You are on page 1of 4

PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY NG MGA IDEYA AT DATOS TUNGO SA MAPANURING PAGSULAT

Maraming gawain sa akademiya ang nangangailangan ng masusing pagbasa, panonood, pagsasalita,


pakikinig at pagsulat. Ibinabahagi ang mga ito sa mga kaklase at guro. Sa paraan ng pagbabahagi, kinakailangan
ang pagpapaikli upang ang mga pangunahing ideya at pagkaka-ugnay ng mga ito ay maipahayag nang malinaw
at maayos. Tumutulong din ito upang malinawan ang mga datos na ginagamit sa mga sulating akademiko at
mga pananaliksik.

Iba-iba ang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ilan dito
ang buod, lagom o synopsis, presi, hawig, sintesis at abstrak.

BUOD

Siksik at pinaikling bersyon ng teksto. Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinanood, o pinakinggan. Pinipili rito
ag pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos. Mahalaga, kung gayon, ang pagtutok sa lohikal
at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto. Hindi tayo nagbubuod para lang ilahad ang ginawa
o isinulat ng isang may-akda. Isa itong batayan kung paano binasa ng mambabasa ang isang akda.

Pangunahing mga katangian ng pagbubuod ang mga sumusunod:

1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punot kaugnay ng paksa.


2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda: bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita. Isa itong
“muling pagsulat” ng binasang akda sa maikling salita.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maliit pa dito ang buod.

Narito ang mga hakbang sa pagbubuod:

1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.


2. Sa mga nakasulat o episodyo isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang mga paksang
pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang mga susing salita (key words).
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag gumamit ng mga salita o
pangungusap mula sa teksto.
5. Huwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
6. Makakatulong ang paggamit ng mga signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga
ideya gaya ng samakatuwid, at marami pang iba.
7. Huwag magsisingit ng opinyon.
8. Sundin ang dayagram sa ibaba:
Buod:

Pangunahing ideya

Paksang pangungusap

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Kongklusyon

Sa pagbubuod naman ng piksyon, tula, kanta at iba pa, maaaring gumawa muna ng story map o graphic
organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari.

Narito ang isang halimbawa ng story map:

PAMAGAT

SIMULA
Tagpuan

GITNA
Mga tauhan
Problema/Banghay
Pangyayari

WAKAS

Kinalabasan/Solusyon/Resolusyon

HAWIG

Tinatawag tong paraphrase sa Ingles na ang ibig sabihi’y “dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag. Katulad
ito ng buod ang pagkakaiba lamang, sa buod, inilalahad ang buong istorya, artikulo, tula at iba sa sariling
pangungusap samantalang ang sa hawig, inilalahad sa sariling pangungusap ang isang partikular na ideya o
impormasyon sa isang artikulo o teksto.

Ang hawig ay inilalahad sa isang bagong anyo o estilo. Isa itong paraan upang hindi laging sumisipi. Sa
karagdagan, ginagamit ditto ang mga kataga at pandiwa na parang nag-uulat ng sinabi ng may-akda ngunit
nilalagyan naman ng panipi (“) ang naiiba at mahalagang pagkakakilanlan sa may-akda.

LAGOM O SINOPSIS
Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang hindi lalampas sa
dalawang pahina. Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o panlabas ng pabalat ng isang noble na tinatawag na
jacket blurb. Narito ang hakbang sa paguslat ng sinopsis:

1. Basahin ang bawat kabanata.


2. Isulat nag mga tema at simbolismo sa bawat kabanata.
3. Igawa ng balangkas ang bawat kabanata. Bubuuin ito ng mahahalagang puntos at impormasyon
tungkol sa tauhan.
4. Gumawa ng isa hanggang dalawang pangungusap na buod, storyline o tema.
5. Gawan ng sinopsis ang bawat kabanata. Ikuwento ang buong istorya gamit ang mga datos mula sa
bawat kabanata. Hindi kailangang ipaliwanag ang lahat ng bagay.
6. Sundin ang kronolohiya ng istorya. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa.

Upang maging kapana-panabik ang pagkukuwento nang palagom, narito ang ilang pantulong:

1. Simulan ito sa pangunahing tauhan at ang kaniyang pinagdadaanan o problema.


2. Maaaring maglakip ng maikling dayalogo o sipi.
3. Ilantad ang damdamin ng tauhan at mga dahilan lung bakit namomroblema siya, pinoproblema
siya o kaya’y bakit niya ginagawa ang bagay na nagiging dahilan ng problema.

PRESI

Ito ang buod ng buod. Higit itong maikli kaysa sa buod at halos ang pinakatesis ng buong akda ang
tinatalakay. Ang presi ang pinaikling buod ng mahahalagang punto, pahayag, ideya o impormasyon. Muling
paghahayag ito ng ideya ng may-akda sa sariling pangungusap ng bumasa ngunit maaaring magdagdag ng
komento na nagsusuri sa akda. Wala itong halimbawa, ilustrasyon at iba pa. narito ang katangian ng isang presi:

1. Malinaw ang paglalahad.


2. Kompleto ang mga ideya.
3. May kaisahan ng mga ideya.
4. May pagkaugnay-ugnay ang mga ideya.
5. Siksik sa dalawa hanggang tatlong panungusap ang pangkalahatang puntos.

SINTESIS

Sa ilang akademikong sulatin, maaaring magkaroon ng pangangailangang bumuo ng sintesis. Ang sintesis
ay tumutukoy sa uri ng pagbubuod kung saan tinatahi-tahi ang mga nilagom na nilalaman mula sa iba’t ibang
teksto.

Sa isang sintesis, makikita ang pagtatalastasan ng iba’t ibang uri ng sanggunian hinggil sa isang partikular na
paksa. Maaaring sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pagbuo ng isang sintesis:

1. Tukuyin ang pangunahing ideya ng bawat tekstong isasama sa sintesis.


2. Tukuyin ang magkakaparehong paksa o ideyang iniinugan ng mga tekstong ito.
3. bumuo ng burador ng sintesis. Tiyaking malinaw na naiuugnay ng sintesis ang mga ideyang hinango mula sa
iba’t ibang teksto.

ABSTRAK
Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings, at papel-pananaliksik
na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang
layunin ng teksto. Kadalasang makikita ito sa simula pa lang na manuskrito ngunit itinuturing ito na may sapat
nang impormasyon kung kaya’t maaaring mag-isa o tumayo sa kanyang sarili.

Ang abstrak ay karaniwang nagtataglay ng 200-500 na salita. Bagama’t maikli lamang ito, ang mahusay na
abstrak ay karaniwang nagtataglay ng mga sumusunod na bahagi:

 Layunin ng pananaliksik- Maliban sa pagtalakay ng tunguhin ng pananaliksik, mahalaga ring banggitin


kung ano ang kahalagahan at ang inaasahang ambag ng pananaliksik na ito sa kalipunan ng kaalaman.
 Suliranin ng pananaliksik- Ilatag nang malinaw kung ano ang katanungang nais tugunan ng
pananaliksik. Maaari ring bigyang –diin ang kasaklawan ng suliranin.
 Disensyo ng pananaliksik- Ilarawan at ipaliwanag kung ano ang metodong ginamit sa pananaliksik.
Magbigay din ng ilang mahahalagang detalye hinggil sa pagsasagawa ng metodong ito.
 Resulta ng pananaliksik- Ilatag ang naging resulta ng metodong isinagawa. Iugnay ito sa suliraning
nilalalyong tugunan ng pananaliksik.
 Kongklusyon ng pananaliksik- Ipaliwanag ang implikasyon ng metodo at resulta sa kabuuang suliranin
ng pananaliksik. Maaari ding magbigay ng rekomendasyon para sa iba pang mga posibleng tahaking
plano sa pananaliksik.

Kinakailangang maunawaan ang pananaliksik upang mailahad ang mga nabanggit na bahagi ng abstrak,
lalo pa’t sa ilang mga pananaliksik, hindi tuwirang nakahati ang papel batay sa mga imporrmasyon sa abstrak.

You might also like