You are on page 1of 4

Supplementary Note #1

Ang Abstrak
Abstrak
 isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel
siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na
makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
 Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat
 Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract (1997), bagama’t ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng
Rasyunali/Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon, resulta at konklusyon
- Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.
- Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin, mapanghikayat ang bahaging ito
upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat.
- Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon para sa mga
mambabasa.
- Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
- Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
- Konklusyon - Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng pala-isipan kaugnay
sa paksa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang
ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o
datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o talahanayan (table) sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga
ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Ang abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang
binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. Kaya naman, nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito.
Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng abstrak.
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon,
kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.
3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel.
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat isama rito
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Supplementary Note #2

Ang Sinopsis

Sinopsis
 Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad
ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, pelikula, video, pangyayari, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
Ito ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang.
 Ang pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung
kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin.

 Layunin nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng
tesis nito
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis
1. Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga
suliranin kanilang kinakaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay (gayunpaman, kung gayon, samakatuwid, gayundin, sa kabilang dako,
bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa
ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis


1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa
nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala kung maaari at magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng
pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit nito. Tiyakin ang pananaw
o punto de vista kung sino ang nagkukwento.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong
magiging mabisa ang isinusulat na buod.

Supplementary Note #3
Ang Panukalang Proyekto
Panukalang Proyekto
 Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga
nongovernmental organization (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay
isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o Samahan
 Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan
nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.
 Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang panukalang
proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema
o suliranin.
 Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon
mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip,
ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.

Mga dapat gawin sa pagsulat ng Panukalang Proyekto


I. Panimula
Bago lubusang isulat ang panukalang proyekto, kailangang tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, o
kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal. Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang
proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Ang pangangailangan ang magiging batayan ng
isusulat na panukala.
1. Magmasid sa pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
a. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang solusyon?
b. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan sa nais mong gawan ng panukalang proyekto?
2. Mula sa makukuha mong sagot sa mga nakatalang tanong ay makakakuha ka ng ideya tungkol sa mga suliraning
nangangailangan ng agarang solusyon.
3. Mula sa mga suliraning maitatala ay maitatala mo na rin ang mga posibleng solusyon upang malutas ang mga
nabanggit na suliranin

II. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


Matapos na mailahad ang suliranin ay isunod na gawin ang pinakakatawan ng sulating ito na binubuo ng layunin, planong
dapat gawin, at badyet.
1. Layunin- Sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o pinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang layunin at isulat batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi
batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008), ang
layunin ay kailangang maging SIMPLE.
Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
Measurable- may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto
Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
Evaluable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
2. Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain o
plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano
itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunud-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging makatotohanan.
3. Badyet- ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng
anumang panukalang proyekto. Ito ay ang talaan ng mga gagastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
layunin.

III. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito


Ang pag-apruba ng panukalang proyekto ay kadalasang nakasalalay sa malinaw na pagsasaad dito kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila. Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na
grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Maaari ding isama sa bahaging ito ang
katapusan o konklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat
aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto.

Balangkas ng Panukalang Proyekto


Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring gamitin depende sa may-akda na naghahain nito.
Ngunit para sa higit na payak na balangkas para sa pagsulat ng panukalang proyekto ay maaaring gamitin ang sumusunod:
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto- Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang
tugon sa suliranin.
2. Nagpadala- naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa- o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon
kung gaanao katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
5. Layunin- naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isigawa ang panukala.
6. Planong Dapat Gawin- Dito makikita ang talaan ng pagkakasunud-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.

Pakinabang- kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung

Talumpati

Mga Uri ng Talumpati. Batay sa uri ng paghahanda, ang talumpati ay mauuri sa apat: isinaulong talumpati,
binasang talumpati, maluwag na talumpati; at biglaang talumpati.

1. Isinaulong Talumpati. Ang isinaulong talumpati ay karaniwang binibigkas sa mga timpalak talumpatian.
Ang nilalaman nito ay maaaring gawa o hindi gawa ng bibigkas. Ang talumpati ay maaaring niyari para sa
kanya o kaya’y galing sa mga kilalang talumpati na madalas ay binibigkas sa mga palatuntunan o mga
patimpalak.

2. Binasang Talumpati. Ang binasang talumpati ay maaaring ang mananalumpati ang naghanda o maaaring
isinulat ng iba para sa kanya. Ito ay binabasa, habang binibigkas sa harap ng madla. Gayumpaman, kapag
sinasabing binasa, ito ay hindi nangangahulugang ang mga mata ng nagtatalumpati ay nakatutok sa
binabasa. May sining ang pagbigkas ng binabasang talumpati. Kapag kinalimutan ng nagtatalumpati na
siya ay may layuning dapat matamo sa pagtatalumpati, maaaring mauwi na lamang ito sa pagbabasa. Sa
gayon, hindi siya masasabing nagtatalumpati.

3. Maluwag o Extemporaneous. Ang talumpating extemporaneous ay di pinaghahandaan sa


kadahilanang hindi ito isinusulat bago bigkasin sa harap ng madla. Ipinaaalam sa magtatalumpati ang
paksang kanyang tatalakayin upang makagawa ng balangkas ng talumpati. Sa pagbigkas sa harap ng
madla, ang talumpating binuo niya sa kanyang isipan ang maririnig sa kanya. Ang paghahanda ay
isinasagawa bago humarap sa madla nguni’t sa pagbigkas sa harap ng madla. Ang paghahanda ay
isinasagawa bago humarap sa madla ngunit kapag nasa harap na ng madla, bahala na siyang mag-ayos at
maghanay ng mga kaisipang nais niyang paratingin sa nakikinig.
4. Biglaan o Impromptu. Ang talumpating impromptu ay binibigkas sa harap ng madla nang walang ganap na
paghahanda. Maaaring ang mananalumpati ay nahilingang magsalita nang di niya inaasahan at sa gayon ay ni
hindi siya nakagawa ng balangkas na kanyang talumpati. Ang talumpating impromptu at extemporaneous ay
nangangailangan ng malawak na karanasan sa pagtatalumpati. Bukod sa roon, kailangang may malawak na
kaalaman ang nagsasalita upang siya ay di mag-apuhap ng sasabihin sa harap ng nakikinig. Kung ang isang
nagtatalumpati ay batikan, magandang pakinggan ang talumpating extemporaneous o impromptu sapagkat may
laya ang nagtatalumpati sa pagbigkas at pagkumpas, at nabibigyan niya ng kinakailangang diin ang kanyang
sinasabi upang lalong maging kapani- paniwala.

Pagtiyak sa Layunin ng Talumpati. Ang pagtiyak sa layunin ng talumpati ay lubhang mahalaga sapagkat
ito ay nakatutulong nang malaki sa pagtalakay sa paksang napili. Ang layunin ng talumpati ay nararapat
ibatay sa tagapakinig. Anong pagbabago sa kanilang kaalaman, paniniwala, damdamin o kilos ang nais
mong matamo? Ang sagot sa mga ito ay ang layunin ng talumpati.

May limang uri ng talumpati batay sa kanyang mga layunin at ito ay ang mga sumusunod:

1. Magpaliwanag. Kapag ikaw ay magsasalita upang ituro ang paggawa ng isang bagay o ilahad ang
kaanyuan o kayarian ng isang bagay, ang layunin at uri ng iyong talumpati ay magpaliwanag.
2. Manghikayat. Kapag ang may-ari ng isang produkto ay naglalayong mapaniwala ang tagapakinig na ang
kanyang produkto ang pinakamahusay o kapag ang isang dekano ay nagbibigay-matwid na dapat
bigyang-fokus ang kursong narsing, ang layunin at uri ng ganitong talumpati ay manghikayat.

3.Mag-iwang tatak. Kung nais ng nagsasalita na madama ng tagapakinig nang buong taimtim ang kanyang
sinasabi, ang layunin niya ay mag-iwang tatak. Ang maihahalimbawa rito ay ang isang alagad ng Diyos na
nagsasalita tungkol sa pagmamahal sa kapwa at nagnanais na tumino sa kaibuturan ng puso ng nakikinig ang
kanyang mga pahayag upang ang mga ito ay pahalagahan at sundin.

4. Magbigay-aliw o makalibang. Ang talumpati ay maaaring bigkasin sa hangaring manlibang o magbigay-aliw sa


nakikinig.

5. Magpakilos. Maaaring ang isang nagtatalumpati ay magnais na ang tagapakinig ay kumilos ayon sa kanyang
ninanais. Ang layuning magpakilos ay maaaring makita sa isang nagtatalumpati na nanghihingi ng abuloy para sa
isang proyekto, o nanghihikayat na ang nakikinig ay sumapi sa isang kilusan o kapisanan, o pumirma sa isang
petisyon. Upang matamo ang layuning magpakilos kinakailangan ang mahusay na panghikayat.

You might also like