansin sa ano mang
pagsulat na gawain.
Pormal
Ang akademikong pagsulat ay
higit na pormal kaysa iba pang
sangay ng pagsulat.
Hindi angkop dito ang
kolokyal at balbal na salita at
ekspresyon.
Tumpak
Sa Akademikong Pagsulat ang
mga datos tulad ng facts and
figures ay inilalahad nang
tumpak o walang labis at
walang kulang.
Obhetibo
Ang pokus nito kadalasan ay
ang impormasyong nais ibigay
at ang argumentong nais gawin,
sa halip na ang manunulat
mismo o ang kanyang
mambabasa.
Eksplisit
Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa
ugnayan sa loob ng teksto.
Responsibilidad ng manunulat na gawing
malinaw sa mambabasa kung paano ang
iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa
isa’t isa.
Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit
sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang
salitang signal words sa teksto.
Wasto
Ang akademikong pagsulat ay
gumagamit ng wastong bokubularyo o
mga salita.
Kinakailangang maging maingat ang
manunulat nito sa paggamit ng mga
salitang madalas katisuran o
pagkamalan ng mga karaniwang
manunulat.
Responsable
Ang manunulat ay kailangang maging
responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng
mga ebedinsya, patunay o ano mang
nagpapatibay sa kanyang argumento.
Kailangan ding maging responsable sa
pagkilala sa ano mang hanguan ng
impormasyong kanyang ginamit kung ayaw
niyang maparatangan na isang plagyarista.
Karagdagan:

http://www.vsm.sk:
Malinaw na Layunin
Ang layuning akademikong
pagsulat ay matugunan ang mga
tanong kaugnay ng isnag paksa.Ang
tanong na ito ang nagbibigay
layunin.
Malinaw na Pananaw
Ang manunulat ay naglalahad
ng mga ideya at saliksik ng iba,
ang layunin ng kanyang papel
ay maipakita ang kanyang
sariling pag-iisip hinggil sa
paksa ng kanyang papel. Ito ay
tinatawag na sariling punto de
bista ng manunulat.
May Pokus
Bawat pangungusap ay at talata
ay kailangang sumusuporta sa
tesis na pahayag. Kailangang
iwasan ang hindi kinakailangan,
hindi nauugnay, hindi mahalaga
at taliwas na impormasyon.
Lohikal na Organisasyon
Ang akademikong pagsulat ay may
sinusunod na istandard na
organisasyonal na hulwaran.
Karamihan sa akademikong papel
ay may introduksyon, katawan at
kongklusyon. Bawat talata ay may
lohikal na nauugnay sa kasunod na
talata.
Matibay na Suporta
Ang katawan ng talataan ay kailangang
may sapat at kaugnay na suporta para sa
pamaksang pangungusap at tesis na
pahayag.
Ang suportang ito ay maaaring
kapaloobanng facts, figures,
halimbawa, deskripsyon, karanasan,
opinyon ng mga eksperto at siniping
Malinaw at Kompletong
Eksplanasyon
Bilang manunulat, kailangang
matulungan ang mambabasa tungo
sa ganap na pag-unawa ng paksa
ng papel at magiging posible
lamang ito kung magiging malinaw
at kumpleto ang pagpapaliwanag
sa bawat punto ng manunulat.
Epektibong Pananaliksik
Kailangang gumamit ng napapanahon,
propesyonal at akademikong hanguan
ng mga impormasyon.
Mahalagang maipamalas ang
intelektwal na katapatan sa
pamamagitan ng dokumentasyon ng
lahat ng hinangong impormasyon o
datos.
A.P.A ang inimumungkahing gamitin
Iskolarling Estilo sa Pagsulat
Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng
akademikong papel dahil sinisikap
dito ang kalinawan at kaiklian.
Kailangang maiwasan ang
pagkakamali sa gramar, ispeling,
pagbabantas at bokabularyo sa
pagsulat nito.
Layunin ng Akademikong Pagsulat
Mapanghikayat na Layunin
Layunin ng manunulat na
mahikayat ang kanyang
mambabasa na maniwala sa
kanyang posisyon hinggil sa isang
paksa.

Hal: Posisyong Papel


Mapanuring Layunin
Tinatawag ding analitikal na
pagsulat.
Layunin nitong ipaliwanag at
suriin ang mga posibleng sagot sa
isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa
pamantayan.
Madalas iniimbestigahan ang mga
sanhi, ineeksamen ang mga bunga
o epekto, sinusuri ang kabisaan,
inaaalam ang mga paraan ng
paglutas ng suliranin, pinag-
uugnay-ugnay ang iba’t ibang
ideya at inaanalisa ang argumento
ng iba.


Impormatibong Layunin
Ipinapaliwanag ang mga
posibleng sagot sa isang tanong
upang mabigyan ang
mambabasa ng bagong
impormasyon o kaalaman sa
isang paksa.


Tungkulin o Gamit ng Akademikong
Pagsulat
Ang akademikong pagsulat ay
lumilinang ng kahusayan sa wika

Nalilinang ang kakayahang


pragmatik ng mag-aaral
Nalilinang ang kakayahang
diskorsal
Ang akademikong pagsulat ay
lumilinang ng mapanuring pag-iisip
Ang akademikong pagsulat ay
tinitingnan bilang isang proseso
hindi bilang isang awtput. Ang
prosesong ito ay maaaring
kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri,
pagpapasya at iba pang mental o
pangkaisipang gawain.
Ang akademikong pagsulat ay
lumilinang ng mga
pagpapahalagang pantao
Tungkulin din ng edukasyon
ang linangin ang kaaya-ayang
pagpapahalaga o values sa bawat
mag-aaral.
Ang akademikong pagsulat ay
inaasahan ding makapagtuturo sa mga
mag-aaral ng halaga ng kasipagan,
pagtitiyaga, pagsisikap,responsibilidad,
pangangatwiran at pagpapanatili ng
bukas na isipan.
Inaasahang malilinang sa mga mag-
aaral ang kooperasyon, paggalang sa
isang individual, ethnic o racial
differences.
Ang akademikong pagsulat ay
paghahanda sa propesyon
Ang akademikong pagsulat sa SHS sa
academic track ay hindi lamang isang
paghahanda sa mga mag-aaral sa mga
higit na mapanghamong gawain sa
kolehiyo
Higit na prospektibo ang layunin ng
akademikong pagsulat sa SHS at ito ay
ang paglinang ng global na
Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat

You might also like