You are on page 1of 15

Abstrak

• Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit


sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel
na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report o
naglalaman ng pinakabuod ng akademikong papel. Ito ay
kadalasang bahagi ng tesis o disertasyon na makikita sa
unahang bahagi ng pananaliksik pagkatatapos ng title page.
Layunin nitong magbigay ng kabuuang ideya ukol sa paksa.
Sapat na rin itong batayan upang matanggap o di-
matanggap ang paksa at basahin pa ang papel.
Mga bahagi ng abstrak ayon sa pagkakasunod-sunod nito

• Ang abstrak ay naglalaman ng mga pinakabuod ng mga


sumusunod na bahagi ng pananaliksik:
I. Panimula
II. Mga Layunin ng Pag-aaral
III. Saklaw at Limitasyon
IV. Pamamaraan ng Pananaliksik o Metodolohiya
V. Buod ng Natuklusan at Konglusyon
VI. Rekomendasyon
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
1. Hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o
datos na hindi binabanggit sa ginawang pag-
aaral o sulatin.
2. Iwasan ang paglalagay ng mga ilustrasyon,
statistical figures o table.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang
mga pangungusap, huwag maging maligoy.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

4. Maging obhetibo, ilahad lamang ang


pangunahing kaisipan at huwag na itong
ipaliwanag.
5. Gawin itong maikli ngunit komprehensibo.
Binubuo lamang ito ng 1-2 pahina o 100-300
ng salita.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1. Basahin at pag-aralang mabuti ang papel na
gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan
o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
intorduksiyon hanggang sa huling bahagi.
3. Buuin ang mga pangunahing kaisipang taglay ng
bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod nito sa kabuuan ng papel.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, table
at iba pa maliban lamang kung ito’y sadyang
kinakailangan.
5. Basahin at suriing mabuti ang ginawang
abstrak.
6. Kung nailagay na lahat ang mga kaisipang
dapat isama ay isulat na ang pinal na sipi nito.
Etika sa Pananaliksik/ Pagsulat ng
Akademikong Sulatin (may kinalaman sa
pananaliksik)
• Bilang isang manunulat o mananaliksik ay
mayroon kang malaking responsibilidad kaya
kailangang maging maingat sa pagsusulat o
paggamit ng mga datos. Ang mga sumusnod
ay ang mga panuntunan sa pangnanaliksik:
1. Kilalanin ang mga ginamit na ideya
2. Huwag gumamit o kumuha ng mga datos
nang walang pahintulot
3. Iwasan ang paggawa ng mga pampersonal
na obserbasyon
4. Huwag mag-short-cut.
5. Huwag mandaya (plagiarism)
Ano nga ba itong plagiarism?

• Ito ay ang pangongopya sa sulat o gawa ng


iba nang walang pagkilala sa awtor.
karaniwang anyo ng plagiarism:
•  Tahasang pag-angkin sa pananaliksik ng iba 
• Hindi pagkilala sa sinabi o ideya ng awtor
• Pag-angkin o panggagaya sa gawa o
pananaliksik ng iba
Mga Uri ng Abstrak na Sulatin
• Deskriptibong Abstrak - Ito ay maiksi lamang na
uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan
o kulang isang daan na mga salita. Walang
konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang
mababasa sa uri ng abstrak na ito.
Maihahalintulad lamang ito na parang isang
plano lamang na dapat na sundan ng isang
manunulat.
Mga Uri ng Abstrak na Sulatin
• Impormatibong Abstrak - Marami sa mga
abstrak na sulatin ay inpormatibo ang uri.
Halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin
ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado
at malinaw ang mga inpormasyon na makikita
sa babasahing ito.
Mga Uri ng Abstrak na Sulatin
• Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa
mga magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara
sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at
binubuo ng halos dalawang daan at
limampong salita o higit pa.

You might also like