You are on page 1of 2

Aralin 2:

ABSTRAK

• Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at
mga report.

• Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng


pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito
ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.

• Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang


drawn away o extract from (Harper, 2016).

• Ayon kay Philip Koopman (1997), sa kanyang aklat na How to Write an


Abstract, bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang
mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon,
mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon.

Mga Uri ng Abstrak


1. Deskriptibong Abstrak

• Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel.

• Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel o pokus ng papel.

2. Impormatibong Abstrak

• Binibigyang kaalaman ang mga mambabasa sa lahat ng punto ng papanaliksik.

• Nilalagom nito ang kaligiran , layunin pokus, pamamaraan, resulata at


kongklusyon.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


• Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng
papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi
binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.

• Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito


nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para
humaba ito.

• Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.


• Dapat ito ay naka dobleng espasyo.

• Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging


maligoy sa pagsulat nito.

• Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at


hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.

• Gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa


ang pangkalahatang nilalaman nito.

• Binubuo ng 200-250 na salita.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng
abstrak.

2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng


sulatin.

3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat
bahagi ng sulatin.

4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang


kung sadyang kinakailangan.

5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang


mahahalagang kaisipang dapat isama rito.

6. Isulat ang pinal na sipi nito.

You might also like