You are on page 1of 8

ABSTRAK

- Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat


ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.

- Karaniwang binubuo ng isa o dalawang pahina lamang o


kaya’y 100 hanggang 300 salita
BAHAGI NG ABSTRAK
1. Pangalan ng mananaliksik, pamagat ng pananaliksik, paaralan, address,
taon kung kailan natapos
2. Tagapayo (kung mayroon)
3. Maikling panimula
4. Layunin o kahalagahan ng nasabing pag-aaral
5. Ang pamamaraang ginamit
6. Kinalabasan ng pananaliksik
7. Konklusyon
- Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na
makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o
pahina ng pamagat
Ayon kay Philip Koopman (1997) sa kanyang aklat na
How to Write an Abstract, bagaman ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga
kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at
konklusyon. Naiiba ang konklusyon sapagkat ito ay
naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o
ulat.
LAYUNIN O GAMIT NG ABSTRAK
- Karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa
tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at reports
- Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong
papel

KATANGIAN NG ABSTRAK
- Hindi gaanong mahaba at organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng
nilalaman.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSUSULAT NG
ABSTRAK
1. Lahat ng detalye o kaisipang ilalagay dito ay dapat na makikita sa kabuuan
ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na
hindi nabanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak, sapagkat
hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanang.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw at direktang
pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsusulat nito.
4. Maging obhektibo sa pagsulat.
5. Gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at
nilalayon ng pag-aaral na ginawa.
MGA HAKBANG SA PAGSUSULAT NG
ABSTRAK
Ang abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na
pinakahuling sinusulat ngunit kadalasang unang binabasa ng mga
propesor o mga eksaminer ng panel. Kaya mahalagang maging maingat
sa pagsulat nito.

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na


igagawan ng abstrak
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya sa bawat
bahagi ng sulating mula introduksiyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta, at konklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata ang mga pangunahing kaisipang taglay
ng bawat bahagi ng sulatin.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, grapo, table at iba pa
maliban na lamang kung sadyang kinakailangan,
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may
nakaligtaang mahahalagang kaisipan na dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

You might also like